Chapter 14

209 5 11
                                    

LOUISE's POV

Ilang days nadin nakalipas since naospital ako and nakausap ko na din yung doctor wala akong sakit and super healthy daw ako sabi nung doctor pero di ko pa sinasabi kay Chad yun. Di ko nga din alam kung bakit hindi ko sinabi kay Chad na wala akong sakit pero siguro kasi simula nung naospital ako everyday tinatanong nya ako kung okay lang ako or kung may nararamdaman akong sakit sa katawan ko.

Kung pede ko lang kasing sabihin na meron nga akong nararamdaman na sakit, masakit ang puso ko pag naaalala ko na mahal nya yung impaktita na yun. </3

Actually naisip ko na nga na magmove on nalang pero isipin ko palang nasasaktan lang ako lalo. 

Kung magkakapalit lang kami ni Blaire ng pwesto ang saya saya ko na. Isipin nyo nga mamahalin din ako ng taong mahal ko pero hindi ako si Blaire at hinding hindi ako magiging sya. Ako si Louise Madeleine Rhodes ang taong nagmamahal kay Chad Miller pero ang mahal ni Chad ay si Blaire.

Bakit ba kasi may love pa? Pinapakomplikado lang nyan ang buhay eh. Meron bang gamot na mabibili na nakakapagtanggal ng love sa buhay ng tao? 

Ang sakit lang na makikita mo ang taong mahal mo na nakatingin sa iba. Yung hindi ka man lang nagkaron ng chance na sabihin sa kanya yung nararamdaman mo. Ha! Ano ba yan traydor na mga luha to oh. Kung kelan nandito ako sa public place saka pa sila nagbabagsakan. :(

"Eto panyo oh." narinig ko na may nagsabi. Lumingon ako at may isang lalaki na nag aabot ng panyo sakin.

"Para san to?" tanong ko sakanya.

"Tsk Pabo. Try mong kainin yang panyo baka makain mo." Sabi nung lalaki. Aba pinilosopo pa ako and Pabo?! Ako? Diba yung parang manok yun?

"Excuse me lang ha! Hindi ako pabo o manok o sisiw kaya wag mo akong tawagin na pabo at yang panyo mo? Sayong sayo na isaksak mo sa baga mo. Dyan ka na!" sabi ko dun sa lalaki saka ako naglakad palayo dun sa lalaki.

Galing lang nya ah?! Nag eemote ako dito about sa love life ko na tragic tapos pipilosopohin lang nya ako psh! Makapaghanap na nga ng ibang place na pag eemotean ko.

Our Cruel Fairytale StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon