Chapter eight.
The Killer POV
Today is the killing day! Are you ready? HAHAHA! *Evil Laugh* If I Kill i'll be free.
Princess Sanchez Point of View
Isang linggo na ang nakakalipas, isang linggo na simula nung tumira kami sa resthouse na 'to. Sa loob ng isang linggo maraming nangyari, si Piolo ay sinurprise si Alyssa nang isa date na dahilan naman ng pagsusuntukan nila ni Erwin. Seloso kasi si Erwin kaya ganun.
Nung isang araw naman ay nadulas si Mary Anne! Malakas ang pagkabagsak niya kaya dumugo ang ulo niya. Mga dalawang araw rin siyang nawalan ng malay bago nagising. Nag-alala ako ng sobra, pero hindi namin siya madala sa hospital, dahil sira parin ang kotse ni Erwin at hindi pa bumabalik dito si Tatay Domeng.
Marami rin akong napapansing pagbabago sa kilos ni Alyssa, tuwing madaling araw nagigising ako na lagi siyang wala sa tabi ko. Sabay makakarinig ako na nagkikiskisang mga metal. 'Diko na binalak tingnan kung ano yun hinayaan ko nalang siya sa ginagawa niya, at pagbalik niya ay nagpapanggap nalang akong tulog.
"Papatay na siya!" Natatarantang sigaw ni Mary Anne. Ganyan na siya, simula nung mauntog ang ulo niya. Iba't iba ang lumalabas sa bibig niya, puro tungkol sa pagpatay, naaawa na ako sakanya pero wala akong magawa.
"Shhh. Walang papatay Anne." Pang-aalo ko sakanya.
"Hinde! May papatay! May papatay! Papatayin niya tayo!" Umiiyak niyang sabi sabay urong sa may headboard nang kama at tinakpan ang mga mata niya.
Ano naba kasing nangyayari sakanya? Sana dumating na si Tatay Domeng, para makauwi na kami dito. Siguradong nag-aalala na ang mga magulang namin, dahil ang paalam namin ay mga ilang araw lang kami dito,pero anong nangyari? Isang linggo na at hindi pa kami nakakauwe!
Nilapitan ko si Mary Anne, at niyakap siya.
"Tahan na Anne, nandito ako hindi kita iiwan. Ako ang super hero mo." Pang-aalo ko sakanya. Bigla naman siyang ngumiti at nagtatalon-talon sa kama.
"Talaga?! May super hero ako! Ang saya-saya naman!" Pumapalakpak niya pang sabi.
"Baliw..." Narinig kong bulong ni Erwin, tiningnan ko siya ng masama. Pero tama nga ang sinabi niya, parang nababaliw na si Mary Anne, siguro naapektuhan ang utak niya dahil sa pagkabagsak niya. Kailangan na talaga naming makauwi para mapatingin na siya sa doctor.
"Sinong baliw? Hindi ako baliw. Hindi diba? Hindi ako baliw." Narinig niya pala! Hindi mapakali si Mary Anne sa kinatatayuan niya at tinatakpan niya ang mga tenga niya. Ano ba? Hindi ko na siya kayang tingnan ng ganito! Sobra na'kong naawa sa kanya.
"Pwede ba Erwin kung wala kang masabing mabuti ay manahimik ka nalang! Kung hindi mo kayang manahimik mabuti pa at lumabas ka nalang!" Sigaw ko sakanya. Naiinis ako, naiinis ako sakanya alam niya na nga ang sitwasyon ni Mary Anne pinag-sasabihan niya pa nang ganun.
"Oo nga naman Erwin, 'wag ka namang magsalita ng ganun! Tingnan mo tuloy nangyari.." Ani pa ni Alyssa kay Erwin.
"Tama ang mga sinabi nila Erwin. Sa susunod 'wag kana magsabi ng mga ganung salita." Mahinahong sabi ni Chassel.
"Okay sige! Kayo nang tama, at ako na ang mali! Mag-sisi kayo sa ginawa niyo! Mga baliw!" Sigaw niya, at padabog na umalis ng kwarto. Anong tawag niya saamin baliw? Siya nga itong parang baliw eh.
"Ano ba! 'Wag kayong mag-away!" Umiiyak na ngayong sabi ni Mary Anne.
"Hindi, hindi sila nag-aaway." Si Piolo na ang sumagot. Naiiyak narin ako sa mga nangyayari ngayon.
BINABASA MO ANG
If I Kill
HorrorPitong magbabarkada, isa ang killer? Sino ito? Mahuhulaan mo ba ? Ang dahilan niya.. Malalaman mo na.. "Tama na !" -Erwin "Hindi ko na kaya!" -Alyssa "Itigil mo na!" -Mary Anne "Masaya kana ba?" -Piolo "Bakit mo ginagawa ito?" -Princess "May proble...