.... 7:00 a.m ...
"haaayy !! ang sakit ng ulo ko !! >_< naparami masyado nainom ko kagabe ah hay !!
" hmmmmm !!
" ay palaka !!! andito nga pala si sam ..
... nakatitig lang si george sa muka ni sam habang itoy natutulog hindi ito lumagpas sa harang na nilagay niya kagabe.. napapangiti sya habang nakatingin dito naisip nya na ang gentleman nito hindi katulad ng ibang tao na kapag nalasing ka eh pagsasamantalahan ang kahinaan mo .
" ang pogi mo nga talaga nuh .. ang tangos ng ilong mo ang ganda ng labi mo ang haba ng pilik mata mo at ang kinis ng balat mo ang ganda ng katawan almost perfect ka na . yung totoo robot ka ba ?? haha
" wag mo ko masyado titigan baka matunaw ako wala ng poprotekta sayu sge ka :)
.......sabay ngiti ng binata
" g-gising !!! NAKAKAASAR KA !!!
...... namumulang tumayo at nagmamadaling umalis ng kwarto ang dalaga ngunit nahawakan ni sam ang kamay nito
" oh !! ang aga aga ang init ng ulo mo .. di na nga ko nakatulog kakabantay sayo eh tapos kahit goodmorning wala ko ??
.... kunwareng nalungkot ang itsura ng binata ng tumingin sa namumulang dalaga ..
" hoy mas maganda pa sa goodmorning ang narinig mo sa akin nuh !!
"" wag ka na mahiya ito naman nahalikan mo na nga ang mapula at maganda kong labi eh ...
" tse !!! bitawan mo nga ko !!!
" alam mo bang may bayad ang pag halik at pag babantay ko sayo kagabe ???
.... lumapit ito sa dalaga at nilapit ang mga mukha nito .. kinakabahan naman ang dalaga . tumakbo sa isip nya na mali ata ang pag aakala nyang mabait at gentleman ito . ang lakas ng tibok ng puso ni george habang lumalapit ang muka ni sam sa muka nyan at gumagapang sa likod nya ang mga kamay nito .. maluluha na naman sana sya ng biglang ...
" pag luto mo ko ng breakfast :)
... ngiting ngiting sabe nito sa dalaga . napahinga naman ng malalim si george at binatukan nito si sam ..
" ikaw lalaki ka !!! lage mo nalang ako pinapakaba ah !!! kagabe ka pa aba sumosobra ka na ata !!!
" bkit hindi mo ba nagustuhan ang matamis kong halik ha !!!!
" sinabi ko bang halikan mo ko ha !!
" at least sayo ko nabigay ang first kiss ko nuh !!! ikaw ang magluluto ng almusal ko !! at ikaw lang ang ihahatid sundo ko !!! ayaw mo nun ha ang gwapo ng driver , body guard at soon to be boyfriend mo !!!
" ay aba !!! sinabe ko bang gawin mo yon ha !!! at anung sinasabe mong soon to be boyfriend ka jan .. nasisiraan ka na ba ng bait !!!
" Oo !! nababaliw na ko !!!
" oo! baliw ka na talaga kaya kung anu anu lumalabas sa bibig mo !!
" at least ikaw lang ang kinababaliwan ko .. !!! ^_~
..... sabay kindat ng binata tinapik din nya sa balikat si george pra sabihing ipagluto na sya nito sabay silang lumabas ng pinto ..
BLAGGGG!!!
" a-ah hi bessy hi sam :'> .. babe anu ka ba bakit mo ko tinulak sa pinto nila ikaw talaga !!
" babe ikaw kaya natumba kase binuksan nila yung pinto ...
... tinaasan ng kilay ni george si april alam nila na nakikinig lamang sa kanila ang mag kasintahan . at si jake naman super slow talaga kaya lage sila nahuhuli eh ..