"I want to meet your parents.""Bawal." diretsong sagot ko.
"And why?" halata sa tono nya ang pagtataka.
"Baka pagalitan ako ni Papa at Mama. Di pa ako ready sabihin sa kanila." paliwanag ko.
"Then, I'll explain everything." sagot nya na parang pinagmamayabang nya na hindi sya kinakabahan.
Napakamot na lang ako sa ulo.
"O, sige na. Basta ikaw magpaliwanag sa kanila ha?"
"Oo nga."Nauna akong maglakad papunta sa kotse nya para maka isip ako ng dahilan kay Mama at Papa.
"Stop." Shin
Huminto naman ako."Ano? Kinakabahan na ako dito eh."
Lumapit sya sa akin at biglang lumuhod sa harap ko. Kinabahan naman ako sa ginagawa nya. Mag po-propose na ba sya?
"Oy! Anong ginagawa mo?"
"Inaayos ko lang shoe lace mo so shut up."
Rude but sweet.Tinitigan ko lang buhok nya. Ang shiny pala. Nahiya buhok ko.
Umayos sya ng tayo.
"Done. Let's go." Napa smile na lang ako. Sa totoo lang gusto kung magtatalon dito sa kilig.
SA KOTSE
"What are their names and their work?" biglang tanong ni Shin reffering kay Mama at Papa.
"Si Francine Delos Santos ang Mama ko. Si Lance Delos Santos ang Papa ko. Pareho silang doctor. Sabi nga nila sa ospital daw ako ginawa." Tumawa ako ng mahina sa sinabi ko. "How about yung Mommy at Daddy mo?"
"Kurt Anthony Juena and Liza Juena. They manages our clothing company."
Yaman talaga nila Shin.
Gabi na ng makarating kami sa bahay. Sana lang po, di ako pagalitan dahil may fake boyfriend ako.
Nagdalawang isip pa akong bumaba sa kotse ni Shin. Kinakabahan na talaga ako. Nag sign of the cross pa ako bago lumabas ng kotse.
Binuksan ko yung gate.
"P-pasok ka." Nautal pa ako. Kinakabahan na talaga ako.
Tumigil sya sa harap ko."Don't worry I'm with you." then he pat my head.
Na una na akong pumasok sa loob. Naabutan kung nanood ng TV si Papa at Mama.
"Andyan ka na pala Kai." Papa
Kai tawag ni Mama at Papa sa akin. Nickname ko.Nanatili lang ako sa may pinto.
"Bakit andyan ka pa? Halika na dito." Sabi ni Mama sa akin.Nanginginig naman akong lumapit sa kanila.
"Ma, Pa kasi po----." Di ko natapos ang sasabihin ko.
"Hello po." Napatingin ako sa nagsalitang si Shin. Naka smile pa talaga sya sa lagay na to.
Tinignan ko naman si Mama at Papa na gulat na gulat. Di kasi ako nagdadala ng lalaki dito.
"Ma, Pa, Si Shin po----" Hindi ko ulit natapos ang sasabihin ko dahil may biglang humawak sa kamay ko. Sino pa ba? Edi si Shin.
"I'm her boyfriend."
Bakit wala syang sinabing fake? Pati ba naman sa magulang ko magsisinungaling kami?
Tumayo naman si Mama at Papa.
"It's nice meeting you po, Tito Lance and Tita Francine."
"Uhm. It's nice meeting you rin Shin. So i guess, na kwento na kami ni Kai sayo." sabi ni Mama na napatingin kay Papa na ang talas ng tingin kay Shin.