Chapter three.
Erwin Arenas Point of view.
Kakarating lang namin sa nasabing resthouse nila Rochie. Medyo may kalumaan na ang bahay kung titignan ito sa labas, may dagat rin malapit sa bahay nila. Ang pinag-tataka ko kung bakit wala ni isang bahay ang nakatayo malapit sa resthouse nila. Kung ikaw ay matatakutin siguradong matatakot ka sa lugar na ito.
"Wow, parang haunted house na ito ah. Ang saya naman." Ang sabi ni Chassel. I feel him, nakakaramdam ako ng enjoyment ngayon. Teka nga may napansin ako. Si ano nawawala.. Bigla akong nataranta.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
"Nasaan si Alyssa nasaan?!" Natatarantang tanong ko sa kanila. Tiningnan ko sila isa't isa, bakas sa mukha rin nila ang pagkabigla matapos mapansin na nawawala nga si Alyssa.
"Princess, diba kasama niyo siya kanina?! Nasaan siya nagpunta?!" Natataranta na ring tanong ni Piolo. Saan na ba kasi nagpunta ang babaeng yun? Matatakutin pa naman yun. Atyaka hindi niya kabisado ang lugar na ito, baka may mangyari sakanyang masama.
"Ewan ko, kanina nasa tabi lang namin siya. Bigla nalang siyang nawala." Nag-aalang sagot ni Princess.
"Nasan na ba kasi yun nagpunta." Nag-aalala naring sabi ni Mary Anne. Lahat kami ay nag-aalala na. Mga limang minuto narin ang nakakalipas at wala pa rin siya. Napag-pasiyahan na naming hanapin siya ng biglang, may narinig kaming kaluskos malapit sa may malaking bato sa tabi ng dagat.
"Ano yun?!" Natatakot na tanong ni Princess.
"Shhh." Pagbabawal ko sa kanila. Pinakiramdaman ko ulit ang tunog mula sa may tabing dagat, ang kaso hindi ko na ulit ito narinig. Pinuntaha ko ang malaking bato kung nasan nagmula ang kaluskos na narinig namin kanina. Bigla naman silang sumunod saakin.
Sa totoo lang ay nakakaramdam narin ako ng takot ngayon, hindi ko alam kung ano ang maaring lumabas sa likod ng malaking bato na yun. Nakabuntot silang lima saakin. Nagulat kami ng biglang....
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
Nang biglang lumabas si Alyssa sa kung saan.
"Uyy?! Anong ginagawa niyo diyan?" Nagtatakang tanong niya pa. Hindi niya alam na pinag-alala niya kami ng sobra.
"Hoy! Ikaw saan ka ba nag-punta pinag-alala mo kami." Ang sabi ni Rochie.
"Ano kasi. Ahh, umihi lang ako. Naiihi na kasi ako eh, 'di ko na kayang pigilan." Ang sabi ni Alyssa. Akala ko talaga may nangyari ng masama, kung may nangyari man ay baka diko na mapatawad ang sarili ko.
"Halika na at pumasok na tayo." Ang sabi ni Rochie. Sumunod na kami sa kanya, medyo nahirapan pa siyanh buksan ang pinto gamit ang susi.
Nagulat kami ng biglang may lumabas na pusang itim, pagkabukas ni Rochie ng Pinto. Biglang napakapit saakin si Alyssa, siguro natakot siya.
"Dalawang pusang itim na ang nakikita natin, hindi kaya sign na ito na hindi na dapat tayo pumunta dito? Tulad narin ng sabi ni Alyssa kanina?" Ang nasabi ni Princess.
BINABASA MO ANG
If I Kill
HorrorPitong magbabarkada, isa ang killer? Sino ito? Mahuhulaan mo ba ? Ang dahilan niya.. Malalaman mo na.. "Tama na !" -Erwin "Hindi ko na kaya!" -Alyssa "Itigil mo na!" -Mary Anne "Masaya kana ba?" -Piolo "Bakit mo ginagawa ito?" -Princess "May proble...