Chapter seven.
The Killer Point of view
Naantala ang plano ko dahil sa isang yun. Humanda talaga siya, dahil siya na ang uunahin ko!
Princess Sanchez Point of view
"Makakaalis pa ba tayo sa lugar na ito?" Bulalas ko. Nandito na kami ngayon sa loob ng bahay nila Rochie. Narealise ko na mukhang wala na talaga kaming pag-asang makaalis dito, dahil sobra na nitong layo sa bayan.
"Oo naman. Makakaalis rin tayo dito, wala naman tayo sa outer space eh." Pabiro pang sabi ni Rochie. Ang tanong paano?
"Paano? Eh sobrang layo na nito sa bayan." Tanong rin ni Mary Anne. Mas lalo akong kinakabahan sa katotohanang may ibang kinikilos si Alyssa, at kaming dalawa lang ni Mary Anne ang nakakaalam dun.
"Si Tatay Domeng, kapag pumupunta siya dito ay nakamotor siya. At maari tayong makapag-pabili sakanya ng bagong gulong o 'di kaya naman ay utusan natin siyang humingi ng tulong." Paliwanag ni Rochie. Sa wakas, akala ko talaga wala na kaming pag-asa na makaalis dito.
"Kailan ba siya muling babalik dito?" Singit ni Piolo.
"'Yan ang 'diko alam. Hindi naman kasi siya nagsasabi kung kailan siya babalik dito." Sagot naman ni Rochie. Bigla akong nalungkot ng marinig ko yun, siya na nga lang itong pag-asa namin para makaalis dito.
"Bakit ba excited na kayong umuwi? Mag-enjoy muna tayo dito." Pagbabawi ni Alyssa, ng katahimikan. Tiningnan ko siya, at bigla rin siya napadako saakin. Nang magdako ang mata namin, ay pinanlakihan niya ako ng mata. Bigla akong nakaramdam ng kaba.
"Pero feeling ko may hindi talaga magandang mangyayari sa bahay na ito." Kontra ni Mary Anne, tumango naman ako.
"Pero feeling ko rin may magandang mangyayari sa bahay na ito." Nakangiti pang sabi ni Alyssa. Ano yun? Bakit ba gustong-gusto niyang mag-stay sa bahay na ito.
"Pero..." Kokontra pa sana ako nang putulin ni Chassel ang sinasabi ko.
"Tama si Alyssa, mag-enjoy muna tayo dito, tutal yun naman talaga ang pinunta natin dito." Saad naman ni Piolo.
"May iba rin akong pinunta dito." Seryosong sabi ni Rochie.
"Ano yun?" Sabay naming tanong sakanya. Biglang nabigla ang mukha niya, tila ba hindi niya inakala na nasabi niya iyon.
"Ahh.. Wala-Wala lang 'yon." Depensa niya. Ngunit kinulit parin siya ni Chassel.
"Ano nga yun Chie?" Ulit na tanong ni Chassel kay Rochie.
"Wala nga. Halika na at magpahinga na tayo." Yaya niya saamin. Sumang-ayon naman kaming lahat, dahil pare-parehas kaming pagod dahil narin sa pag-swiswimming.
Nakarating na kaming lahat sa kwarto, katabi namin ngayon ni Mary Anne si Alyssa, at dahil dun hindi ako komportable. Tulog na ang lahat, pero ako ay hindi makatulog dahil nga hindi akong kumportableng katabi si Alyssa.
"May problema ka ba saakin, hah Princess?" Nagulat ako ng biglang magsalita si Alyssa. Bumilis ang kabog ng puso ko, at nanindig ang mga balahibo 'ko. Gising pa pala siya, buong akala ko nakatulog na sila lahat.
"A-hh. A-no wala." Pautal ko pang sagot sakanya, dahil narin sa takot.
"Eh bakit takot na takot ka?" Napansin niya pala.
BINABASA MO ANG
If I Kill
HorrorPitong magbabarkada, isa ang killer? Sino ito? Mahuhulaan mo ba ? Ang dahilan niya.. Malalaman mo na.. "Tama na !" -Erwin "Hindi ko na kaya!" -Alyssa "Itigil mo na!" -Mary Anne "Masaya kana ba?" -Piolo "Bakit mo ginagawa ito?" -Princess "May proble...