Chapter 5

22 2 0
                                    

Sky's POV

"Shin. Let's get married."

*cough*cough*

Nabilaukan naman ako sa narinig kong yun.

Kumuha agad ako ng tubig at uminom.

Married? Si Shin? Kay Dianne? So, In a relationship talaga sila? Kailan? Bakit? Paano Ako?

erase sa last kong tanong. Out of the picture ako. T.T

"No."

napasmile naman ako. WOW. Si Shin. Marunong mam-basted?

Sorry ka na lang Dianne. Hahaha!

"But, why?" tanong ni Dianne.

Please Shin. Sabihin mong di mo lang talaga sya gusto kaya di ka pumapayag. Please.

"It's not the right time."

Parang gumuho ang mundo ko sa sagot nya. Kinginang right time yan.

Gusto ko na namang umiyak. T.T

Bakit ba palagi nya na lang akong sinasaktan?

Tumayo na lang ako at pumunta sa CR.

Tinignan ko ang sarili ko sa salamin.

"Kaya mo pa ba?" tanong ko sa sarili ko.

Gusto ko talagang umiyak.

May biglang pumasok sa Cr kaya nagkunwari agad akong naghuhugas ng kamay, pero ng makita ko kung sino ang pumasok, bigla akong nawalan ng gana.

Si Dianne.

"I'm with Shin."

may kausap pala sa Phone.

Chismosa Alert. Nagkunwari akong nag aayos.

"Don't worry babe, okay?"

0_0 Babe? Sinong babe nya? Boyfriend nya? Eh, diba, sila ni Shin? Ano to?

"Of course, and after that, we can freely love each other."

Napatingin ako sa kanya.

Anong klaseng babae to? Ang ganda nya sana eh. Two timer nga lang.

She hung up. Tapos tumingin sya sa akin. Napansin nya siguro na kanina pa ako nakatingin sa kanya.

"What?" tanong nya.

Nag smile lang ako, a fake one. Tapos,

"Wala. Ang cute mo lang." sabi ko pero sa utak ko,

'Ang cute mo, sarap mong kurutin ng nail cutter.'

"Yeah, I hear that often." sagot niya tapos umalis.

Ang sama ng ugali. Psh.

"Kailangan kong malayo si Shin sa kanya." sabi ko.

xxxxxxxxxxx

"Hashtag, eye bag queen."Sheila

Ito na namam po sila. Ako na naman ang tinitira.

Tapos as usual nasa canteen na naman kami.

"Oo nga. Ikaw na talaga ang Reyna ng mga eye bags. Sayo na talaga ang korona."Mendy

"Nahiya sayo ang Panda, sa black ng eye bags mo."Rhein

"Ano nag stalk ka na naman?" Mendy

"Hindi." sagot ko.

Hindi lang naman ako nakatulog ng maayos kagabi sa kakaisip kung paano ko mailalayo si Shin sa Dianne na yun.

"So, anong dahilan?"

"Feeling ko kasi may katabi ako kagabi na Momo kaya di ako nakatulog."

hindi ko naman pwedeng sabihin sa kanila dahil baka pigilan nila ako. Mahirap na.

"Tanda mo na naniniwala ka sa mga ganyan?"Sheila

"Oo. Bakit kayo ba, hindi ba kayo natatako---" hindi na natapos ang sasabihin ko dahil biglang sumingit si Rhein.

"OH MY GOD! Is that Shin?"

Napatingin naman ako sa likod ko.

OMG! Totoo ba to? Si Shin na never pa naming nakitang pumasok dito sa canteen, eh andito ngayon.

Marami naman syang pera no, kasi mayaman naman sila.

Seaman tatay nyan tapos Business woman ang nanay.

(Alam talaga. Stalker)

Hindi nya naman siguro iniisip na madumi pagkain dito no?

"Parang may hinahanap ata." Mendy

Pansin ko nga rin eh. Kanina pa palingo-lingo.

"Guys. Samahan nyo naman ako sa Cr." Sheila

Ano ba naman tong babaeng to? Panira ng moment.

Inayos na namin ang gamit namin.

"Tara na." sabi ko at tumayo.

"Sky!"

Napatingin naman ako sa tumawag sa akin. WTH?

Si Shin! Tinatawag ako ni Shin!

Lumapit sya papunta sa akin. Putcha yung hearbeat ko. Kaluka 'to.

"Sky. I have something to tell you."

Ano sasabihin mo? Sabihin mo na. Bilisan mo. Nag babattle na ang hormones ko.

"I like you."

"Uy! Sky!"

Natauhan naman ako ng tinawag ako ni Rhein.

"Bakit andyan ka pa? Di ka sasama?" Tanong ni Mendy.

"Ay! Ito na nga sasama na." Nagmadali naman akong lumapit sa kanila.

Mag Imagine ka pa Sky. Hanggang imagine ka na lang.

"Sky!"

napatingin ako sa likod ko.

Deja vu. It's really happening.

Tinawag ako ni Shin.

Yung imagination ko, nagkatotoo.

Tumakbo sya papunta sa akin.

"Oh, anong drama ni Shin?"

Hwag ka ng kumontra Rhein. Sarap mong sabunutan eh.

Pagdating na pagdating nya sa harap ko ay hinawakan nya ang kamay ko.

Pusang gala. Ibang-iba to sa inaakala ko, mas malala pa to.

"I really need you right now." Shin

OMG. He just said, he need me right? Kailangan nya ako. Kailangan nya ako!!!! Hashtag War oF hormones na talaga ito.

"Hihiramin ko muna sya saglit." Pagkasabi non ni Shin sa mga kaibigan ko, eh bigla na lang akong hinila.

Saan nya ako dadalhin? Bahala na, ang importante kasama ko sya.

Dating The Hot Ice PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon