34

37 1 0
                                    

IANNE P.O.V

hindi ko naman hilig maawa sa mga tao eh pero bakit kaya naaawa ako sa kanya ? siguro kasi dahil kasalanan ko kung bakit nadugo ang sugat niya kaya ganun .

" eto bahay mo ?

" hindi sa kapitbahay namin to kaya dito tayo pumasok .

" pilosopo .

" ayusin mo kasi tanong mo .

" tss ... ikaw lang mag isa nakatira dito ?

" paulit ulit ? ako nga lang .. tara na ayusin na natin yang sugat mo .

hindi ko alam bakit ng kulit ko sa kanya ibang iba nung nakita ko si sam . tinignan ko siya namumutla siya at hawak ang sugat niya inalalayan ko siya ng muntik na siyang matumba .

" uy .. dahan dahan lang wala naman humahabol eh .

" m-meron diba ?

" teka ang init mo ah .. halika nga dito .

" o-ok lang ako wag mo na ako kapitan .

" muka mo dali na sa kwarto na kita mun matulog dito na lang ako sa sala para mas makapagpahinga ka maigi .

" w-wag na .

" aakyat ka ba o isasalaksak ko tong mga gamot sa bunganga mo para matigil na yang pag tangi mo .

" ang tapang mo naman , sige na aakyat na .

" humiga ka na jan hintyin mo ako at kukuha lang ako ng tubig at bimpo .

" s-salamat .

bumaba ako para kumuha ng bimpo at tubig nag aalala talaga ako sa knya kasi hindi ko pa siya kilala at siya ang unang bisita ko dito bukod kay ate at iannie . kumuha ako ng cup noodles at nag init ng tubig .

" ouch ! shit napaso pa hay ... iaakyat ko na nga muna to ..

pag akyat ko ay nakatangal ang polo shirt na suot niya at nakita ko ng ganda ng katawan niya .

" oh bakit ka nakatulala jan .

" b-bakit ka nakahubad ?!

" magagamot mo ba ang sugat ko ng nakadamit ako ?

" pwede , henyo ako eh .. sige na aayusin ko na yan ..

" dahan dahanin mo ah .

" pwede mag tanong ?

" nagtatanong ka na..

" tsss ... bakit may sugat ka at ang dami mong pasa ?

" bakit mo tinatanong ?

" hello ... hindi kita kilala at pinapasok kita sa bahay ko malay ko ba kung kriminal ka noh .

" hindi ako kriminal naaksidente kasi kmi kaya madami akong sugat .

" kayo ?

" ah oo kasama ko yung gir-- kaibigan ko ...

" ah ok ... ayan ok na ... kumaen ka na para makainom ka na ng gamot .

" bakit ang bait mo ?

" akala mo lang .. hmm akin na lang yung isang unan ha . dalawa lang kasi unan dito eh. sa baba na lang ako matutulog .

" ah hindi na ako na lang doon .

" yan ka na naman eh .. pwede ? wag ka makulit ?

kumuha ko ng comforter sa cabinet at saka bumaba inaantok na din kasi ako eh .. naisip ko lang bakit nga ba ng bait ko sa kanya ? hmmm ... ewan ko ba makatulog na nga lng ...

nothing remains forever </3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon