Chapter Twenty-seven

10.1K 160 30
                                        

Hilam na hilam na ang mga mata ko dahil sa mga luha na walang tigil sa pag-alpas mula sa mga ito. Takbo ako ng takbo at mabuti na lamang ay nakabisado ko na ang daan patungo sa villa na tinutuluyan namin kaya mas mabilis ko itong nahanap.

"Margaux!" Muling sigaw ni Greg sa likod. Hirap na hirap akong huminga hindi lamang dahil sa hingal kung hindi pati na rin sa sobrang paninikip ng dibdib ko.

Hindi ko kayang saktan si Creed. Imagining him looking at me with those honey brown eyes that is full of pain made my heart burn extremely. Sa lahat ng bagay na ibinigay sa akin ni Creed ay hindi ko kayang suklian iyon ng pasakit. Hindi ko kailanman maaatim na saktan siya.

Nang nasa harap na ako ng villa ay pinihit ko na agad ang doorknob ngunit napamura ako ng malakas dahil nakalock ang pinto. Napasabunot ako sa sarili ko.

"Margaux.." Tumindig ang mga balahibo dahil sa nagsusumamong boses ni Greg na ngayon ay tuluyan na akong naabutan.

"Open the door," Maikling sabi ko. Ang boses ko ay magaspang dahil na rin sa sobrang pag-iyak. Ngayon, ang luha ko naman ay wala pa ding tigil sa pagtulo.

"We have to talk sweetheart, please.." Parang pinipiga ang puso kapag naririnig ko ang pumipiyok niyang boses.

"Buksan mo ang pinto, Greg." Madiin kong sabi. Hanggang ngayon ay nasa likod ko lamang siya at hindi ko siya tinitingnan.

Narinig ko ang marahas na pagbuntong-hininga niya pagkatapos ay naramdaman ko na lumakad siya papalapit at narinig ko ang kalansing ng mga susi. Tumabi ako sa gilid at hinayaan siyang buksan ang pinto. Nalanghap ko ang pamilyar na napakabangong amoy niya. It was very manly.. and nostalgic.

Nang mabuksan na niya ang pinto ay walang pasabing pumasok ako kaya nabangga ko siya. But I care less at the moment. All I want was to leave that villa and leave that island. I know that my move is very impulsive but that's the only thing I can do. To escape.

"Margaux naman.." Narinig ko ang boses ni Greg sa aking likod pero hindi ko siya pinansin. Dumiretso ako sa kwarto at agad kinuha ang maleta na dala ko at ipinatong ito sa kama.

"Hey, hey, what the hell are you doing?" Hindi makapaniwalang tanong ni Greg at pinigilan ako sa pagbubukas ng zipper ng aking maleta.

"I'm leaving, Greg." I spat and swat his hands away. Gulong-gulo na ang utak ko. Hindi ko na alam kung ano ang gagawin ko. Pero sa huli ay naisip ko rin.. gagawin ko na lamang kung ano ang tama.

"No, you're not leaving me again Margaux." Matigas na sabi niya. It was not a statement. It was a command.

Napahikbi ako at sinimulang ilagay ang mga gamit ko sa maleta mula sa cabinet doon. Sunud-sunod ko nang inilagay ang mga damit ko, wala na akong pakialam kahit pa magulo iyon.

"Stop that Margaux because there is no way in hell I will let you leave this island." Madiing sabi niya. Though his voice quiver at the end and I couldn't tell if he was restraining his sob or his anger.

Pero hindi pa rin ako nakinig. Itinuloy ko lamang ang pagliligpit ng gamit ko. He was not stopping me physically but verbally. Akala niya siguro ay kaya niya akong pigilin gamit lamang ang kanyang matitigas na salita pero iba na ngayon.. I would not let him control me even if my heart was already his slave.

"Tumigil ka na Margaux. You're wasting your effort. Kahit na umalis ka pa dito ay mahahanap pa din kita. Kahit na sumakay ka pa sa kung anong sasakyan diyan, hindi ka makalalabas ng islang ito ng wala ang permiso ko." Para akong nagpanic sa sinabi niya kaya lalong bumilis ang kilos ko. Napakabilis ng aking kilos kaya kahit ako ay hindi na masundan ang sarili kong ginagawa.

Connected CordsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon