CHAPTER 7
***
Hay. Hindi pa nga ako nakakabawi sa babaeng yan tapos hihirit ulit ng sipa sa binti. Ayoko talaga sa kanya. Bungangera, pilosopo, mataray, maganda naman, maputi, mapagtitiisan narin kaso di ko type, never ko rin makakasundo yan. Sadista pa eh! Feeling niya naman gusto ko siyang makasama sa iisang kwarto? I'd rather sleep on the living room pag ganun. Like what I said, baka reypin niya lang ako XD.
Napasubo ata ako ah. Pero wala na akong magagawa. Desisyon ko to ng parents ko, wala akong magagawa. Napilitan lang ako. Kung di lang mabigat yung rason ko, di naman ako papayag eh. Ayoko lang na madissapoint sakin si dad pati sa mama.
Unang araw pa lang na kasama yang babaeng yan, masaklap na eh. Pano pa kaya kapag sa susunod na araw? De, magiging delubyo ang buhay ko? Tumaas na lang ako ng kwarto para kunin yung mga gamit ko. Kumatok muna ako sa 'master's bedroom kuno namin' ni Anne dahil naka lock.
*toktoktok*
''Hoy, buksan mo nga to!'' utos ko.
Wa epek parin eh. Ano bang ginagawa niya sa loob?
''Buksan mo to at kukunin ko yung mga gamit ko, hoy babae!''
Putek! Nakakailang katok na ako pero ayaw paring buksan. Nga pala, tanda ko may spare key pala sa guest room. Pinuntahan ko naman kwarto at pagkakuha ng spare key, binuksan ko agad yunbg pinto. Malay ko ba kung nagsusuicide na si Anne. Haha.
Kaya pala ayaw buksan eh. K.O (Knock-out) na. Linapitan ko naman siya. Maganda pala eh. Masungit nga lang. Para siyang teddy bear pag tulog. Bakit hindi mukang anghel? Eh sa hindi naman talaga siya mukang anghel eh. Dragon yan. Dragon.
Tumayo na lang ako at kinumutan siya. Kinuha ko na din yung mga bagahe ko at nagpunta sa guest room. Agad naman akong sumalampa sa kama pagkatapos kong ilipag ang mga gamit ko.
''Tama ba tong pinasok ko? Pano kaya ang buhay ko ng may fiance? Sana tama tong naging desisyon ko. Kung eto lang ang paraan para makalimutan kita.''
***
Holo. Sino kaya yung tinukoy ni Jason na Siya? Abangan ..

BINABASA MO ANG
Buhay Ng May Fiancé
Teen FictionMeet Anne, ang ultimate Ms. Maldita. Meet Jason, the ultimate Mr. Cold. Sa umpisa pa nga lang, hindi na sila magkasundo. Pano pa kaya kung sila'y pinagsama sa iisang bubong?