Chapter 3.2

350 11 0
                                    

Sorry if super duper late tong update na to sorry talaga medyo naging busy lang talaga ako nung finals weeks namin at after nun umaattend ako ngayon ng driving lessons so sorry po kung late sya... huhuhu.. Anyway etong chapter na to ay more of a filler kasi medyo nahihirapan akong iexpand po yung pinakang plot nya for this chapter pero may effect din naman po ito dun sa story hehehhehe . Sana po magustuhan nyo and syempre please vote ang comment heheheheh... thanks po..:D

3.2

Nasa school na ako ngayon at hindi ko maiwasang maisip yung sinabi sakin ni Valerie kahapon dun sa ice cream shop. Tama nga sya na kung wala kaming gagawin, hindi malabong maging si Chad at Blaire pero knowing Valerie alam kong mapapahamak lang din ako sa huli. Naglakad lakad na muna ako sa school garden namin para tignan yung mga bulaklak dito. Napakaganda talaga ng mga bulaklak dito lalo na yung mga tulips. Nilapitan ko yung mga tulips at napansin ko na hindi pala ako nag iisa dun sa garden, nandun din si Chad sa part ng garden na maraming iris na tumutubo. Nilapitan ko si Chad at umupo ako sa tabi nya.

“Good morning Chad. Mag isa ka lang ata ngayon, nasan si Blaire?” tanong ko sa kanya. Simula kasi nung dumating si Blairehindi mo na makikita si Chad ng hindi sya kasama.

“Good morning din. Maaga ka atang pumasok ngayon, may practice ba ulit si Jarrette?” sagot naman nya. Halatang iniiwasan nyang sagutin yung tanong ko. Baka nag away silang dalawa siguro.

“Ah oo next week na kasi game nila kaya todo practice na sila.”  After nun wala nang nagsalita saming dalawa, wala din kasi akong masabi kasi mukhang mas gusto muna nya ng katahimikan. Lumapas na ang ilang minuto at nagyaya na syang pumasok na kami sa classroom. Sumunod na lang ako sa kanya hanggang makapasok na kami at sakto pagpasok namin nandun na din si Blaire. Nakakapagtaka nga ang reaksyon nila sa isa’t-isa eh. Nagkatitigan sila pero agad naming umiwas ng tingin si Blaire kay Chad at si Chad naman napansin ko na lang na nakaclench na yung fists nya. Grabe talaga ang tension dito.  >.<

Naupo na  lang ako sa tabi ni Blaire at pinagmasdan na lang yung dalawa.

Uwian na namin ngayon at ganun parin yung dalawa umiiwas parin si Blaire kay Chad. Pauwi na sana ako ng mapansin ko si Blaire na nagmamadaling naglalakad papunta sa school gate at si Chad naman hinahabol sya. Nung maabutan na sya ni Chad, hinawakan sya ni Chad sa may braso nya at saka hinarap sa kanya at niyakap. Maraming mga studyante ang nakatingin sa kanila pero halatang hindi nila pinapansin yun.

Mga ilang minutes na din silang magkayakap dun at habang tumatagal parang lalong sumisikip ang dibdib ko. Nagseselos na nga ata ako pero wala naman akong karapatang magselos diba? Hindi naman kasi kami ni Chad at syempre nauna naman si Blaire pero bakit masakit pa rin? Lumayo na lang ako sa kanila at umuwi na lang sa amin.

Kinabukasan, since nag iiyak lang ako pagkagaling ko sa school kahapon hanggang sa makauwi na ako, pumasok na ko sa school at hindi ko kasabay ngayon si Jarrette may practice kasi ulit sila.

Pagdating ko sa classroom namin nandun na si Blaire at umupo na ko sa tabi nya. Tumingin lang sya sakin at ngumiti pero halatang pilit yung ngiti nya. Nginitian ko na lang din sya. Nakalipas na ang ilang oras at music class na namin at dumating na ang music instructor namin.

“Okay class may iaannounce ako ngayon. Alam nyo naman na malapit na ang school festival natin kaya nga naghahanap na kami ng mga pwedeng magperform para sa concert sa festival. So I suggest na ngayon isa isa kayong magpeperform ng kahit ano dito sa harap ng class. It can be just singing or dancing or pedeng both na din and I just want to tell all of you na kung sino man ang mga mapipili na magperform ay kelangang magperform ng 2 performance for that night okay? So let’s start na. Magsimula muna tayo sa dulo para naman maiba diba?” Sinabi ni Mam Clement yun ng nakatingin sakin. Yeah so Mam Clement nga pala ang music instructor namin. Mabait yang s Mam at syempre super talented nyan. Wala na nga atang instrument na hindi nya alam tugtugin eh.

Our Cruel Fairytale StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon