Chapter 2.1

447 14 4
                                    

Chapter 2.1

Nung pumasok na yung new student sa classroom namin natulala na lahat ng classmates kong lalaki at yung iba na ring babae at syempre kasama na si Chad dun. Medyo nainis ako sa new student na yun. Ewan ko ba, talagang masama ang pakiramdam ko sa kanya pero parang familiar sya. Ah sya yung kumanta noon sa mall. Nasa harapan na ng classroom naming yung new student at katabi na nya si Mr. Shin.

“Class eto nga pala si Ms. Evans. I hope na magiging mabait kayo sa kanya. Ms. Evans please introduce yourself.” Sabi ni Mr. Shin. Hmmm Evans? Related kaya sya dun sa Evans family na isa sa pinakamayamang at maimpluwensyang pamilya sa buong mundo?

“Of course Sir. Hi classmates! I’m Destiny Blaire Evans but you can just call me Blaire if you want. I’m not very good in speaking tagalog I hope you can help me in learning it.” Sabi nung new student. Tumingin ulit ako sa direction ni Chad pero mukhang hindi na nya pinapansin yung new student kasi hawak na nya yung phone nya ngayon parang may tinetext na sya.

“Thank you Ms. Evans. May gusto bang magtanong kay Ms. Evans?” tanong ulit ni Mr. Shin at ang daming nagtaas ng kamay para mag tanong.

“Blaire may boyfriend ka ba?” Tanong nung isa kong kaklase na lalaki. Tumingin ulit ako kay Chad at napansin ko parang medyo natense sya nung nagtanong yung kaklase ko.

“Ah no I don’t have a boyfriend right now.” Sagot naman nung Blaire na yun pagtingin ko ulit kay Chad nakaclench na yung fist nya. Mukhang galit na ata yun.

 “What’s your ideal guy?” Tanong nanaman nung isa ko pang classmate.

“I don’t really have a preference but if I have maybe a gentleman and kind guy.” Sagot naman ni Blaire with matching smile na nagpanosebleed sa iba kong classmates.

“Where did you transfer from?” Tanong ni Kaori. Hmm pati sya interesado din dun sa new student.

“From the US.”

“Do you like eating kimbab?” Tanong ni Cyril na adik sa mga Korean foods. Ako naman ayoko nun kasi maanghang ang pagkain nila eh hindi pa naman ako mahilig sa maaanghang.

“Well yes I do like eating kimbab but I love eating sweets!” sagot ni Blaire at parang nagsparkle yung mga mata nya nung sinabi nya na gusto nya ng sweets. Well I guess may isang turn off na si Chad sa kanya, ayaw kasi ni Chad ng sweets eh.

Nagpatuloy pa yung questions and answers portion ni Blaire hanggang sa pinatapos na ni Sir Shin at dahil konti na lang ang time, hindi na kami naglesson nag usap usap na lang kami. Pinaupo nga pala ni Sir Shin si Blaire dun sa seat sa pag itan naming ni Chad. Nagtransfer na kasi sa ibang campus yung dati naming katabi. Nung paupo na si Blaire sa upuan nya nginitian nya ko at nakipagshake hands sya sakin tapos tumingin sya kay Chad at nginitian lang din nya tapos si Chad naman tumango lang at tumayo na sya sa upuan nya tapos lumabas na ng room naming. Ang weird naman nun hindi pa kami labasan ah? Nakititig lang ako sa pintuan kung saan lumabas si Chad nang may naramdaman ako na kumuhit sakin. Tumingin ako sa kanan ko at ayun si Blaire na nakangiti sakin.

“I’m sorry if I startled you but you seemed to be in a daze. So I got worried. Anyway it’s nice to meet you! Can I ask your name?” Tanong nya sakin. Parang ayokong sabihin sa kanya yung name ko pero kelangang maging polite.

“I’m Madeleine Louise Rhodes. It’s nice to meet you as well!” sabi ko sa kanya na may kasamang fake smile parang feeling ko tuloy ang sama ko kasi wala naming ginawa sakin tong taong to pero parang hindi ako comporatble sa kanya.

“That’s such a pretty name! It suites you perfectly!” sabi nya sakin. Hindi ko na sya sinagot kasi hindi ko talaga feel makipag usap sa kanya. Snob na kung snob pero wala talaga ako sa mood na maging friendly sa kanya. Hindi na din naman sya nagsalita nung hindi nako sumagot sa kanya. Sumilip ako sa kanya at nakita ko na may sinusulat sya dun sa notebook nya. Nako parang naguiguilty ata ako, feeling ko binubully ko sya kasi diba new student nga sya so wala syang kilala pa ditto sa school na to. Kawawa naman pero nung pagtingin ko sa iba naming classmates, nakatitig lang s kanya yung ibang classmates ko na guys na parang mga babae na nakatitig sa crush nila. Haist mga lalaki talaga. Natapos na yung class naming kaya lunchbreak na 3 hours kasi yung class na yun. Nakita ko na papalapit sakin yung kambal kaya nag ayos na ko ng gamit ko pero nagulat na lang ako nung nilagpasan nila yung desk ko at lumapit dun sa desk ni Blaire.

“Hey Blaire gusto mo sumama ka samin mag lunch?” Tanong ni Kylie.

“Of course! Thanks for inviting me.” Sagot naman nya.

“Louise, san pumunta si Chad? Bakit umalis agad yun?” Tanong ni Drew. Mabuti naman may nakapansin pa sakin.

“Ewan ko nga eh bigla na lang umalis pero bago umalis yun parang may katext eh.” Sagot ko naman.

“Well tara na sa cafeteria? Di ba Blaire sabi mo mahilig ka sa sweets? Swerte mo laging may mga dessert na tinitinda dito sa cafeteria.” Yaya ni Kylie. Dahil nga isang prestigious school ang Campbell Academy at halos lahat ng napasok dito ay mayayaman, kaya mga high class talaga ang mga pagkain dito mabuti na lang kasama sa scholarship ko ang libreng food sa caf.

Pumunta na kami sa cafeteria at tinext ko na din si Chad na dumiretso na kami sa cafeteria at sumunod na lang sya dun. Umupo na kami dun sa usual seat namin at ayun nga pinagtinginan nanaman kami kasi nga kasama namin si Blaire eh siguro nagandahan nanaman sa kanya yung mga tao. Pagkaupo namin nagbatobato pick kami kung sino ang pipila at bibili ng pagkain namin. Ganun kami lagi nagbabato batopick kami para malaman kung sino ang malas na pipila ang magbubuhat nung mga pagkain. Ang haba kasi madalas ng pila. Hindi muna namin sinali si Blaire kasi bago pa lang sya at hindi sya marunong magbatobato pick. Ang natalo ay si Cyril at si Kaori. Ayie! Tadhana ba yon! Nakita ko na medyo namumula si Kaori at si Kylie naman panay ang sipol para na nga syang baliw sa ginagawa nya. Nung nakaalis na yung dalawa nagkwentohan muna ulit kami. Kinwentohan ni Kylie si Blaire ng kung ano ano about sa school namin like yung fanclub ni Chad. Tapos yung janitor dun sa school namin na may relasyon dun sa principal namin. At ang dami pang kwento. Maya maya lang dumating na din si Chad at umupo sya sa tabi ni Blaire. Weird, usually sa tabi ko sya tumatabi. Nakita ko na lang na may inabot si Chad na paper kay Blaire na tinitigan lang ni Blaire.

“That’s your new sched. We’ll be classmates in your every subjects.” Sabi ni Chad kay Blaire and si Blaire naman nag nod lang na parang hindi big deal yun. Ano ba nangyayari?! Kaanu ano ba ni Chad si Blaire? Tumingin ako sa buong table namin at pareho lang din sila ng reaction katulad ko, gulat na gulat at hindi maintindihan ang nangyayari yung bang parang ganito. O.O

AN: magkaano ano nga kaya sila Chad at Blaire? Read the next chapter to find out... Please vote and comment so I can know if you like my updates.. Oops and the picture for this chappie is Blaire.. :D

Our Cruel Fairytale StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon