Chapter One: The Beggining

101 6 0
                                    

Chapter one.

Erwin Arenas POV

Masaya kaming nagkwekwentuhan ng mga kabarkada ko -Ako, si Piolo, Rochie, Chassel, Princess, Alyssa, at Mary-Anne. Matagal-tagal narin simula ng magsama-sama kami bilang isang barkada. Halos lahat ng sikreto namin alam na ng bawat isa. Habang nagkwekwentuhan ay biglang may naisingit si Rochie.

"Ano kaya kung pumunta tayo sa bahay ng mama ko sa bakasyon? May malapit na dagat dun at sa tingin ko mag-eenjoy tayo dun." Sabi ni Rochie. Mukhang masaya nga yun, nung nakaraang bakasyon kasi ay nagswimming lang kami sa isang resort sa kabilang bayan.

"Mukhang exciting yan ah Chie! Game ako diyan." Pagsang-ayon ni Chassel kay Rochie.

"Malayo ba yan Chie? Baka hindi ako payagan ng mga magulang ko?" Saad ni Princess. Kahit kailan talaga napaka-ano nito, kailangan ba kapag aalis laging nagpapaalam? Pwede namang tumakas kahit minsan lang.

"Che! Akong bahala sayo, ako nang magpapaalam kay Tita para sayo." Sabi ni Mary Anne, sabay kindat kay Cess. Siya nga pala si Mary Anne, pinsan siya ni Princess as in close na pinsan.

"Yun naman pala eh, so let save the date na?" Tanong ni Piolo.

"Saved the date!" Sabay sabay naming sigaw, sabay tawanan.

"Mukhang exciting talaga ang vacation natin ngayon ah!" Ani ni Alyssa. Siya nga pala si Alyssa, may gusto si Piolo sakanya, simple lang kasi siyang babae pero cool. Ang totoo niyan hinahangaan ko rin siya tulad ni Piolo.

"Exciting talaga yun! At isa pang mas exciting is Haunted house na yun! More than a decade na simula ng may tumira dun, pero lagi namang nililinis yun ng tauhan namin duon." Ani ni Rochie. So haunted house pala yun? I think that's make more exciting.

"Haunted house? Ayoko na, natatakot ako." Bakas sa mukha ni Alyssa na natatakot talaga siya.

"Huwag kang matakot Alyssa, nandito naman ako, akong bahala sayo." Sabi ko sakanya, sabay kindat.

"Pasimpleng banat din tong si Erwin eh. Hahaha" tumatawang saad ni Chassel.

"Ano daw?" Inosenteng tanong ni Alyssa, kahit kailan talaga napaka-manhid nito, hindi niya man lang malaman na may nararamdaman kami ni Piolo para sa kanya.

"Wala. Huwag mo ng pansinin yun." Dismayado kong sagot sakanya. Bigla nalang lumapit saakin si Piolo.

"Bro mag-usap tayo." Anyaya niya saakin.

"Sige alis muna kami sandali." Pumunta kami sa may labasan ng bahay namin, nasa bahay ko kasi sila ngayon.

"Pwede ba Erwin, huwag mo nang diskartehan si Alyssa." Kalmado niyang sabi pero may otoridad sa boses nito.

"Bakit kayo naba?" Nakangisi kong tanong sakanya. Anong karapatan niyang sabihan ako, hindi naman niya pagmamay-ari si Alyssa. Hindi siya nakasagot, nanatili ang katahimikan sa pagitan naming dalawa.

"Hindi diba? Kaya huwag kang umaktong boyfriend niya, dahil una pa..." Hindi ko natapos ang sinasabi ko, bigla niya kasi akong sinuntok sa may pisngi.

"Tinamaan ka ba? Nasasaktan ka kasi yun ang totoo, na hindi naman kayo." Nakangisi ko parang saad sakanya. Ang sarap niyang asarin. Natatawa na lang ako sa ekspresiyon ng mukha niya.

"Oo hindi niya ako boyfriend, pero mahal ko siya." Bigla niya nalang sabi.

"Mahal mo nga, ang tanong mahal kaba?" Hindi ko mapigilang tumawa, dahil nakakatawa talaga ang ekspresiyon ng mukha niya.

Sinuntok niya ako sa pangalawang pagkakataon pero ang malas niya dahil na salag ko ito, ako ang sumuntok sa kanya na dahilan naman ng pagkatumba niya. Ang lakas ng loob manuntok, lampa lang naman pala. Tumayo siya ulit, at nagbabalak sumugod ng biglang...

"Anong nangyayari dito! Itigil niyo yan!" Biglang dumating sila Mary Anne, at inawat kami.

"Ano ba naman kayo, magkaibigan kayo bakit kayo nag-aaway?!" Sigaw saamin ni Princess.

"Pagsabihan niyo kasi yang loverboy na yan, hindi niya kasi matanggap na..." Naputol ko ang sasabihin ko ng biglang sumigaw si Alyssa.

"Tumigil kana Erwin!" Sigaw saakin ni Alyssa. Yun ang unang pagkakataon na sinigawan niya ako. Masakit sobrang sakit.

"So kinakampihan mo siya?" Batid sa boses ko ang sakit.

"Wala akong kinakampihan dito. Gusto ko lang tumigil kana, at nang magkaayos na kayo." So ako pa talaga ang dapat na tumigil? Ako na naman ang may kasalanan, lagi nalang ako.

"Erwin halika na, pumasok ka muna sa loob, magpalamig muna kayo ng ulo, atsaka nalang kayo mag-usap." Saad ni Chassel, at hinila na ako papasok ng bahay namin. Pasalamat talaga siya at dumating sila Alyssaz kung hindi lalampasuhin ko siya hanggang sa mamatay siya.

Alyssa Tungol POV

Nandito parin kami sa labas ng bahay nila Erwin. Hindi ko alam kung ano ba ang naging ugat ng pag-aaway nila.

"Bakit ba kasi kayo nag-away hah Piolo?" Tanong ni Princess.

"Wala." Walang gana niyang sagot. Lumapit ako sakanya, at hinawakan ang mukha niya. May sugat ang gilid ng labi niya.

"Masakit ba?" Nag-aalala kong tanong sakanya.

"Hindi wala ito, kumpara sa sakit na nararamdaman ko dahil sayo." Hindi ko narinig ang sunod na sinabi niya, dahil pabulong niya itong sinabi.

"Sige ihahatid ko muna si Piolo sa bahay nila, at tyaka didiretso narin ako paguwi pagkatapos ko siyang ihatid." Paalam ni Rochie.

"Sige. Uuwi narin kami." Paalam ko rin. Inaya ko na sila Princess at Mary Anne na umuwi, nasa iisang subdivision lang naman kami, ngunit malayo ang pagitan ng bahay ko sa bahay nila.

Habang nasa kotse kami ay bigla nalang may naisingit na usapan si Mary Anne.

"Ikaw talaga Alyssa, napakamanhid mo talaga." Sermon niya saakin. Ano ba ang sinasabi niya, hindi ko maintindihan.

"Hah, bakit naman?" Inosenteng tanong ko sakanya.

"Hindi mo ba nahahalata?" Tanong naman ni Princess.

"Nahahalata na ano?" Hindi ko talaga maintindihan ang pinagsasabi nila.

"Wala! Manhid ka nga talaga!" Sigaw ni Mary Anne. Hayy. Bahala na nga sila sa buhay nila. Kotse nga pala ni Princess ang gamit namin ngayon, at binaba na nila ako sa bahay ko. Nagpaalam na ako sa kanila at pumasok na sa loob ng bahay.

Piolo Miranda POV

Nakarating na kami sa bahay, hinatid ako ni Rochie.

"Ano dahil na naman ba kay Alyssa?" Biglang natanong ni Chie.

"Bakit kasi ganun Chie? Alam niya namang may pagtingin ako kay Alyssa pero anong ginagawa niya?" Paglalabas ko nh sama ng loob kay Rochie.

"Ganun talaga bro, tinamaan rin eh." Pagdadahilan niya naman.

"Ang dami diyan bakit si Alyssa pa?" Tanong ko.

"Kapag ang puso tinamaan ng pag-ibig na yan, kahit sino walang sinasanto yan, lahat babanggain, lahat titibagin." Sagot niya. Insome point tama siya, pero kaibigan niya ako dapat inisip niya kung anong mararamdaman ko.

"Sige mauna na ako, huwag mong kalimutang gamutin yang mukha mo, nagkapasa tuloy." Paalala niya. Bwisit nagkapasa pala. Pinapangako ko, makakaganti rin ako diyan sa Erwin na yan!


Itutuloy...

If I KillTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon