Chapter 2: Road Trip

39 3 0
                                    

Chapter two.

The Killer POV

Ngayon ang araw ng pagpunta namin sa Lumang rest house nila Rochie. Matagal ko ng planong gawin ito, matagal nakong nagtitimpi sa kanila. Ang malagim kong balak ay malapit ng mangyari? Sino ako? Wala ka na dun. Ang kaibigan ay para lang sa mahihinang tao. Sa mundong ito ang tanging tunay na kaibigan mo lang ay ang sarili mo.

Mary Anne Flores POV

Yes! Ngayon ang araw na pinaka-hihintay namin. Ang araw ng bakasyon. Ang bilis ng araw, tatlong linggo na ang nakakalipas. Yung awayan nila Erwin at Piolo, nawakasan na yun at nagkabati na sila. Mabuti na yung ayos kaming lahat, bago pumunta sa Rest House nila Rochie. Haunted house daw yun? Thats exciting, ano kaya kung mag-ghost hunting kami. Nice idea hah, i-suggest ko yun sa kanila. Hihihi

"Princess bilisan mo naman mag-ayos diyan, male-late na tayo oh." Sabi ko sakanya. Ano kayang naisip ng babaeng ito -at ngayon niya lang naisipang mag-ayos ng gamit. 6:40 A.M na oh, ang usapan namin 7:00 nakila Erwin na kami.

"Wait lang, excited ka naman masyado." Sabi niya pa. Oo excited ako, pero ang pinaglalaban ko dito ay male-late na kami. Ito talagang babaeng ito, buti nga pinayagan siya ni titang sumama.

Ang galing ko kasi gumawa ng kwento eh, ang sabi ko kasi kay Tita ay isang araw lang kami dun, pero ang totoo niyan aabutin siguro kami ng isang linggo dun. Siyempre nandun na kami, sasayangin pa ba namin ang pagkakataon?

"Halika na nga, ang bagal mo naman eh, male-late na tayo." Sabi ni Princess. Aba at ako pa ang mabagal hah? Sino ba ang ngayon palang nag-aayos ng mga gamit niya. Buti naman at natapos pa siya, 6:53 A.M na.

"Ang kapal naman nito." Ang nasabi ko nalang. Dali dali kaming nagpahatid sa driver nila, ang gagamitin daw kasi namin papunta dun ay yung van nalang ni Erwin, kasi malaki yun at kasya kami dun.

"Kuya pakibilis naman po ang pagdra-drive, male-late na kami oh." Utos ko sa driver nila.

"Ma'am halos lumilipad na nga po tayo oh dahil sa sobrang bilis ng takbo." Sabi ng driver niya. Hayys, male-late na kasi talaga kami eh, si Princess kasi eh.

Sa wakas at nakarating na kami, nandito na nga sila lahat maliban saamin nila Princess.

"Ang aga niyo ah? Hindi rin kayo excitied no?" Pamimilosopo ni Alyssa.

"Manahimik ka diyan Alyssa. Ito kasing si Princess, ngayon lang naisipang mag-ayos ng gamit. Kaya nalate kami." Paninisi ko kay Princess.

"Tse! Manahimik ka nga diyan Mary Anne, ako pa talagang sinisi mo ah." Sabi pa ni Princess. Aba't sino ba ang gusto niyang sisihin? Ako?

"May balak pa ba kayong umalis? O magsisihin nalang kayo dito?" Inip na tanong ni Erwin.

"Tara na nga." Ang sabi naman ni Alyssa.

Sumakay na kami sa Van ni Erwin. Nasa harap si Chassel. Habang si Rochie at Alyssa, ang nasa unang upuan sa likod, at kami naman ni Princess ang nasa dulo.

"Lakasan mo nga yung aircon Erwin." Utos ko kay Erwin. Ang init kasi dito -ang hina kasi ng aircon.

"Hindi mo ba nakikitang nag-dradrive ako hah taba." Ang sabi niya. Kailangan talaga laitin niya ako? Kung ayaw niya edi sana sinabi niya nalang, hindi yung kailangan niya pang laitin ako. *sob* naiyak ako dahil sa sinabi niya, sensitive akong tao kaya madali akong umiyak.

"Ayan na Erwin, pina-iyak mo si Mary Anne, yan talagang bunga-nga mo!" Pagtatanggol ni Princess saakin. Ganyan talaga si Princess, pinag-tatanggol niya ako sa mga nagpapaiyak saakin, kaya naman mahal na mahal ko yan.

If I KillTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon