Chapter Six: Suspense

37 4 0
                                    

Chapter six.

The Killer Point of View

Malapit na. Humanda kana.

Erwin Arenas Point of View

Kanina pa kami nag-aalala kay Princess, kanina pa siya namamawis habang nagsasalita. Sa tingin ko binabangungot siya.

Kahit anong pilit naming gisingin siya ay ayaw niyang magising.

"Kumuha kayo ng malamig na tubig." Utos ko sa kanila. Ito nalang ang paraan para magising siya. Umalis naman kaagad si Mary Anne at kumuha ng tubig.

"Princess gumising kana." Nag-aala-lang pang-gigising ni Alyssa kay Princess.

"Ano kaya ang napapanaginipan niya? At namamawis siya." Biglang na sabi ni Piolo.

"Sa tingin ko, binabangungot siya." Sagot ko naman. Dumating narin si Mary Anne na may dala ng tubig.

Pagkarating niya ay agad kong kinuha ang tubig at binuhos kay Princess.

Biglang nagising si Princess. Parang nagulat pa siya ng makita niya kami. Biglang lumapit si Alyssa at niyakap siya, lumaki bigla ang mata ni Princess, at para bang takot na takot. Ano bang nangyayari sakanya?

"Umalis ka! Lumayo ka sakin." Pagtutulakan niya kay Alyssa. Ano ba talagang meron? Naguguluhan na ako.

"Ano? Bakit?" Tanong ni Alyssa, bakas sa mukha niya ang pagtataka sa kinikilos ni Princess.

"Papatayin niya ako! Papatayin niya tayo!" Sigaw ni Princess. Umusog siya at nakarating na siya sa may ding-ding.

"Ano bang nangyayari Princess?!" Umiiyak narin si Mary Anne. Naiyak na siguro siya dahil sa sobrang pag-aalala niya sa pinsan niya.

"Umuwi na tayo. Papatayin niya tayong lahat." Sinong papatay? Ano bang sinasabi niya?

"Panaginip lang ang lahat Princess, hindi binabangungot ka lang. Walang papatay." Biglang sabi ni Alyssa.

Nagkaroon ng katahimikan sa pagitan naming lahat. Humihinahon narin si Princess. Bigla siyang nag-salita.

"Akala ko.. akala ko totoo ang lahat. Isang bangungot lang pala." Mahinahon ng sabi ni Princess.

"Maligo kana muna, at baka magkasakit ka pa dahil basa ka." Ang sabi ni Rochie kay Princess.

Tumango nalang si Princess at tumungo na sa banyo para maligo. Habang nasa banyo si Princess ay nag-usap usap muna kami.

"Ano kaya kung umuwi nalang tayo?" Biglang na sabi ni Mary Anne.

"Bakit naman?" Biglang natanong naman ni Chassel.

"Una ako.. Ngayon si Princess. Hindi niyo ba napapansin? Isa isa na tayong nakakapanaginip ng masama. Hindi kaya sign na ito na may mangyayaring masama?" Mahinahon pero masinsinang saad ni Mary Anne. Napansin ko din yun, pero sapat naba yun na dahilan para umalis kami dito? Ikalawang araw palang namin ito dito.

"Sige kung yan ang gusto niyo. Mas mahalaga naman ang kaligtasan natin kesa sa bakasyon na ito." Ang sabi ni Rochie. Buti pumayag na si Rochie na umalis na dito, nung isang araw lang ay ayaw niya pa dahil hindi pa daw namin na-eenjoy.

"Sige. Mamayang hapon ay aalis na tayo dito. Pero sa ngayon, enjoyin muna natin ang huling araw natin dito." Sabi ko sa knila. Uma-gree naman sila saakin.

If I KillTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon