Chapter Nine

9.7K 175 16
                                        

Humahangos si Greg nang makarating siya sa harap namin. Unti-unting dumidilim ang paningin ko at naririnig ko na sa aking tainga ang tibok ng puso ko. Nangatog ako dahil sa galit, I even thought that I was already seeing red. Bumilis ang aking paghinga.

"I'll go inside Mrs. Baudelaire." I heard Ms. Romualdez spoke beside me before entering the faculty room again. She wanted to give us privacy and I appreciated that. But I think that was not a good idea at all.

"Margaux, I.. I forgot--shit." Hindi niya natuloy ang sasabihin niya dahil kahit nanginginig ang aking kamay ko ay lumipad iyon patungo sa kanyang pisngi. Nagpupuyos ang aking kalooban dahil sa ginawa niya. I can survive my life without him, but my--our daughter can't.

"Simple lang ang gagawin mo, Greg. Almost everyday, no, everyday you always pick Maddie up from her school. How can you forget a thing you always do?" I spoke through gritted teeth. I don't want to shout. Ayokong marinig pa ni Ms. Romualdez ang pag-aaway namin.

Hinihimas niya pa din ang kanyang pisngi na sinampal ko. "I was busy, Margaux. You know that I fucking need to work my ass off to get my family's trust for giving me our company," His eyes narrowed and I saw a hint of anger.

"That's bullshit Greg! Alam mo ba na napapansin na ng anak mo ang hindi natin pag-uusap magmula nung malaman kong may ibang babae ka? Ayokong maapektuhan ang anak ko sa away natin pero wala, nangyari na. She's having a problem in her school, Greg! Pati mga kaibagan at teacher niya ay napansin iyon, pero tayong mga magulang niya.. Tayo mismong kasama niya sa bahay.. We are her parents but we did not even see that this mess affected Maddieson so bad," Muli na naman akong naiyak habang nagsasalita at ilang beses na akong pumiyok. Dahil doble ang nararamdaman kong sakit sa pagkakaalam na nasasaktan din ang anak ko.

Greg looked at me with mouth agape. He seemed shock because of what I just said.

He opened his mouth to speak but then closed it again like he wanted to say something but he didn't know what he was going to say.

"And then Greg, I found out that you didn't pick her up. Sa tingin mo ba mas makabubuti iyon kay Maddie? Mas iisipan niya ang mga napapansin niya sa ating dalawa dahil sa hindi mo pagsundo sa kanya! She is just a child, Greg. She is my child! Sa oras na.. may mangyaring masama sa anak ko Gregory, I will move mountains and cross all the oceans just to find your mistress and sue the both of you!" Hindi ko na mapigilan pang magtaas ng boses dahil sa pagsikip ng aking dibdib. Nanlalabo na ang paningin ko sa pinaghalong luha at sobrang kapaguran. Literally and figuratively.

Sinubukan kong hanapin ang kanyang paningin ngunit patuloy lang siya sa pag-iiwas nito sa akin. Damn, he could not even look me in the eyes. That hurts.

***

Third person's POV

Parehong napatingin ang mag-asawa sa pagbukas ng pinto. Maddieson came out with messy hair and brushing the sleepiness out of her eyes.

"Mommy, why are you crying?" Takang tanong ng bata habang nakatingala sa kanyang ina na puno ng luha ang pisngi, namumulang mata at ilong.

Agad namang pinunasan ni Margaux ang kanyang mukha at suminghot bago kinuha ang braso ng kanyang anak at hinatak ng marahan palabas. Nagtatanong si Maddie sa kanya kung bakit siya umiiyak, ngunit lalo lang itong nakapagpaiyak kay Margaux. Hindi niya sinagot ang kanyang anak, bagkus ay sinabi niyang uuwi na sila.

Nagmamaneho si Margaux at halos dumugo na ang kanyang labi dahil sa kakakagat nito. She took her willpower just to keep her tears at bay because her daughter was just beside her, looking at her with a worried face. Pansin din ni Margaux sa kanyang rearview mirror ang sasakyan ni Greg na nakasunod sa kanila. Inalis niya ang tingin doon at itinuon ang tingin sa kalsada.

Connected CordsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon