"Minahal kita sa paraang alam ko, Tricia." Hindi sya makatingin sa akin. Napapikit ako ng mariin. I sighed.
Mali ba ang magmahal? Sa twing nagmamahal ako, laging may lamat, may gasgas, laging may iba. Am I bad? Bakit ba ang malas ko sa pag-ibig?
"Do you love her, Kevin?" Tahimik lang sya. Napasapo na lang ako ng noo ko. It hurts a lot. My heart breaks into a pieces. Pinong pino at purong puro ang pagkakabasag nito.Inalis ko ang pagkakayakap sa kanya at umalis sa kanyang harapan. Pumasok ako sa loob ng bahay.... ng umiiyak. I saw Ton-ton, my little brother. He's staring at me.
"Ate? Why are you crying? Pinaiyak ka ba ni Kuya Pogi?" Sabi ni Ton-ton
Lumapit ako sa kanya at lumuhod. "Ton-ton" Sabay hagulgol ko sa kanya. Niyakap ko sya ng mahigpit. Ramdam ko ang pagkainis nya. Hindi sa akin. Kundi dahil kay Kevin.
"Pag laki ko ate hinding hindi ako magpapaiyak ng babae. Promise ko yun!" He raised his right hand. I smiled a little bit. Buti pa si Ton-ton.
"Tricia hinihintay ka ni Kevin. Andun sya sa may terrace." I wiped my tears. Tinignan ko si Mama pagkatapos. What? Bakit pa sya tumuloy dito? Akala ko aalis na sya.
Nabigla ako ng tumakbo si Ton-ton. Sinundan ko sya. Nakita kong pinagsusuntok nya si Kevin.
"Alam kong maliit ako! Pero wala kang karapatan na saktan ang Ate ko! Gagoooo!" Nagulat kami ni Mama sa sinabi ni Ton-ton. Inawat ko si Ton-ton, umiiyak sya.
"Pasensya na Kevin, balik ka na lang sa susunod." Mahinahon na sabi ni Mama. Umalis na si Kevin. Ngayon naman ay hinarap nya si Ton-ton.
"Bakit mo ginawa yon?! Di mo ba alam na masama ang magmura?" Galit na sabi ni Mama. Papaluin nya na sana si Ton-ton pero pinigilan ko sya.
"Ma, wag na. I'll talk to him. Mapagsasabihan naman si Ton-ton eh." Umakyat kami ni Ton-ton sa kwarto ko. Pinaupo ko sya sa kama. Humahagulgol sya sa iyak. I tapped his head.
"Thank you Ton at pinagtanggol mo si Ate." Nakatitig lang sya sa akin habang umiiyak.
"Pero masama ang magmura. Di ba alam mo naman yun?" Tumango sya. "But you need to say sorry. Okay ba? Mali pa rin kasi ang ginawa mo kay Kuya Kevin mo." Humalukipkip sya. Mukhang nag aalab pa ang galit ng kapatid ko kay Kevin.
Tumalikod ako sa kapatid ko. At isinampal sa akin ng katotohanan na sinaktan ako ni Kevin.
Kumain kami ng tahimik nila Mama. Umilaw ang phone ko, may message. I saw his name. Kevin. I read his message.
"Okay. Tomorrow, afternoon. I want to see her." Reply ko sa kanya.
Kinabukasan, late na ako nagising. Tumingin ako sa salamin. Maga ang mata ko. Damn. I want to end this relationship with him. Gusto ko sya pero maraming humadadlang.
Buti at Monday ngayon. Wala si Ton-ton, nasa school. Baka mamaya ay suntukin nanaman nya si Kevin. Umalis na kami at sumakay sa sasakyan.
Nakita ko sya. Nakaupo sya at nagbabasa ng pocketbook. Sira talaga si Kevin, dapat pala ay di nya na ako sinundo.
"You want a talk right?" Tumingin sya sa akin. Malumanay lang ang kanyang boses.
"Casandra mahal ko si Kevin." Malalim ang kanyang pagkakatitig sa akin. Parang may ibig sabihin. "Kay--" Pinutol nya ang sasabihin ko.
"So, what do you mean?" Uminom sya ng kape sabay tingin sa akin. Lumunok ako at huminga ng malalim.
"Mahal mo ba si Kevin?" I want to cry right now. But I can't, lalo na sa harap ni Kevin at Casandra. Ayoko ng nararamdanan ko ngayon. Sobrang nasasaktan ako!
"Yes Tricia." Naninikip ang dibdib ko.... dahil sobra na akong nasasaktan.
Tumingin ako sa bracelet ko. Bigay ito ni Kevin. Sabi nya, sinisimbolo daw nito ang pagmamahal nya sa akin. But where is it? What happened of that fucking love?! Walang pasubali na tinanggal ko ang bracelet at ibinigay ko iyon.
"Here." Sabi ko. Halata sa mukha ni Kevin ang pagkagulat. "Alam mong mahal ko si Kevin, pero mas kailangan mo sya ngayon. Lalo na't magkakababy girl kayo." Masaya kong sabi sa kanya. Pero sa likod ng mga ngiti sa akin ay ang pagiyak ng aking puso. Sobra na ito! Kailangan ko ng umalis.
Tumingin ako sa wrist watch ko. "Oh. Sorry. May gagawin pa pala ako. I need to go." Agad akong tumayo at umalis sa kanilang harapan.
"Wait Tricia." Papara na ako ng taxi nang hawakan ako ni Kevin.
"What?!" Pagkaharap ko sa kanya ay bigla na lang tumulo ang aking luha. Agad nya akong niyakap. Wala na akong lakas para tanggalin pa ang mga bisig nya sa akin.
"Tricia paano tayo? Akala ko ba mahal mo ako?" Tinanggal ko ang pagyakap nya sa akin. I think this is the right time, I'm very tired of being idiot.
"Kevin mag isip ka. Kahit mangarap pa tayo na tayong dalawa na lang ulit.... may masasaktan pa din tayo." I wiped my tears. Hindi ko pa din mapigilan ang mga luha na lumalandas sa aking pisngi.
"Tricia, I'm sorry kung nasaktan kita. Kulang pa ang sorry ko sa mga kasalanan na ginawa ko. Sana may chance pa na maging tayo." Nakita kong may tumulong luha sa kanyang mata. I know, lalaki lang sya. Kaya naman nagawa nya ang bagay na iyon. At alam kong nagsisisi sya sa nagawa nya.
"Mahal ka ni Casandra. Nakikita ko iyon sa mga mata nya, the way she looks at you? At alam ko na mamahalin ka din ng magiging anak nyo." Hinigpitan nya ang hawak sa akin kamay.
"Thank you for being a boyfriend for almost 6 years." I kissed his lips. "This will be the end of our relationship, Kevin. I love you." Ngumiti ako ng pilit sa kanya. Pagkatapos kong sabihin ang mga katagang iyon at umalis na ako sa kanyang harapan.
Kung kailan nagpasabog ng katangahan, gising na gising ako. Sobrang sakit.
Umiiyak ako sa katotohanang ako na nga ang niloko at sinaktan, ako pa ang nagpalaya sa taong mahal ko. Ano ba ang dapat kong gawin? Sundin ang puso ko? No. Ayokong makasakit ng iba. Sabihin nyo ng martir ako, pero ano ba ang dapat gawin kapag ganito ang sitwasyon mo?
Minsan din ay kailangan pairalin ang utak hindi puro puso.