ang daming twist ng story ha . ^_^
unti unti ng lumalabas ang mga tunay na pagkatao ni george .
wala na ba talagang pakialam si sam kahit na nakita niyang nasasaktan si george ?
mahal na ba ni enrique si george ?
ano naman ang magiging papel ni jam sa barkada ?
abangan ^_^ ..
vote ang comment tayo jan :)
---------
SAM P.O.V
bakit ba nasabi ko yun ? iba ang naiisip ko na sabihin sa kanya pero iba ang lumabas sa bibig ko . nakatingin si jam sa akin alam niya na mahal na mahal ko si george kaya naman ang sabi niya tutulungan niya ako na maayos ang lahat habang tutulungan ko siya na mahanap yung kababata niyang si enrique . nakakainis nga eh kaparehas pa ng pangalan ng kaaway ko .
" yaya nasaan na po si george ?
" april iha , umalis na ata siya hindi ko na siya nakita sa loob eh . ang lalim nga ng sugat niya eh ayaw naman niya na magpatulong kaya naman iniwanan ko na siya . ano ba ang nangyari april ? habang nililinis niya kasi yung sugat niya eh iyak siya ng iyak alam ko masakit ang sugat pero sa itsura niya hindi lang yoon ang iniinda niyang sakit .
" wala po yun yaya siguro nga po umuwi na siya . tatawagan ko na lang po ngayon .
" abay mabuti pa nga , nag aalala ako sa batang iyon putlang putla siya ng makita ko kanina akala ko nga may sakit siya eh namayat din kasi siya at nanhihina .abay makapasok na nga muna at baka masunog ang pinapaluto niyo .
nagsisi ako sa nagawa ko at nag alala ako kay george . tinawagan naman ni april si george pero di siya sumasagot . tumayo naman si enrique para kunin din ang gamit niya malapit sa pool .
" april nandito ang gamit ni george .
" totoo enrique ?
" oo eto oh .
binuksan ni april yung bag ni george nandoon nga ang phone niya pati wallet niya so wala siyang pera pauwi ? lalo ako nag alala baka kasi naglakad siya may sugat pa namanang paa niya . tumayo ako at naglakad paalis .
" san mo naman balak pumunta ha ?!
" ano namn ang pakialam mo enrique ?!
" kapag may nangyaring masama kay george lagot ka sa akin !
" eh gago ka pala eh !!!
nag away kami ni enrique , nag suntukan , nagsipaan agad naman na pumagitna si steve at jake para awatin kami .
" ano ba kayo !! mas uunahin niyo pa ang pag aaway niyo kesa hanapin si bessy ?!
" uo nga naman kahit may mga maling desisyon sya na nagawa kaibigan pa din natin siya at sam alam ko mahal mo siya pero bakit mo sinabi sa kanya yun parang sinabi mo na din kasi sa kanya na mamatay na siya . kahit ako na pinsan mo ay masasaktan pag narinig ko yun.
" clyde , my labs tama na hanapin na lang natin siya , zin tama na ok ? tama na .
kumalma kaming lahat at nagsimula ng lumabas dala ang aming sasakyan . nag hiwahiwalay kami para mabilis namin na makita si george , sigurado naman na hindi pa yun nakakalayo kasi masakit ang paa niya . halos lahat ng kanto ay naikutan ko na pero wala pa din akong nakikiyang george . bigla ko naman naisip na puntahan siya sa bahay nila baka kasi nandoon na siya . nagdrive ako ng mabilis ng biglang may kotse na humaharurot kay bigla akong tumigil , hindi naman tumigil ang sasakyan hindi ko din nakita yung driver kasi madilim ang salamin basta natatandaan ko lang ay pang racing ang sasakyan na yun . habang nag ddrive ako nakita kong nakapark ang sasakyan ni steve at enrique . bumaba ako at si jam para itanong kung nakita na nila si george .