"Juicecolored! San mo ba nakuha yang eye bags mo't bakit parang ang bigat-bigat?" tanong ni Shiela sa akin, sabay subo nya ng binili nyang Pizza.
Si Sheila Aragon. She's considering herself as a beautiful woman though it's true.
Andito kami ngayon sa school canteen. Kumakain pampawala ng ka bored-dan.
"Oo nga! Magkano bili mo nyan?"Dagdag pa ni Rhein.
Rhein Cervantes, the oldest of the group but acts as a 7 years old child."Alam mo Sky, tulog-tulog din pag may time." Mendy
Mendy Concio is the joker of the group. Though her jokes are sometimes corny.Sarap pag umpugin nitong tatlo. Wala man lang comfort.
"Ang laki nyong tulong." sarcastic kong sabi and just rolled my eyes.
and I'm Sky Delos Santos. 16 years old na kaming apat. Nag aaral dito sa Augustine Academy.
"Uso yung 'move on' ngayon day. Kung bakit ba naman kasi sa isang pipi ka pa nagkagusto." Sheila.
"Uy! Grabe ka. Hindi sya pipi no! Siguro naniniwala lang sya na Less Talk, Less Mistake." Puna ko.
"Sige, ipagtanggol mo pa yung crush mong wala man lang ni isang buhay na romantic bone, kukutusan na talaga kita."
Natakot naman ako sa sinabi ni Mendy kaya mas pinili ko na lang tumahimik at paglaruan ang mango float na binili ko. Sorry po, wala akong gana.
"Ang dami daming lalaki dito sa school, sya talaga? Alam mo bang nagmumukha ka ng tanga? Tapos tignan mo, sa kaka-stalk mo sa kanya sa facebook, di ka na natutulog."sabi ni Rhein
Oo nga't maraming lalaki dito sa school pero wala talaga eh. Sya talaga ang nakapukaw sa natutulog kung puso.
"May mga kaibigan akong lalaki. Ipapakilala ko sila isa-isa sayo. Ewan ko na lang kong wala kang magustuhan."Mendy
"Ayoko!" pagpoprotesta ko.
Syempre no, may kahihiyan rin naman ako no.
"Whether you like it or not, ipapakilala ka namin sa kanila." sabi ni Sheila
tapos nag apir silang tatlo. Mga walang hiyang to.
xxxxxxxxxxxxxx
"Ms. Francisco! Why are you sleeping in my class?!"
napatayo naman ako sa gulat. woooh. Beast mode na Si Ma'am Dy.
Tinignan ko naman yung tatlo kong mga kaibigan. Walanghiya, tumatawa lang ang mga Gaga.
"Ahh, Ma'am. Kasi po... Ano..." patay wala akong maisip.
"What?!" bigla na mang may dumaang airplane sa utak ko kaya may naisip na akong rason. Thank you sa sigaw ni Ma'am Dy.
"Kasi po Ma'am, nag aral po akong mabuti. Muntik na nga po akong di nakatulog sa kaka study ko eh."
"Ahh ganun ba? Sige ipagpatuloy mo yan Ms. Francisco, okay? Pero, hwag ka na ulit matutulog sa class ko or else......"
habang nagsesermon si Ma'am, napatingin ako sa direction nya. Sa lalaking gusto ko. Sa lalaking pangarap ko ang mahalin nya rin ako. OO, classmate ko sya. Kaya ang hirap mag move on.
Pero nakaka disappoint sya. Sya lang ang hindi nakatingin sa akin.
Simula kasi nong nalaman ng lahat ng classmate ko na may crush ako sa kanya wala na. Nawala na yung closeness namin. OO, close kami pero noon yun.
Flashback
"Hoy. Pahingi ng 1/2 crosswise" Sigaw ko kay Shin
Hindi naman sa mahirap kami pero tinatamad ako bumili.
"Ito Hard Tarch oh" sabay bigay nya sa akin ng isang papel.
"Thank you."
wanna know bakit hard tarch?one time pinabigkas nya sa akin ang word na hard touch ng paulit-ulit kaya lang di ko mabigkas ng maayos "Hard Tarch" yung bigkas ko kaya yun tawag nya sa akin.End of Flashback
Hindi ko na narinig ang mga sinisabi ni Ma'am dahil sa kanya. Naiinis ako sa kanya.
"Ms. Francisco, you may now take your seat."Ma'am Dy
umupo naman ako, pero di ko parin maalis tingin ko sa kanya.
"Hoy! Uso makinig."Rhein
I just fake a smile tapos nakinig or more on tinitigan ko lang ang board dahil wala naman talaga akong naiintindihan.
Read•Vote•Comment