2.2
“Wait! Chad magkakilala naba kayo ni Blaire?!” Tanong ni Kylie na nanlalaki parin ang mga mata.
“Of course I know her she’s my bestfriend.” Sabi ni Chad pero bakit parang malungkot si Chad nung sinabi na bestfriend? Wait! Bestfriend?! As in close sila talaga?! So sya pala yung pagbibigyan ni Chad nung bracelet. Naisip ko tuloy bestfriend nga lang ba talaga sila?
“So kelan pa kayo magkakilalang dalawa?” Tanong ulit ni Kylie. Ayokong magtanong about sa kanilang dalawa baka mamaya I’ll just regret it. Hinayaan ko na lang na si Kylie ang mag interview sa kanila.
“We’ve been friends since forever! I had known Chad since we were just in our mother’s womb.” Sagot naman ni Blaire si Chad kasi may sinusulat sya sa notebook nya at mukhang wala na syang interest sa usapan.
“Wow, describe mo naman kung ano ang personality ng Chad na yan? Kasi alam mo napakatahimik talaga nyan lalaking yan puro ‘Hn’ , yes, no at idiot lang ang naririnig namin dyan kadalasan.” Sabi nanaman ni Kylie.
“Chad is indeed a quite a man of a few words. I can say that he’s a very kind and will always be there to help you. He’s a certified ladies magnet which I’m sure you already know but most of all he’s someone that I’m sure I don’t want to live without.” Sagot naman ni Blaire na nakatingin na kay Chad at si Chad naman… Nag…. Wait! Tama ba nakikita ko?! No please hindi yun tama! Si CHAD!
Si Chad!!!
Nag b-b-…
Chad!
b-b….
Si Chad nag b-bl-bla
BLUSH!!!!!!!!!!!!!!!!!!
Wah! Si Chad nagbublush!!!! BLUSH!
Si Chad! Si Chad na hindi masyadong nagpapakita ng emotion! Si Chad! Nagbublush! At ang masaklap pa nito, nagblush sya dahil sa mga sinabi ni Blaire! Oh no! Please sana lang hindi tama tong iniisip ko. {arang nararamdaman ko na ang sikip na ng dibdib ko. Para bang may nangsasakal sa puso ko.
Tumayo na lang ako sa upuan ko at naglakad na ko palayo.
“Madeleine! Where are you going?” huh? Madeleine? Ako ba tinatawag ng Blaire na yun? Tumingin na lang ulit ako sa kanila.
“Punta lang ako ng library may kailangan akong hanapin nakalimutan ko. Sige ha! Kita na lang tayo sa next class!” Classmate ko kasi si Chad sa next class ko after ng lunch and since classmate na sila ni Blaire sa lahat ng subjects nila then classmate ko din si Blaire. Nagdiretso na lang ako sa library at nung dumating na ko dun kumuha na ko ng libro. Hindi ko alam kung anong libro yung kinuha ko basta ko na lang kasi kinuha ng hindi ko tinitignan yung title. Pumunta ako sa corner sa pinakalikod ng library at naupo ako dun tapos yung libro na kinuha ko tinakip ko sa mukha ko na parang nagbabasa ako. After nun naramdaman ko na ang pagtulo ng luha ko.
BINABASA MO ANG
Our Cruel Fairytale Story
HumorThey thought that it's a perfect fairytale love story but what if the real princess came?