Margaux' POV
Parang pinilipit ang utak ko ng imulat ko ang aking mga mata. Parang lumulutang din ang aking ulo marahil ay sa sobrang pag-iyak. I blinked a couple times because my vision was blurry. When I can finally see clearly, white ceiling welcomed me and the familiar scent of the hospital hit my nostrils.
Halos malaglag ako sa kamang hinihigaan ko dahil naalala ko ang nangyari. Maddieson..
"My daughter.." My voice came out hoarse, almost a whisper. My throat was dry and I badly need a water.
"Margaux, hey, how are feeling?" I tilted my head and found Creed's aesthetic face staring fondly at me. He touched my hair and I leaned into his palm because it really feels nice when Creed is near or just close to me. He was like a massive sweater, vey comforting and warm.
Nanubig ang mga mata ko n'ung unti-unting bumalik sa aking isipan ang mga nangyari. My whole world turned upside down in just what? two to four hours? It was so overwhelming.
"Creed, si.. si Maddie.." Pumiyok ang boses ko dahil sa aking munting pag-iyak at marahil na rin siguro sa pagka-uhaw.
Lumamlam ang mga mata ni Creed habang hinahabol ang nga luha na pumapatak sa gilid ng mga mata ko. "Everything is already set, Margaux.. The.. the funeral is in a chapel near here. I'm sorry." Bumaba ang tingin ni Creed sa mga kamay ko at marahan na pinisil iyon.
Hindi ako nakapagsalita. I thought it was just a nightmare. I wanted it to be just a nightmare. The fact the my only daughter was already gone was slowly sinking in, just as my heart was slowly tearing apart. Hindi, para palang nilalasog-lasog ang puso ko dahil doon.
And that very moment, I knew that I also died.
Maddieson was everything to me. Siya na lamang ang nag-iisang dahilan para patuloy na lumaban ako sa buhay. She was my source of strength. She was my battery when my energy was slowly draining. She was the light in my life. But now, she was already taken away from me.. Wala na si Maddieson. Wala na ang anak ko. Wala na siya. Iniwan niya na din ako..
Why do all the people that I love the most, the people that I cherish the most, the people that are so dear to me, leave me? Si Mama, si Papa, si Greg, at ang natitira na lamang na si Maddieson ay kinuha pa. Bakit hindi nalang ako ang mawala? Yung ako yung unang mawawala kasi masakit ang maiwan. Mas masakit pa sa mga rejections na naranasan ko noong kabataan ko. Mas masakit pa sa mga injections na tinurok sa akin kapag naoospital ako. Mas masakit pa sa unang karanasan ko kay Greg. Mas masakit pa sa pagle-labor ko noon kay Maddie. Mas masakit pa noong nalaman kong may ibang babae si Greg. Mas masakit pa noong nahuli ko sila sa akto ng kabit niya.
Being left alone was the most hurtful feeling you could ever perceive.
I was so broken that time. Hindi ko alam kung ano ang unang bagay kong gagawin. My whole being collapsed. Masyadong naipon ang lahat ng emosyon at damdamin sa dibdib ko. Hindi ko na alam kung ano ba dapat kong maramdaman. Should I cry? Should I mourn? Should I be strong? Should I be mad? Napakadaming dapat ba? Literal na parang mababaliw na ako.
Kaya imbis na maramdaman ko ang mga ito. Naging manhid ako. Wala akong maramdaman.
Iba pala sa pakiramdam kapag manhid ka na. Parang lahat ng mga bagay na naaalala mo ay ni kahit ano ay wala ka nang makapa na emosyon sa puso mo. Wala na. Because I was already dead inside.
Sabi ni Creed nawalan daw ako ng malay dahil sa sobrang pag-iyak habang yakap-yakap ang walang buhay na katawan ni Maddie. Nagising ako ay magtatanghali na. Masyadong naging mabilis ang lahat. Noong gabi bago nangyari ang aksidente ay pinangakuan ko pa na magsashopping kami ni Maddie kinabukasan. Noong umaga naman ay pumasok ako sa opisina, bandang tanghali ay tinawagan ako ni Ruby na nawawala ang anak ko, hinanap ko si Maddie kung saan-saan hanggang halos madilim na ang langit ay tumawag si Greg at sinabing nakita na niya ang aming anak. Noong gabi ay pumunta ako sa ospital at nakita ko naman si Greg kasama si Elsa Hamlett. Pagkatapos noong gabi ding y'on ay nalaman kong wala na ang nag-iisang anghel sa buhay ko.
BINABASA MO ANG
Connected Cords
RomanceThe cords were connected as they vow to love one another as long as they live. The cords.. the symbol of their marriage.. Alam ni Margaux at ni Greg na unti-unti nang nalalamatan ang kanilang pagsasama. Ngunit sa kabila ng lahat ay pilit pa rin sil...