39

35 1 0
                                    

GEORGE P.O.V

nasaan ako ...

ang sakit ng katawan ko .

b-bkit ang labo ng paningin ko .

" gising na po pala kayo ...

inaninag ko kung sino ang nag salitasa tabi ko .

" sandali lang at tatawagin ko lang si attorney .

" t-teka k-kilala kita .

" kilala ko din po kayo . kayo po ang kasintahan ni sir sam .

" i-ikaw yung care taker sa rest house ni sam diba ?

" opo maam ..

" manang pakiiwanan na po muna kami .

" i-ikaw .. ikaw yung kumuha sa akin m-may kasama kang babae na parang may sakit .

" oo ako nga maam george . binayaran ko po ang babaeng iyon para akalain ng humahabol sa inyo na ikaw iyon wala na din ho siyang pamilya at may taning na din ang buhay niya kayat pumayag siya sa gusto ko . iba din po ang litrato na ibinigay ko sa kanila kayat siguradong aakalain nilang patay ka na .

" ang sama mo !!!

" maam ginawa ko lamang ito para po sa ikabubuti mo .

ipinaliwanag sa akin ni attorney lahat lahat . hindi ko matangap nakapatid ni bum si sam akala ko nagkataon lang na magka apelyido sila kayat hindi ko pinansin .

araw araw umiiyak ako dahil sa nangyari gusto ko na sanang bumalik kila lolo ngunit naisip ko na baka hindi sila maniwala dahil ang alam nilang lahat ay patay na ako . lahat ng nangyayari sa barkada pati na sa pamilya ko ay sinasabi sa akin ni attorney siya ang naging mata ko habang malayo ako sa kanila .

" ahhh ....

" maam ano pong nagyari sa inyo .

" a-ang sakit ..

" ano pong masakit sa inyo maam .

" a-ang mata ko , nagdidilim ang paningin ko .

"tatawag po ako ng doctor . dadalhin ko na po muna kayo sa kwarto niyo ..

pag dating ng doctor ay sinabi niya sa akin na naapektuhan ng pagkakabanga ko noon ang mga mata ko at kung magpapatuloy pa ito ay maaari akong mabulag . pag alis ng doctor ay nakita kong may kausap si attorney .

" attorney sino ang kausap mo ? si sam ba ?

" opo maam . pero hindi ko po sinabi na buhay kayo.uuwi daw po kasi sila bukas ng hapon at pinapaayos niya ang bahay niya para sa salo salo .

" attorney pwede bang makita ko siya bago ako mabulag ng tuluyan ?

" m-maam ?

" oo attorney handa na akong makita silang lahat . ngunit ayokong malaman nila na mabubulag na ako .

" s-sigurado ho ba kayo ?

" oo sigurado na ako .

--------

SAM P.O.V

" anong sinasabi mo !!!!

" sir huminahon po kayo ....

lumapit ang barkada pati na rin sila lolo ng marinig nila akong sumisigaw . naluluha ang mga mata ko sa sinabi ni attorney .

" paano ko hihinahon ha !! ginagago mo ba ako attorney !!!

" dude tama na yan !!

" sam itigil mo yan . attorney anong nangyayari ..

" patawad po sa nagawa ko ngunit sinunod ko lang po ang gusto niya .

nais ko pong sabihin sa inyong lahat na..

lahat- " na ano ?!

"b-buhay po si maam george.

natigilan ang lahat sa nalaman nila , lumapit si lolo kay attorney at hinawakan ang kwelyo nito agad naman siyang inawat ni kean.

" ano ba ang sinasabi mo ha !!!

" lolo tama na po yan baka po mapano kayo .

" buhay po si george matagal ko na pong gusto sabihin sa inyo ito ngunit ayaw po ni george .

" gusto ko siya makita ngayon ...

" sir sam ang bilin niya po ay bukas siya puntahan ..

" ang gusto ko ngayon ...

" baka hindi siya magpakita sa inyo kung ganon .

bumalik ako sa upuan ko at uminom ng beer sumunod ang barkada sa akin hindi sila makapaniwala sa nangyayari .

" totoong buhay si bessy ???

" totoo nga ba ?

" oo ianne ayun ang sabi ng attorney ..

" p-pero bakit siya nagtago ng anim na buwan .

" rhen hindi din natin alam . we should ask her tomorrow , siya lang naman ang makakasagot niyan eh .

" hindi ko alam kung matutuwa ako o magagalit . all this time inaakala ko na patay na siya ay halos mamatay na din ako bakit siya ganun ...

" sam dapat mag thank you tayo dahil buhay siya at walang nangyaring masama sa kanya .

" clyde nakita mo kung anong namgyari sa akin ng mawala siya !!!

" ano gusto mo gawin ?! layuan siya ?! sam eto ang hinihiling mo ang hinihiling ng lahat tapos ngayon gusto mo siya mawala !!

" hindi ko siya gusto mawala !! pero clyde pano ako !!! paano ako haharap sa kanya !! ako ang dahilan kung bakit nangyari lahat to ....

tumakbo si kean palapit sa akin at niyakap ako ..

"kuya sam wala ka naman kasalanan diba po ?

"k-kean ...

"kuya sam eto na yun , yung lagi mong kinukwento sa akin na pag nakita mo ulit si ate george hinding hindi mo na siya papakawalan na hinding hindi na siya masasaktan at mag sasama na kayo habang buhay . diba po sabi mo sa akin kayo ang magpapatunay na may forever ... T_T

" kean apo .. hayaan na muna natin si sam malamang ay kailangan niya mag isip . sam iho alam ko natatakot ka dahil sa nagawa mo ngunit kailangan mo pa din iyon panindigan ..

"l-lolo ...

" wag ka duwag iho ikaw talagang bata ka basta kay george tiklop ka sige na at mauuna na kami maaga pa tayo aalis . bilisan mo mag isip ha bahala ka mamaya mawala ulit yan .

" hatid ko na kayo lolo ...

" sige jake . sam alis na kami .

tahimik lamang akong nakatayo habang tinitignan ang pag alis ng mag lolo . tama sila , tama silang lahat kailangan ko siya harapin mahal ko siya at lahat gagawin ko para mapatawad niya ako .

nothing remains forever </3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon