Chapter 10

2 0 0
                                    

Sky's POV

"Anong ginagawa mo sa cellphone ko?" inis na tanong ko kay Shin.

Napatingin sya sa akin na halata ang pagkabigla pero nag-smirk din sya di nagtagal.

Pagkagising na pagkagising ko sya  agad ang nakita ko. Naka upo at pinakiki-alam ang cellphone ko. Naka ngisi pa.
 

  Ginamit ko lahat ng lakas ko para tumayo at lumapit sa kanya para kunin ang cellphone ko kahit ang sakit ng ulo ko.

"Akin na nga yan." kukunin ko na sana pero bigla syang tumayo at itinaas ang kamay nya.

"Only if you get it." sabi nya habang naka ngisi.

Sinubukan kong tumalon para kunin ang cellphone ko pero masyado syang mataas.

Tumatawa lang sya habang sinusubukan kong kunin ang cellphone ko.

Tumigil ako sa pagta-try na makuha ang cellphone.
"Ano ba?! Nang-iinis ka ba?!" pasigaw na tanong ko.
   Nakakainis na kasi eh.

"CruShin pala ha?" nakangising sabi nito.

Nabigla ako sa sinabi nya. Paki-alamero talaga.

   Yun yung album ko sa gallery na picture nya lahat ang nakalagay.

Ibinaba nya ang kamay nya at lumapit sa akin. Umatras naman ako pero lumalapit parin sya hanggang sa naramdaman ko na nakasandal na ako sa pader. Agad nyang kinuha ang chance at iti-nrap  nya ako. Nakasandal ang kanang kamay  nya sa pader habang ang isa naman ay hawak ang cellphone ko.

 Nakatitig sya sa akin pero hindi ako makatingin sa mga mata nya kaya kung saan-saan ako tumingin. Ang lakas lakas ng tibok ng puso ko.

"Here." ipinakita nya  sa akin ang cellphone ko habang nakangisi ng nakakaloko at agad naman akong kinuha.
Dumaan ako sa kaliwa kung saan hindi nakaharang ang kamay nya.

Hindi ko alam ang sasabihin ko.

Umupo na lang ako sa sofa. Ngayon ko lang na realise na hindi ko alam tong lugar kung nasan ako ngayon.

Inilibot ko ang paningin ko. Ang linis naman masyado dito sa  kwarto nya.

"Nasa bahay mo ba tayo ngayon?" I ask awkwardly.

"Condo." simpleng sagot nya at umupo sa tabi ko.

"Ikaw lang mag-isa nakatira dito?" tanong ko para makalimutan yung nangyari kanina.

"Yes." alam kong nakatingin sya sa akin habang nagsasalit sya. Ramdam ko pero di ko sya kayang tignan.

"Thank you." biglang sabi nya.
    Napatingin ako sa kanya. Takang-taka ako kung bakit nya sinabi yun.

"Bakit? Ako nga dapat mag thank you sayo no kasi inalagaan mo ako ngayon."

"Inalagaan mo din naman ako kagabi ah. Kaya Thank you. Also, thank you because you like me."

Bumilos ang tibok ng puso ko sa sinabi nya.

"I never thought  na may isang babaeng magkakagusto sa akin na magsi-save ng picture ko sa cellphone nya." sabi nya habang naka ngiti, yung ngiting nakakalusaw ng puso.

"Bakit nga pala napunta sayo cellphone ko?"
Kanina ko pa'to gustong itanong sa kanya.

"Rhein called. I just answered the call but I didn't talk."
Biglang nawala ang kaba ko.

"Mabuti naman." sagot ko at inilibot ang paningin ko sa kwarto.

May nakita akong picture ng isang batang babae na nagva-violin.

Dating The Hot Ice PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon