Chapter five.
The Killer Point of View
Sa wakas at nandito na kami sa bahay -sa bahay kung saan lahat sila ay mamatay. Sa bahay kung saan kakalat ang maraming dugo. Malapit na.. Sino kayang uunahin ko? Alam ko na.. Kung sino ang may malaking atraso saakin! *evil laugh*
Rochie Fernandez Point of view
"Manahimik ka nalang." Nakangising sabi ko kay Alyssa. Wala na, sira na lahat ang plano ko dahil sakanya.
Pinaandar ko na ang chainsaw. Para...
.
.
.
.
.
Para tapusin na ang ginagawa 'ko. Gumagawa kasi ako ng tent dito, kasi balak ko sanang i-surprise sila at para i-welcome narin sa pagdating nila sa bahay ko.
"Para san to?" Nagtatakang tanong ni Alyssa. Sinimulan ko ng putulin ang mga kahoy na gagamitin ko sa pag-gawa ng tent.
"Balak ko sanang gumawa ng tent, para isurprise kayo. Ang kaso nakita mo na." Nanghihinayang kong sabi sakanya.
"Nag-abala ka pa. Sige take two nalang, kunwari wala akong nakita. Hindi pa naman nila alam eh, tyaka wala naman akong balak sabihin sa kanila." Ang sabi niya. Sige na nga, wala na rin naman akong magagawa eh.
"Sge. Pwede bang tulungan mo nalang ako? Mag-gagabi na kasi at hindi pa ako natatapos dito." Paghingi ng tulong ko sakanya. Ang kakainin namin ay naka-ayos na. Nagising kasi ako ng maaga kanina, at nagluto na ako ng mga pagkain. Tinago ko muna ito, para hindi nila makita.
"Sige." sagot ni Alyssa. Tinulungan niya na ako sa pag-gawa ng tent at pag-aayos ng mga pagkain. Nang matapos ito ay..
Umalis muna si Alyssa, para tawagin ang iba pa naming kasama. Nababalot na ng dilim ang buong pakigid. Pinatay ko muna ang ilaw para ma-suprise sila.
Ilang minuto pa, at narinig ko na ang mga boses nila.
"Ano bang gagawin natin dito? At nasan naba si Rochie?" Tanong ni Erwin.
"Oo nga, bakit nasa likod tayo ng bahay? Ang dilim-dilim naman dito." Dagdag pa ni Princess.
"Ano bang trip mo Alyssa, at dinala mo kami dito." Tanong naman ni Chassel.
"Basta." Ang tanging nasagot ni Alyssa sa mga tanong nila.
Nasa lugar na sila kung saan ko itinayo ang mini tent. Hindi nila ito makita kasi nababalot ng dilim ang paligid, at wala silang dalang kahit ano mang ilaw.
"Alyssa, ano ba kasing gagawin natin dito?" Hindi na rin maiwasan ni Piolo magtanong.
Binuksan ko na ang ilaw.
"Suprise!" Maligayang bati ko sa kanila. Tiningnan ko ang reaksiyon nila, lahat sila ay mukhang na-surprice talaga. Maliban nalang kay Alyssa, na nakangiti dahil alam na niya ang lahat.
"Ano 'to?" Tanong ni Mary Anne. Bakas parin ang pagkabigla sakanya.
"Welcome Party ko sainyo! Halika na at kumain na tayo." Yaya ko sa kanila. Bigla namang similay ang ngiti ni Chassel at Mary Anne.
"Wow. Nag-abala ka pa. Tara kain na tayo, nagutom ako sa kakalangoy eh." Sabi ni Chassel.
Kumain na nga kami. Naghanda ako ng Pancit, Fried Chicken, Lumpia, Adobo at marami pang iba. Pinaghandaan ko talaga ito, ang totoo niyan hindi pa kami nakakarating dito ay nakaplano na ito. Oo ito ang plano na sinasabi ko sainyo..
BINABASA MO ANG
If I Kill
HorreurPitong magbabarkada, isa ang killer? Sino ito? Mahuhulaan mo ba ? Ang dahilan niya.. Malalaman mo na.. "Tama na !" -Erwin "Hindi ko na kaya!" -Alyssa "Itigil mo na!" -Mary Anne "Masaya kana ba?" -Piolo "Bakit mo ginagawa ito?" -Princess "May proble...