TMPB 4

1 0 0
                                    


Tanda mo pa ba noong minake-up-an kita?

Lahat ng mga kaklase natin noon may mga partner para sa isa nating subject. Kailangan kasi nating magperform ng pagme-make up. Gusto ko na ngang magmukmok noon ng wala akong makapartner. Si Jessel kasi, ayaw mag pa make- up mas gusto niyang magmake-up.

Wala na din akong makuha sa mga kaibigan mo kasi kinuha na sila ng mga iba nating mga kaklase. Tuwang tuwa nga si Ma'am ng malamang willing kayong magpa make-up e. Hindi daw kayo KJ.

Nilapitan kita noon, nakayuko ka sa armchair. Ewan ko pero alam ko masakit non ang ulo mo, pero nagtry parin akong baka pwede kang ma make-up-an ko.

"Uy Troy, ikaw nalang make-up-an ko"

bulong ko pa nga sayo e. Nabigla siguro non kita kaya agad kang nag angat ng tingin mo saakin at ilang segundo pa muna akong tinignan.

Tuwang tuwa ako ng tumango ka, pero may kondsiyon pala ang pag payag mo.

"Dapat may picture tayong dalawa sister! Para bongga!"

Nagbaklabaklaan kapa nga noon e. Alam mo kasing hindi ako mahilig sa picturan kaya hiningi mo ang pabor na yan saakin.

Agad mo pa ngang nilapitan si Ma'am para ibigay ang iphone mong latest model para mapicturan niya tayo e.

Hawak ko pa ang brush ng bigla mo akong hilahin at pinaupo ako sa armchair habang ikaw ang nakaupo sa pinakaupuan. May wacky panga e.

Ayan tuloy inasar tayo ng mga kaklase natin. Narinig ko pa nga ang sinabi ng isa sa mga barkada mo noon e.

"Aba mga tsong! Pumaraan si Troy o! Naks! Binata na si sister!"

Ipit na boses pa ang boses ng kaibigan mo.

"True to life sister! May poreber na si Mama!"

Sabay apir pa ng mga sira ulo mong mga kaibigan. Halos mahulog pa nga sa upuan si Ma'am sa kakatawa dahil sa mga kalokohan niyo.

Pero napatigil ako dahil sa pamumula ng mukha mo ng balingan kita, hinipo ko pa nga ang noo mo at tinanong kong ayos ka lang. Tumango ka naman kaya sinimulan ko na ang pag me-make-up sayo.

Hindi ka mahirap make-up-an. Steady ka lang naman kasi, nakatingin ka nga lang saakin at hindi nagsasalita e. Pero ng bibigyan na kita ng eyeliner ay nagsimula ka ng magreklamo.

"Ano ba yan sis! Ang eyes ko! baka mablind lalu ako a! Makikipag titigan pa ako kay crush!"

Pabiro mo pang sabi na may ipit na boses. Nakurot ko pa nga ang pisngi mo sa sobrang gigil ko sayo dahil benta sa akin ang mga kalokohan mo.

Tuwang tuwa ang buong klase ng matapos namin kayong make-up-an, lalo na noong may baon pala kayong mga pamaypay at nag-ala geisha sa harap habang nagsasayaw na may mahinhin na galaw. Pati nga speaker ay nagdala kayo at pinatunog ang kantang Ms. Flawless.

Mas lalo ngang sumaya ang klase noon dahil may pa pout pout pa kayo ng labi at flying kiss.

97 ang naging score ko dahil sa sobrang ganda mo daw, natural na gwapo ka kaya naman kung me-make-up-an kita ay talagang maganda ka. Kaya naman nilibre kita ng Ice cream ng nag uwian. Pero nag paalam karin saakin noon kasi inaya ka ng mga kaibigan mong umalis.

Vote and Comment po.

Tanda mo pa ba?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon