"Umuulan pala." sabi ni Mendy.
Andito kami sa Chowking, kumakain. Nakakagutom kaya maglaro. Kung ano-ano pang pinambili ni Shiela.Bigla namang sumaga sa isip ko si Shin. Uwuwi naman siguro yun no? Ang tanga naman nya kung hihintayin pa nya ako eh, umuulan.
"Kaya bilisan na nating kumain kasi umuulan na." sabi naman ni Sheila.
Pagkatapos naming kumain lumabas na kami at naghiwa-hiwalay na kasi iba-iba naman ng direksyon ng bahay namin.
Sumakay na ako ng taxi pauwi, pero may gumagambala sa isip ko. Si Shin. Na isip ko yung text nya sa akin.
/I'll wait./
Paano kung naghintay talaga sya? Umuulan pa naman. Pero di naman siguro sya tanga diba? Umuwi na yun. Pero paano nga kung hinintay talaga ako non?
Tinignan ko ang oras sa relo ko, 8 pm na. 4 pm yung uwian namin sa school so 4 hours din pala. So kung hinintay talaga ako ni Shin 4 hours syang naghintay? Impossible naman sigurong maghintay sya ng 4 hours no?
"Manong, sa Augustine Academy po muna tayo sa may back gate. May nakalimutan po kasi ako." sabi ko kay Manong driver.
"Sige po, Maam." sagot naman ng driver.
Nababahala na talaga ako kay Shin para kasing may nagsasabi sa akin na nandon pa sya pero isa syang tanga kung naghintay sya sa akin ng four hours tapos umuulan pa.
Pagkadating ko sa may back gate, kinuha ko muna ang payong sa bag ko at agad lumabas sa taxi. Medyo malakas ang ulan kaya it's a very good thing na may dala akong payong parati.
Inilibot ko agad ang paningin ko. Nagbabakasaling naghihintay sya. Pero mukha namang walang tao. Wala rin naman ang kotse ni Shin dito kaya baka umuwi na yun.
Tatalikod na sana ako ng may bigla akong narinig na umubo.
"*cough*cough*"
Sino yun? Napatingin ako sa malaking kahoy kung saan ako napasandal noong una akong pumunta dito. Doon kasi nang gagaling ang tunog.
Tumingin ako sa may likod ng kahoy. At nakita ko sya. Nakaupo na parang ginaw na ginaw. Nakayuko. Wala pa syang payong, ni jacket man lang. Umuubo pa.
Parang may kung ano na kumurot sa dibdib ko. Bakit di ko sinipot ang lalaking to? Di ko naman kasi alam na seryoso pala sya sa sinabi nyang maghihintay sya.
Lumapit ako sa kanya pero mukhang di man lang nya na pansin ang presensya ko. Mas lumapit pa ako at sinilong ko sya sa payong ko.
Parang napansin naman nya na hindi na sya nababasa ng ulan kaya tumingin sya sa taas at nagkasalubong ang mga mata namin. Ewan ko pero nasasaktan ako sa nakikita ko ngayon.
"Di ba sabi ko di ako pupunta, bakit nandito ka?" tanong ko sa kanya. Gusto ko syang sumbatan pero di ko magawa. Basang-basa sya sa ulan.
"You came." simpleng sagot nya at tumayo.
Hinawakan nya ang kamay ko na nakahawak sa payong at tinulak nya ako papunta sa kanya na ikinabigla ko naman.
Ngayon sa isang maliit na payong, kasama ko ang lalaking gusto ko."Saan ang kotse mo?" tanong ko.
"Di ko dala."Nakatitig lang sya sa mga mata ko ganun din ako sa kanya.
Agad akong umiwas ng tingin. At kinalas ko ang kamay ko sa payong hinayaan ko na lang syang hawakan ito.
"Bakit di ka pa umuwi?" tanong ko ng hindi makatingin sa kanya.
"Cause I know you'll come here." alam kung nakatitig pa rin sya sa akin nakikita ko sya sa peripheral vision ko.
"Paano kung di ako dumating?!" naiinis ako sa kanya kasi paano kung magkasakit sya?