33

37 1 0
                                    

SAM P.O.V

isang lingo na ang nakalipas ipapa cremate na ang labi ni george . lahat ng tao dito ay umiiyak , nakatayo lang ako sa sulok at hindi umiimik . magulo ang buhok at talagang pumayat , naka shades din ako baka ayokong makita nila ang namamaga kong mata .

" sam ok ka lang ?

" hindi ianne iwan mo na ko .

" dito lang ako . kailangan mo ng kaibigan ngayon .

" umalis ka na pwede !!

" ayoko nga eh !!!

" psst wag kayo mag sigawan ianne nakakahiya sa mga tao igalang natin si george .

" kasi eto ate rhen eh mukha na nga siyang tanga ayaw pa ng karamay .

" kung ayaw mo umalis ako ang aalis .

" huy sama ko !! inom tayo !! kulang lang sa alak yan !!

" bahala ka sa buhay mo.

lumabas ako at agad na sumakay sa kotse pati si ianne ay sumakay din .

" tara sa bar ..

" ayoko madaming tao .

" edi isara publema ba yun .

"sge .

pag dating sa bar ay agad na sinabi ni ianne sa mga crew na sarado ang bar ngayong gabi . tinitignan ko siya parang ang saya saya niya , naiinis ako na isipin na masaya siya dahil wala na si george .

" aalis na ako .

" hoy emo freak kung akala mo na masaya ako na wala na si george nagkakamali ka . sabihin na natin na baliktad akong tao kapag masaya mukha akong malungkot pag malungkot naman ay mukha akong masaya . ayoko nakakakita ng malungkot kaya gusto ko sila pasayahin . katulad mo nawalan na din ako ng minamahal masakit masyado ang maiwanan kaya kung akala mo na ikaw lang ang nasasaktan at nahihirapan wag mong itago nilalabas yan may mga kaibigan ka na handa makinig sayo .

umupo ako at kumuha ng beer na nasa lamesa . nakatingin lang si ianne sa akin . tumunog ang cellphone niya ,kausap niya si rhen malamang ay hinahanap kami nun kaya naman pumayag ako na papuntahin sila dito .

" hoy emo freak , alam mo ba ang hindi pagsasalita ay nakakapanis ng laway ? ang daming tao jan na hindi makapagsalita tapos ikaw na pwede magsalita ayaw mo ? aba ibigay mo na lang sa kanila yang boses mo nakatulong ka pa .

" ang daldal mo :)

" teka lasing na ba ako ? totoo ba yun ?

lumapit siya sa akin na parang bata at itinuro ang labi ko .

" ano ginagawa mo ?

" totoo ba na ngumiti ka ?!

" hindi lasing ka lang .

" ngumiti ka ulit dali na dali na !!

" ayoko layuan mo nga ako ..

hinawakan niya ang magkabilang dulo ng labi ko at ipinorma na nakangiti..

" nakalimutan mo na ba ngumiti ? ganto yun oh ganto ganto .

" hey new love team ?!

" pinapangiti ko kasi siya april kaso mukhang nakalimutan na niya . dali na ngiti na bilis !!!

" tumigil ka nga !!

"sam pare ngumiti ka na kasi .

" tigilan mo ako jake .

" sam hindi porket wala nna siya eh titigil na ang mundo mo . kaya konting ngiti na jan gusto mo ako mag turo sayo paano ngumiti ?

" tigilan mo ako enrique sasapakin kita .

nothing remains forever </3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon