SAM P.O.V
" good morning Ai .. breakfast in bed ^___^
" s-sam ?
" syempre naman sino pa ba ? ikaw talaga . mag almusal ka na oh ..
" t-teka nagluto ka na naman ? ikaw talaga malamang madami na naman paso mo akin na nga ang kamay mo ..
" Ai nandito ako ..
" ahhh ... ehhh ... haha niloloko lang kita halika nga dito may paso ka ba ?
" w-wala naman si manang nagluto niyan eh baba na muna ako ha .
"s-sige ..
naglakad ako kunyare palabas ng pintuan binuksan at isinara . bakit parang hindi niya ako nakikita ano ba ang nangyayari sa kanya . tinitignan ko siya habang kinakapa ang kutsara at tinidor nilalapit niya ang mukha niya sa mga ito na parang hindi niya talaga makita . gusto ko siya tanungin kung ano ang nangyayari sa kanya ngunit walang lumalabas na salita sa aking bibig . lalabas na sana ako ng magsalita siya .
" attorney ikaw na ba yan ?
" A-Ai ??
" s-sam .. ahh hehe ... ikaw pala yan ahm pwede bang wag ko na ubusin ito busog na kasi ako eh .
" s-sige ok lang Ai ako na lang ang kakain . b-bakit mo hinahanap si attorney ?
" ah kasi sam nagpapasama ako sa kanya eh .
" saan kayo pupunta ??
" s-sa .. sa ...
" mag pupunta lang po kami sa simbahan para ipagdasal ang kanyang mga magulang .
" attorney nanjan na po pala kayo .
mag aayos lang ako para po makaalis na tayo .
" bakit siya pa ang kasama mo ? pwede naman na ako ang sumama sayo eh .
" h-hindi na sam kami na lang ni attorney sandali lang naman kami eh .
" hindi !! ako ang sasama sa iyo hintayin mo lang ako jan at mag aayos lang ako .
lumabas ako ng kwarto ni george naiinis , nagaalit at naguguluhan . pag pasok ko ng kwarto ko ay nakita ko si enrique at jake na nag uusap .
" put*ng ina !!!
" pare ano kasalan namin sayo !!
" oo nga bakit ka ba nagwawala ha !!?
" tang ina pare may mali may malaking maling nangyayari kay george !! hindi ko alam bakit hindi niya ako napansin na nakatayo lang sa gilid niya at bakit hindi niya makita ang kutsara at tinidor at bakit hindi niya sinasabi sa akin !! aaaarrggghhhh!!!
" pare ano bang sinasabi mo !?? bakit hindi mo siya kausapin kesa nagwawala ka jan !!
" tama si enrique para kausapin mo muna siya baka nagkakamali ka lang .
" kitang kita ko siya jake nakikita ko paano siya habang kinakapa ang mga bagay sa paligid niya .
" anong ibig mong sabihin sam ?
" nabubulag si george enrique !! hindi ko alam kung paano pero ayon ang nararamdaman ako .
" gago ka ba sam ?! kagabi lang nakakakita siya tapos ngayon hindi na ?!!
" oo nga pare ano ka ba naman !!! gutom ka ata eh bakit naman mabubulag si george ha !?
" hindi ko alam ... pero aalamin ko kung bakit hindi siya makakita at aalamin ko din kung bakit niya itinatago sa akin ito . isa lang ang hiling ko sa inyo wag niyo na muna ito sasabihin sa iba .