Chapter Four: Killer?

32 4 0
                                    

Mary Anne Flores Point of view

"Tulong! Tulungan niyo 'ko!" Sigaw ko habang tumatakbo. Nakita ko.. Kutsilyo! May hawak siyang kutsilyo at hinahabol ako..

Bakit niya ito ginagawa? Ano bang nagawa ko..

"Aray!" Sigaw ko, nadapa ako ng madulas ako sa may pinto. Balak ko nang lumabas sa impyernong bahay na ito.. Pagkatingin ko sa likod ko ay.. Nasa likod ko na siya! Sinubukan ko ulit sumigaw para humingi ng tulong "Tulong! Tulungan niyo ako." Pero ni isa sa kanila walang lumabas, anong klase silang kaibigan? At siya.. Bakit niya ginagawa ito? Ano ang dahilan niya.

Tatayo pa sana ako ng kutsilyuhin niya ang mukha ko. Hinawakan ko ito.. Dugo.. May dugong lumalabas sa mukha ko..

"Itigil mo na please!" Umiiyak na pag-mamakaawa ko.

Itinutok niyang muli ang kutsilyo sa may kamay ko, hiniwa niya ito na parang naghihiwa lang ng karne!

"Ahhh!!" Napasigaw ako sa sobrang sakit. Nakita ko siya, na hawak na ang parte ng laman ko.

Kung balak niyang patayin ako bakit 'di niya nalang ako diretsuhin hindi yung pinapahirapan niya pa ako.. Sasaksakin niya na sana ako ng kutsilyo ng biglang...

.

.

.

.

.

.

.

.

"Ahhh!!" Napasigaw ako.

"Mary Anne! Anong nangyari?" May pag-aalala sa boses ni Princess.

Panaginip lang pala lahat, hindi isang bangungot. Akala ko.. Akala ko mamamatay na ako. Hindi ko maiwasang umiyak, akala ko talaga mawawala na ako.. Ayoko na, gusto ko ng umuwi.. Natatakot na ako..

"Ayos ka lang ba?" Tanong ulit ni Princess, at niyakap ako.

"Pa-patayin niya ako.." Nauutal kong sabi habang umiiyak.

Biglang nagbago ang ekspresiyon ng mukha nila, napalitan ito ng pagtataka.

"Walang papatay sayo, panaginip lang yun." Pagtatahan saakin ni Princess.

"Pe-ro.." Pinutol ni Alyssa ang sasabihin..

"Shhh.. Tahan na. Walang mangyayari sayong masama, nandito na kami." Pagcocomfort niya saakin. Niyakap niya na rin ako.

Ilang minuto rin at tumigil na ako sa pag-iyak.. Nakaka-recover na rin ako.. Pero hindi parin maalis sa akin ang kaba at takot.. Naisip kong..

"Umuwi na tayo.." Bigla kong nasabi, ayoko na dito. Feeling ko may hindi magandang mangyayari.

"Ano?! Kakarating pa lang natin uuwi na kaagad tayo?!" Kontra ni Rochie. Bakit ganun ang reaksyon niya? Bakit para siyang galit ?

"Bakit ? May problema ba? Bakit gusto mo ng umuwi?" Tanong ni Erwin..

"Feeling ko.." Hindi ko masabi ng diretso.

"Feeling mo ano?" Tanong ni Chassel.

"Feeling ko, may mangyayaring hindi maganda dito." Sa wakas ar nasabi ko na rin.

Biglang humagalpak ng tawa si Erwin. Ano bang nakakatawa sa sinabi ko?

If I KillTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon