Margaux
Humangin ng malakas at sumabog ang maikli kong buhok. Napapikit ako at dinama ang amoy ng damo sa paligid. Tumaas ang mga balahibo sa aking batok. I could feel my daughter's presence. Marahan kong hinaplos ang puntod ni Maddieson, ipinadadaan ko ang aking daliri sa pangalan niyang perpektong nakakurba sa marmol na iyon.
I tried so hard to keep my tears at bay as I reminisce all of our memories together. Limang taon na pala. Limang taon na magmula nang mawala siya sa amin at dalawang taon na ang nakalilipas magmula ng maipakulong ko ang taong nagmanipula sa aming lahat. Ang lalaking akala ko ay makabubuo sa pagkatao ko noon. Creed..
Natakot ako noong una dahil makukulong lamang siya. Tila hindi iyon sapat para sa akin, gusto ko siyang maghirap. I wanted to torture him and caging him in a nasty jail made me worried sick because being the clever man that he is, he could could find a way to get out. Pero hindi ako sumuko. Hindi kami sumuko ni Gregory na maidiin siya sa korte. And I can't help my tears to fell because of pure contentment noong nahatulan siya ng korte ng Reclusion Perpetua o habang buhay na pagkakakulong.
Pero dahil napatunayan na may diperensya siya sa pag-iisip ay sa isang kulungan ng mga katulad niya siya napunta. Hanggang ngayon ay tumataas pa rin ang aking nga balahibo kapag naaalala ko na nakasama ko ang isang katulad niya. Pinadidirihan at kinasusuklaman ko siya.
Unconsciously my hand went on my chest and caress the small scar in there. Kahit na dalawang taon na ang lumipas ay hindi pa rin ito natanggal ngunit lumiit ito. Tanggap ko na rin na habang buhay kong dadalhin ang markang iniwan niya, ganoon na rin ang peklat sa aking noo.
I sighed when a small pair of fragile arms enveloped me affectionately. Nakaupo ako sa damo habang siya naman ay nakatayo lamang sa gilid ko. Sadness were visible in her soft eyes like she was sensing my burden. My sweet little Elli.
Bumalik ako sa Paris matapos mahatulan si Creed at pinagpatuloy ko ang buhay doon. Greg and I didn't get back together.. He wanted to but I just can't. Not yet.
Makalipas ng ilang buwan ay nadikubre ko na nagdadalang-tao muli ako ngunit sandaling binalot ng takot ang puso ko dahil maaring maging anak iyon ni Creed. Ngunit kahit ano pa man ang mangyari ay tatanggapin ko ng buong-buo ang bata sa sinapupunan ko.
"That's your ate Maddie, baby.." Mahinang sabi ko at hinaplos ang namumula niyang malulusog na pisngi.
"Mm..die!" She blabbered and I smiled widely.
Ngayon lamang ako bumalik sa Pilipinas dahil ngayon ang ikalimang death anniversary ni Maddieson. Kenneth stayed in paris with his newly found French boyfriend. Masaya ako dahil nakahanap siya ng hot na fafa. Napapailing na lamang ako dahil napakadeceiving ng itsura nilang dalawa.
Inayos ko ang bulaklak na dala ko sa gilid ng lapida ni Maddie at marahang tumayo. Pinagpag ko ang dumikit na damo ng likod na aking pantalon. Elli peered up at me and rose her arms, signaling me to pick her up which I gladly obliged. Binuhat ko siya at hinalikan ang kanyang pisngi.
"Margaux..." Natulos ako sa aking kinatatayuan at tila may sariling isip ang aking puso nang makilala ang boses na iyon ay tumibok ito ng napakabilis. I hoped that I will meet him again today and I am more than happy that he did come here. Parang sasabog ang puso ko sa sobrang tuwa at kaba.
Unti-unti akong humarap sa taong nasa likod ko at humigpit ang pagkakakapit ko kay Elli.
"Greg.." I whispered as I looked at the man that I haven't seen for two years. Nanlabo ang paningin ko dahil sa mga nagbabadyang luha. I missed him. So much.
Pagkatapos malitis ng kaso ni Creed ay hindi ko pa kayang pumasok muli sa relasyon, kahit gusto niya pa. We both needed time to heal and to prosper. Bumalik ako sa Paris para balikan ang nga naiwan kong trabaho sa Dernier Cri, ganoon naman din siya sa kanyang kompanya.
BINABASA MO ANG
Connected Cords
RomanceThe cords were connected as they vow to love one another as long as they live. The cords.. the symbol of their marriage.. Alam ni Margaux at ni Greg na unti-unti nang nalalamatan ang kanilang pagsasama. Ngunit sa kabila ng lahat ay pilit pa rin sil...
