[50] <3

50 1 0
                                    

SAM P.O.V

"tsong hanep sa arte ah parang totoo haha ..

 

" ganyan talaga josh napagdaanan ko na yang mga arte arte na yan nuh .

 

" pero ang ganda ng kapatid mo logan ha ,

 

" gago ka steve isusumbong kita kay clyde.

" oy gago joke lang noh !! hoy sam ano hindi ka pa tapos jan ?

 

" pare mas masarap pag may kasama ka pag ginagawa yan wag ka mag sarili.

 

" oo nga pare sam daw jan si quen hahahaha!!

" gago bakit ako !!

" ikaw nakaisip eh hahaha

 

" isusumbong talaga kita kay clyde.

 

naririnig ko ang usapan nila kaya naman lumabas na ako at binatukan silang lahat.

 

" gago kayo ah pinagtitripan niyo ko !!

" haha bakit kasi ang tagal mo eh ...

 

" eh kasi quen kinakabahan ako eh ..

 

" putcha pare kinakabahan ka pa niyan akala ko ba napag daanan mo na ang mga ito ha !!

 

"pakyu ka steve syempre hindi na naman drama to eh totoo na to eh .

 

" ano magdadrama pa kayo ? tara na baka masira pa plano natin oh pinagpuyatan ko kaya to .

 

" oo lang jake kaya pala tulog na tulog ka pa . tara na baka nagsisimula na ang girl .

sa bawat gagawin namin na scene ay may camera mula pagdating namin dito hangang sa hanapin ako ni george hangang makita niya kami ni dianne hangang sa umiyak siya . nung umpisa nga gusto ko na itigil kasi nakita ko si george na umiiyak , ayaw na ayaw ko pa naman na ganun siya pero syempre pinigilan ako nila jake. nandito ako sa computer room kung saan napapanood ko ang lahat ng nangyayari . nakita kong nagsasayaw na ang mga babae at nagtatakang nakatingin si george sa kanila habang umiiyak pa din .

 

nakangiti ako habang tinitignan ang mga babae na sumayaw ng  

treasure by bruno mars. ang kulit ni april sumayaw nakanganga pa feel na feel ang pag sayaw, si george naman wala pa din idea sa nangyayari umiiyak pa din siya habang tumatawa siguro ang iniisip niya ay pinapasaya lang siya ng barkada . pagkatapos ng sayaw ay may hinila nila si george papunta sa harap ng hotel lalo siyang naluha ng madaming sumasayaw halos lahat kasi sumasayaw ng out of my league na remix.

 

tinawag na ako nila quen para mag handa na nakasuot ako ng puting Americana at sumakay sa isang magandang kalesa na napapalibutan ng ilaw at mga bulaklak . nakahanda ng lumakad ang parada ng mga tumutugtog na drum and lyre kasunod nila ang mga balerina na nagsasayaw din at sumunod sa kanila ang mga naka royal guards na costume at sumunod doon ay ang kalesang sinasakyan ko .

 

" pare malapit ka na goodluck naman sayo haha .

" wooo !!! putcha steve ayusin niyo ah ..

nothing remains forever &lt;/3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon