Sky POV
Linggo ngayon at dahil sa wala talaga akong magawa nagpaalam ako kay Mama na pupunta ako ng Mall.
Anong gagawin ko dito sa Mall?
Kakain mag-isa. Manonood ng sine mag-isa. Ang saya maging single diba? Palagi ka na lang nag iisa. :(
Pagkatapos kong manood ng Second Chance na hindi naman ako maka-ralate ay napag isip-isip kong kumain muna.
Nasa may counter na ako ng may isang taong nakatawag ng pansin ko.
Juicecolored! Si Shin Juena! Ang cold pero hot kong crush ay nandito rin!
Ehh. Naalala ko na naman ang nangyari don sa elevator. Kinikilig ako.
Naka upo lang sya.
"Di sya o-order?" tanong ko sa sarili ko.
Wala naman kasi syang kinakain eh. Naka upo lang talaga sya.
"Shin!"
napatingin naman ako sa bandang pinto ng may tumawag sa kanya.
So, hinihintay nya yung Dianne, yung binihisan ko dahil may sakit. Nagseselos na talaga ako.
Lumapit sa kanya yung Dianne may sinabi saglit tsaka pumunta didto sa counter. At worst, nasa likod ko sya.
Anong klaseng parusa to? T.T
"What's your order Ma'am?" tanong sa akin ni Ateng crew.
"Isang order ng Palabok." sagot ko sabay abot ng pera.
"Here's your change Ma'am."
Taray umi-english si Ate. Inabotan nya ako nong number na agad ko namang kinuha.
"Thank you."
Pumunta ako sa bakanteng table sa tabi ni Shin. Syempre Ninja moves ako, baka makita ako.
Dumating naman yung Dianne at umupo sa tabi ni Shin. Najejelly ako.
"Shin. I bought your favorite." sabi ni Dianne
Chismosa po ako.
"What?" Shin
Grabe cold talaga.
"Here. Chocolates." at inilagay nya sa table ang isang box ng chocolate.
So, he likes sweets ha? Eh, paanong hindi man lang nahaluan ng kahit konting sweet yang bones nya?
"I don't like it anymore." Shin
Kaya pala.
Di nagtagal dumating na yung pagkain ko. Tapos dumating na rin yung kanila.
Hindi ko na pinansin yung sinasabi nila. At nag focus na lang ako sa pagkain.
Pero, nabulunan ako sa biglang sinabi ni Dianne.
"Shin. Let's get married."
Read•Vote•Comment