Sky's POV
Naalimpungatan ako dahil sa sobrang sakit ng ulo ko. Pagmulat ko na realise kung ako na ang nakahiga sa sofa at wala na si Shin.
Malinis na rin ang center table.Nasaan na yun?
"Umuwi na sya." Sabi ni Ate Lina
Umuwi? Wala man lang pasabi.
"Di ka na nya inisturbo kasi mahimbing daw ang tulog mo. Sya nga ang naglipat sayo sa sofa eh. Ang sweet sweet naman nya."Kung alam nyo lang na fake tong lahat.
Tinignan ko ang oras sa cellphone ko. 6:30 am.
"Sila Mama at Papa po?" tanong ko.
"Baka parating na yun."Bigla namang may bumusina sa labas.
"Oh, ayan na pala sila. Nako pumunta ka na sa kwarto. Hindi ka pa rin pala nagbibihis, baka mahalata nila." sabi ni Ate Lina.
Agad naman akong pumunta sa kwarto ko kahit hilong-hilo ako. Sobrang sakit ng ulo ko. Nagbihis ako at humiga muna ako sa kama. Sobrang sakit talaga ng ulo ko. Tapos ang ginaw-ginaw.
*knock* *knock*
"Kai. Andito na kami, gising ka na ba?" rinig kong tanong ni Mama.
"Opo."
Bumukas naman ang pinto."Ok ka lang ba?" tanong ni Papa.
Tumayo naman ako.
"Okay lang po. Magbihis na po kayo. Kakarating nyo lang po. Magpahinga po muna kayo." sabi ko."Sige, bumangon ka na dyan pinaghanda ko na ng pagkain sila Lina." Mama
"Sige po." sabi ko sa kanila.I manage to smile kahit sobrang sakit ng ulo ko.
Isinarado na nila ang pinto.
Tumayo ako at pumuntang Cr.
Maliligo muna ako baka mawala ang sakit ng ulo ko."Okay ka lang ba talaga Kai?" tanong sa akin ni Papa habang kumakain kami.
"Okay lang po ako." sagot ko."Kamusta naman kayo ni Shin?"
muntik naman akong mabilaukan sa tanong ni Papa."O-ok naman po kami, Pa." sagot ko kay Papa.
"Mabuti naman."
Hwag nyo na po syang i-tanong sa akin baka makapag sinungaling na naman ako.
Pagdating ko sa room, as usual yung tatlo kung kaibigan ang pinaka-maingay.Napatingin naman ako kay Shin na nakatingin din sa akin. Umiwas ako kaagad ng tingin.
Umupo na ako sa upuan ko.
"Uy, parang maputla ka ata." sabi ni Sheila sa akin.
"Masakit lang yung ulo ko. Mawawala rin to." sabi ko.Buong morning class, ang sakit lang talaga nong ulo ko.
Nasa food court kami ngayon, silang tatlo todo kain, ako bumili ng pagkain pero wala talaga akong gana.
"Bakit di mo pa ginagalaw pagkain mo?" tanong ni Mendy.
"Wala akong gana eh." sagot ko.Bigla namang tumunog cellphone ko.
Si Shin./Back gate./
"Guys. Sobrang sakit talaga ng ulo ko eh. Punta lang ako ng clinic saglit ah." paalam ko sa kanila.
"Samahan ka na namin."Rhein
"Nako, hwag na. Kumain na lang kayo dyan. Sige bye." Kinuha ko ang bag ko at umalis.
Kahit sobrang sakit ng ulo ko. Kailangan ko paring puntahan sya. Ayaw ko ng maulit yung nangyari kahapon.
Pagdating ko, nakita kong nakaupo sya sa sementadong upuan na malapit sa malaking kahoy.
Nakita naman nya ako agad at lumapit sa akin.