Humigpit ang hawak ko sa counter na sinasandalan ko dahil sa kabang nararamdaman ko. I was already sensing the danger just by looking at his nervous face.
"What about the seminar, Greg?" I asked. Napapalakpak ako sa aking isip dahil diretso ko iyong nasabi.
"Uh, it was cancelled. Wala ng seminar." Sagot niya, lumikot ang kanyang mga mata.
I breathed a sigh of relief. Phew! I thought it was something bad.
"Edi ayos! I could go home tomorrow," Masayang tugon ko. Siguradong matutuwa si Creed kapag nakauwi na ako doon. I will surprise him!
Pero agad napawi ang ngiti sa aking mga labi nang dumilim ang tingin sa akin ni Greg. I inaudibly gulped because of the intensity of it.
"No," May diin na sabi niya. His voice held finality and it almost gave me chills. Sa sobrang seryoso ng boses niya ay hindi mo na gugustuhin pang suwayin siya.
"And why not?" Tinaasan ko siya ng kilay. Ipinakita ko sa kanya na hindi ako natatakot kahit sa loob ko ay nangangatog na ako. I hope that this facąde could still be effective.
"May usapan tayo hindi ba? We will stay here for five days. Five days, Margaux and that's final." May awtoridad na sabi niya.
"Pero Greg, wala na tayong gagawin dito!" I exclaimed. Totoo naman, paano namin bubunuin ang tatlong araw pa naming pananatili doon? Madami. Oo, madaming mga maaaring gawin sa resort na iyon. Maraming amenities. Mukhang ang sarap-sarap pang magbabad sa tubig and get a nice tan.
Ang daming gawin pero ginawa ko lamang iyong dahilan dahil hindi ko alam kung kakayanin ko bang makasama si Greg ng tatlong araw ng kaming dalawa lamang. Na walang kahit anong lakad siyang pupuntahan.
"We will have fun, Margaux. Let's give ourselves a break. Let's enjoy the beauty of this resort." Nakagat ko ng mariin ang aking labi dahil sa mga ideyang pumapasok sa isip ko. At halos maputol ang aking paghinga nang unti-unting lumapit si Greg sa akin. I tried to step back but I was trapped. And that wasn't good.
"You will stay here, Margaux.. With me.." Mahina ngunit sobrang lalim ng kanyang boses habang sinasabi niya iyon. Ang kanyang itim na itim na mga mata ay lalong dumilim habang nakatingin ng diretso sa akin.
"Do you understand that, sweetheart?" Napakalambing ng boses niya ngunit ang talim naman ng kanyang mga titig sa akin.
With a eratically beating heart and a confused mind.. I just found myself nodding.
*****
Greg made a quick and simple brunch for us before we leave the villa. Mabilisan din akong nagsuot ng royal blue na two piece at pinatong din ang suot ko white na maxi dress. Sinalubong ako ni Greg sa labas na naka tight royal blue t-shirt (oh, so we're playing matchy-matchy now?) na siyang labis na nagpakita ng hubog ng kanyang matipunong katawan. The cuts of his muscles were so deliciously visible, it would be a sin just by staring at it. Pinaresan niya iyon ng isang itim na board shorts.
"Let's go enjoy this paradise?" He invited and held out his hand. Ang ngiting nakapaskil sa kanyang natural na mapupulang labi ay sobrang nakakahawa kaya hindi ko na rin mapigilang ngumiti at tanggapin ang kanyang kamay.
"Let's go!" Excited kong tugon. Mahina siyang tumawa at nagsimula na kaming maglakad.
"Are you excited?" Nakangiting tanong sa akin at naramdaman ko ang marahan na pagpisil niya sa aking kamay. Parang may kakaibang naramdaman akong isang pamilyar na pakiramdam sa aking sikmura. Tumango ko sa kanya at ngumiti. It feels nice. To hold Greg's hand. It feels nice to be with Greg. I feel so contented.. happy even.
BINABASA MO ANG
Connected Cords
Roman d'amourThe cords were connected as they vow to love one another as long as they live. The cords.. the symbol of their marriage.. Alam ni Margaux at ni Greg na unti-unti nang nalalamatan ang kanilang pagsasama. Ngunit sa kabila ng lahat ay pilit pa rin sil...
