GEORGE P.O.V
ilang araw pa lang kaming magkakasama ganito na ang nangyayari . gusto kongsabihin na " oo sam gusto kita makasama habang buhay" pero paano magiging pabigat lang ako sa kanya . paano ko siya ipag hahanda ng pagkain , paano ko siya ipaghahanda ng damit na susuotin niya , paano ako magiging mabuting asawa kung bulag ako magiging pabigat lang ko sa kanya ..
" maam george ok lang po ba kayo ?
"manang kayo po pala , opo ok lang po ako.
"maam george hindi naman po sa nakikialam ako pero kasi po yung sa nangyari po kay sir sam
" manang ayoko lang po na maging pabigat kay sam kas---
" pwede ba kitang tawagin na george kahit ngayon lang ?
" o-opo manang .
" alam mo ba my kaibigan ako dati na nabulag din ?
" p-po?
" noong bata pa kami, palagi kami magkasama bestfriends kami eh . siya ang lagi kong kakampi kasi ako palagi ang inaasar ng mga kaklase namin. nkakatawa nga eh kung sino pa ang may kapansanan siya pa ang nagliligtas sa akin , bulag siya george pero hindi niya ginawang dahilan iyon para itigil ang buhay niya kahit na hindi siya makapag aral ng maayos .
" nasaan na po siya ngayon manang ?
" may dumating na isang lalaki sa buhay niya nabangga niya noong hinahanap niya ako bumili kasi ako ng makakain namin . greg ng pangalan niya noong una todo sa pag iwas si alice dahil ayaw niyang makaabala kay greg ngunit ang lalaki mismo ang lumalapit minsan nga siya ang gumagalaw ngunit ako ng nagsasalita . nakakatuwang isipin ang mga araw na iyon haha..
" manang ano na po nangyari sa kanila ?
" nagkatuluyan sila iha ilang taon din silang nagkahiwalay dahil sa pag layo ni alice ngunit sinundan pa din siya ni greg hangang sa malaman nila na buntis si alice doon napag desisyunan ni alice na pumayag mag pa-opera ng mata . kaya hangang ngayon ay masya sila naging dalawa pa nga ang anak nila . kaya kung ako sa iyo george wag mo hayaan na mawala ang mga taong nagmamahal sa iyo wag mo ako gayahin hinayaan kong mawala ang lahat sa akin . sige na iha matulog ka na gabi na masyado ha goodnight george .
" manang sandali lang po ...
" bakit iha ?
" nasaan na po sila ?
" nasa america si alice at si greg iha at ako ang nagbabantay ng bahay na ito para sa kanila . :)
bahay nila ? ito ? eh diba kila sam ito ? ibig sabihin parents ni sam yung kinukwento ni manang . tama si manang hindi ko dapat hayaan ang mga taong mahalaga sa akin na mawala ng dahilan lang sa kapansanan na ito .
------------
" bessy gising na !!!! ayan naman pala gising ka na eh ...
" t-teka ...
" oh bakit ?! oo bumalik kaming lahat para alagaan ka kaya wag kang epal ha . kailangan mo ng kasama at kami ang karapatdapat na maging kasama mo .
" a-april ..
" bakit ba .. kumaen ka nga jan ..
" april w-wala ako makita .
" george gago ka wag ka magbibiro ng ganyan ah ...
" s-seryoso ako april kanina ko pa hinihintay na lumiwanag ang paningin ko pero hangang ngayon madilim pa din .
" what !! wait ano gagawin ko , teka may gamot ka ba or anything ano bayan !! ano gagawin ko george sabihin mo nga !! bakit ang bilis kahapon lang tapos ngayon ..