Chapter 3 : Classmates

181 2 0
                                    

CHAPTER 3

[Anne's POV]

Maaga akong nagising today, siguro dahil na din sa di ako nakatulog ng maayos kagabi. Oops baka iniisip niyo eh di ako nakatulog dahil kay Jason? Well, if that's what you think ..


You're wrong.

So ayun, nagpahanda na ako ng breakfast kay manang Aida tas I did my usual routine, hilamos, ligo, palit, kain, toothbrush, rampa and so on. Nagpahatid na din ako kay Manong Ruben, driver ko. 2nd week pa lang pala ng pasukan, nasa 4th year college na din ako. Nagtransfer lang ako this year. Ito ang mahirap sa baguhan eh. Pagbaba ko palang ng sasakyan, pinagtitinginan na kaagad ako. 

Yung iba ang sama ng tingin, tsk. Dukutin ko mata nila eh. Yung iba naman animo'y asong ulol na naka nganga habang nakalabas ng dila! Eww yucks! Yung iba naman parang ngayon lang nakakita ng dyosa.

Syempre, I walked confidently noh. Di bagay sakin ang shy type. Naglakad ako papuntang building namin. Course ko? Nursing. Waley lungs. Gusto ko lng pag experimentant yung katawan ng mga tao. Haha. Nursing kasi kapag sa tagalog parang pangkukulam. Totoo naman. Madaming ineenject sa pasyente kaya parang pangkukulam na din, pinasosyal mo nga lang. Haha!

Hindi naman ako nawala dahil malaki tong university na to. 1st week kasi is puro orientations and tour lang ginawa namin.

''Bespi!''

Ayun si Alex sa dulo malapit sa exit door. Tumabi naman ako sakanya.

''Morning!''  bati ko.

''Ok class, Goodmorning!'' bati samin ni prof .

''Today, may bago kayong classmate, he's from korea and he just transferred here a week ago. I want you all to be friends with him and please treat him well.''

Treat him well? Ano sya VIP? Nung ako, di nga sinabaihan ng treat her well tapos sya? Discrimination! Tinawag naman ni sir yung nasa labas.

''Class, I want you to meet Mr.



JASON LEE.''

Hwaaaat?! Ano daw ?! Lintek naman oh! Pati ba naman dito? Wow grabe.

''OMG! Girl, ang gwapo niya!''

''Kyaaaaaaaaaaaaaaaaaaaa!''

''Gash. He's so handsome.''

''Akin siya.''

''Anong sayo? akin.''

My goodness. Lalandi niyo. baguhan lang yung tao pinag aagawan agad? Tch. Gwapo? Feeler.

''Mr. Lee, please be sitted beside Ms. Tan, dahil yun na lang ang vacant seat.'' utos ni prof.

Oh noes! Napahinto naman sya sa paglalakad ng makita ako. Pero naglakad din sya papunta sa direction ko.

''Tsk. ikaw nanaman? Kung minamalas nga naman.''

Aba! Ang yabang talaga!

''Excuse me?!'' mataray na tanong ko sakanya.

''You may pass. Excuse me diba? Oh yan daan.''

''Bwiset.''

Inirapan ko na lang siya.

''Bespi.'' pangangalabit sakin ni Alex.

''Oh?''

Nginuso naman nya si Jason. By 3's kasi yujng arrange,ent ng upuan. Bale sa left ko si Alex tas sa right ko naman si Jason.

''Pake ko jan?''

Sabay tingin kay Jason.

''Alam ko gwapo ako, di kailangang titigan.''

Sabi nya, Tss. Kapal.

''Kapal mo. Tumingin ako sayo dahil pangit ka daw sabi ng katabi ko.''

Kumunot naman yung noo nya sa sinabi ko. Nagsmirk lang ako.

''Alam kong dyosa ako, di kailangang tignan.''

Pabalik ko naman sakanya. Haha. Kala nya ah.

''Dyosa? Ng anong planeta? Neptune? Ng anong lahi? Homo afarensis? Magsalamin ka nga.''

Sabay smirk pa nya. Ano?! Babanat pa sana ako eh, kaso naunahan ng bell. Ayun ung hambog takot yatang marinig ang banat ko eh. Argh! I really really really really hate him!

* NURSING CLASS *

 

''Aaaaaaaarrrrrrrrrrrrrrrrrrrrrraaaaaaaaaaaaaaaaaaaayyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyy!!!!!!!''

Sigaw ni Julius aka Julia.

''Punyeta kang dagang palakang isinawsaw sa imburnal ang bisugong pagmumuka!''

Bulyaw nya sakin habang napangiwi sa sakit.

''Anong sabi mo ha? Sinong bisugo? Ha?''

''Aray Roxanne Marie Tan!''

Paano, diniinan ko pa yung pagtusok ng injection sa kanya, badtrip na nga ako eh dodoblehin pa!

''Pwede ba Anne, kung kukulamin mo ako, wag ngayon dahil may datesung pa kami ni fafa Erik ko mamayetch, baka madevirginize na ako eh! Sayang ang byuti!''

Mabatukan nga.

''Landi mo! Hoy Julius Kevin Rivera, umayos ayos ka kung ayaw mong kulamin talaga kita!''

''FYI teh, Julia. J-U-L-I-A. Tsaka anong kukulamin? Hello, kanina mo pa po ako kinukulam. Tignan mo nga yung pinagtusukan mo ng injection, ugat oh! namamaga pa! Langya. Bat ba kasi tuwing badtrip ka chaka naman may practicum? Kawawey naman ang byuti ng dyosa! Hmpp..''

''Bakit ha? Kasalanan ko bang ikaw ang lagi kong kapartner sa practicum ng pag iinject?''

Tanong ko sakanya. Inirapan niya lang ako.

''Hmmp. Whatever! Ano ba kasing problema mo, ha?''

''W-wala. Pangit lang yung weather.''

''Ang chaka mo. Kung pangit yung weather, mas pangit ka!''

Sabi nya sabay flip hair. Kala mo naman ang haba haba ng buhok, kalbuhin ko sya eh. 

Di ko pwedeng sabihin na may fiance na ako. Lalo na kung si Jason pa, baka pag nalaman ng marami eh dumugin ako ng di oras.

***

Vote & Comment!

Thank you!

~ AvvaMalds♥





Buhay Ng May FiancéTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon