Tiffany's POV
Nag bigay si George ng flute ng champagne at ang sabi kay Ethan. "Happy birthday bro.. Cheers!"
Sinauli ni Ethan ang flute kay George at umalis sa location.
Sabi ko na eh..
"Wait lang. Ako bahala!" Umalis ka agad ako at sinundan ko si Ethan.
Bilis bilis siya umaalis. Hindi ko siya maabot kasi sa suot kong stilleto. Naisipan kong tangalin at takbohin para makapunta ka agad sa kaniya. Tuloy ang pag tawag ko sa kaniya pero hindi siya tumitigil. Finally, naabot ko din. Kahit hingal na.
"Ethan.."
Humarap siya sakin. "Bakit ba kailangan ng ganito? Bakit may surprise?"
"Ethan.. It's your birthday. Normal lang naman ang mag handa"
Galit siya. "Oo.. Pero sakin. Aayaw ko. At kong sino man ang nag propose at gumawa nito. Mali talaga ang ginawa niya. This is a stupid idea. At ang masama pa nito ay kasagwat pa kayo kahit alam mo na.."
Pinatigil ko siya. "Stupid idea but ako ang nag isip at ako ang gumawa ng paraan na ipag handa ka. It's a good compliment for me. Thank you sa pag appriciate na ibinigay mo. Ginawa ko lang para sayo, hindi mo pa matanggap. Maka alis na nga"
Malapit na ako sa pinto ng pinag gaganapan mg party. Yan tuloy! Gawa ka ng gawa ng iyong idea pero hindi naman magustohan. Ano ka ngayon? Ang tanga mo talaga Tiffany. Sobra..
Pumasok ako ng malungkot at sinalubong ako nina Hope, William, George and other.
"Umalis na siya. Hindi niya nagustohan ang party. Pero mag enjoy kayo, sayang naman ang lahat na ito kong hindi pagsasamantalahan"
"Tawagan ko siya baka mapipilit.." Sabi ni George.
"Wag na. Wag kna mag abala"
Pumunta ako sa pinakamalapit na upuan at umupo ako. Sakit ng paa ko kasi hindi na ako ng stiletto pabalik sa loc. Tiningnan ko, may isang taga sa paa. Hindi kona naramdaman na nakatapak ako ng bubog or else. Dumais sakin si Hope at William.
"Bakit ka tapak?" Sabi ni Will.
Napangiti ako. "Hinabol ko kasi siya. Hindi ko alaman na nakatapak na ako ng bagay na naka taga sakin"
"Aah.. Lagi ako may dala na plaster pero nagpalit ako ng bag, kaya wala. Ikukuha nalang kita ng tissue, ate"
Umupo si William sa tabi ko at hinintay namin ang pagbalik ni Hope.
Hindi ko talaga akalain na magagalit si Ethan ng ganon. Unexpected talaga. Bumalik si Hope na may dalang tissue at ibinigay sakin. Pinahid ko ng kaunti ang sugat. Mga 2 to 2.5 cm ang haba. Concentrate na concentrate ako na hindi ko nalaman na may dumais samin.
"Ako na ang bahala. Plaster. Let me see"
Napatingin ako sa taong umimik at si Ethan pala. Lumigaya ulit ang kaluluwa ko nung nakita ko siya.
"Ethan.." Sabi ni Will.
"Maya na ang pulongan. Aasikasohin ko pa ang mrs ko at tsaka nga pala Tiffany. Ayusin mo ang upo mo, baka balakan kapa ng mga kaibigan kong yan.."
Napatingin ako sa mga kaibigan niya na sinundan siya nung nakita siya.
Umayos ako ng tayo.
"Yan. Ayos na! Akin na ang suot mong stilleto"
Kinuha niya at isinuot sakin. Parang cinderella lang ang peg. Kikiligin na sana kong hindi ko nakita si Haira.
Nag try ako tumayo pero napatumba ako kay Ethan at sinalo niya ako.
"Wait. Tulungan kita maglakad.."
Napatingin ako sa kaniya. Naisip ko: ganito ga lagi siya? Nakkapanibago ata..On the stage.
Hindi parin ako bitawan ni Ethan. Tinatanggal ko ang kamay niya sa may hips ko pero hindi niya ako bitawan. Kinuha niya ang mic.
"Good evening sa lahat. Thank you sa pag ssurprise niyo sakin at sorry kong ganon ang naging react ko kanina.."
May umimik sa dulo ng sala. "Ang asawa mo ang nag organize nito!"
Tinitingnan ko kong sino ang nagsabi pero hindi ko maaninaw dahil sa light na naka tutok samin.
Napangiti siya. "Yes.. Hindi ko naman nakkalimutan ang mag pasalamat kay mrs. Thank you so much"
Niyakap niya ako at lahat nag palakpakan. May binulong sakin si Ethan.
"Thank you.. Mamaya ko nalang itutuloy ang gusto ko pa sabihin sayo. Pag tayo lang"
"Happy birthday Ethan. Kahit minsan, hindi ko nakkalimutan ang birthday mo"
Tumawa siya. "Pagpupulongan din natin yan. Don't worry"
"Oo.. Pero pwede mo na siguro ako bitawan kasi hindi pa naman ako invalid"
"Take care my wife seriously"
"Kailan pa nauso sayo yan?"
Humarap ulit siya sa public at ginamit ulit niya ang mic. "And now.. Enjoy the party!"
Bumababa na kami sa stage. Hindi na niya ako sinagot pero ok lang. Muka naman ata madami ang pgpupulongan manaya. Kapag kami lang dalawa.
Uli si Ethan sa mga kaibigan niya, relatives and other na kakilala niya. Ako naman nag ppahinga sa isang tabi kasi tired na ako mag lakad. Si hope nakikipagkilala sa mga kaibigan ni Ethan at pati si William, success sa mga babae. Ang magkapatid na yun, parehas talaga ang ugali at tsaka nakkatuwa talaga sila. Hindi ka maboboring kapag kasama mo sila.
Medyo nawala ang ngiti ko nung lumapit si Haira at umupo sa tabi ko.
"Bakit hindi ka nag eenjoy?"
"Ikaw? Hindi ka manlang nag eenjoy kasama ang iba? I mean, yung kaya mong gawin kasi nga buntis ka"
"No.. Wala ako sa mood mag enjoy. Anyway, thank you for inviting me kahit hindi ako masyado inaasikaso ni Ethan"
Hindi ka talaga aasikasuhin..
"Wala yun. Normal lang naman na invite kita"
"May nappansin ako.."
"Ano yun?" Tanong ko hanggan tinitingnan ko ang mga bisita na nag eenjoy.
"I think na may gusto siya sayo.."
Napatawa naman ako kasi hindi naman totoo yun.
"What? Bat mo naman naisip yun?"
"Kasi nakikita ko sa mga mata niya kong paano tingnan ka. Kahit minsan hindi ko naransan makatangap ng tingin na katulad na ibinibigay niya sayo"
Imposible..
"Ano ba ang nakain mo at yan ang mga pinagsasabi mo?"
"Wala. Impression ko lang. Feel ko ang nararamdaman niyo sa isa't isa"
Iimik na sana ako nung dumating si Ethan.
"Hey, Ethan! Happy birthday" sabi ni Haira.
"Thank you. Ok ka lang ba?"
"Oo naman. Tamang pag isip lang ang kinailngan" tumayo siya at dumais kay Ethan.
At may ibinulong. Nacurious naman ako.
"Enjoy the party guys. Uuwi na ako. Byee" umalis ng nakangiti.
Nag ddrag ba?
Umupo si Ethan sa tabi ko. "Ikaw? Ok ka lang?" At inayos niya yung buhok ko na rebelde at inilagay sa likod ng tainga.
"Ok lang pero medyo tired na. Kanina pa akong umaga lakad ng lakad"
Napangiti siya. "Ikaw kasi, Nag abala kapa para sakin"
"Syempre naman. Always. Bakit ka nga ba bumalik?"
I laid my head on his shoulder.
"Because... I feel na may kailangan akong balikan"
"Balikan? Ano yun?"
"Ang tamang tanong ay hindi 'ano yun'. Ay 'sino yun'"
Napatingin ako sa kaniya. Sino ba naman ang babalikan niya dito?
"Ikaw" sagot niya sa sagot na hindi ko naitanong. "Ikaw ang binalikan ko"Natapos ko din ang chapter na ito. Hayss.. Wait the next chapter. Kbyee
Gbu,
MzsMae :*
BINABASA MO ANG
My Beloved 'Arranged' Husband❤️
RomanceCOMPLETED || BOOK 1 || started date: Jan. 7, 2016 Tatanggapin niyo ba na ang magulang niyo ay magdecide kong sino ang kakasamahin niyo habang buhay tulad ni Tiffany at Ethan? Mamahalin niyo ba ang tao na katabi mo Kahit may boyfriend ka na? (ARRANGE...