Chances

51 10 0
                                    

"Ano ba yung sasabihin mo, Dana?" Nakatingin lang ako sa strap ng bagpack nya sa kanyang balikat. I can't take this feeling anymore! Pero paano ko uumpisahan?

Um, Nathan kasi mahal kita?

Damn!

"Uh, ano." Pansin ko na kumunot ang noo nya. Nagtataka ang mga mata nya.

"What is it, Dana? May problema ba?" Hinawakan nya bigla ang kamay ko na syang kinagulat ng buo kong katawan.

"Ah, una na ako Nathan! See you tomorrow!" Tumakbo ako palayo sa kanya. Mabuti na lang at hindi na nya nahablot ang kamay ko.

Pero bakit parang may halong pagsisisi ang naging desisyon ko? Hay. Napakagaga mo talaga Dana!

Lumipas ang maraming araw. At maraming araw na din ang nasayang ko dahil di ko man lang masabi kay Nathan itong nararamdaman ko para sa kanya. Daming chance pero hindi ko tinanggap.

"May surprise ako sayo." Hinawakan ni Nathan ang kamay ko. Nasa school kami ngayon, practice for our graduation. I don't know why he grabs my hand.

Nagpunta kami sa building namin. Binuksan nya ang empty classroom.

What the heck? Is this real?

"Will you be my girlfriend?" Pagbasa ko sa nakalagay sa whiteboard. Halos naluha ako sa nakita ko.

"You like it? Oh god. Sana magustuhan nya din 'to."

And the last sentence hits me...

Hindi pala sa akin 'yung surprise? Hindi pala sa akin ang effort na 'to? Hindi pala nya ako mahal?

Sa sobrang pag iisip ko, hindi ko napansin na sa sobrang bigat ng nararamdaman ko, may tumulo na pa lang luha sa aking pisngi. Humikbi na din pala ako.

"What's wrong Dana? Why are you crying?" Nag aalalang lumapit si Nathan. Hinawi ko lang ang kamay nya at umalis.

Nabalitaan ko na naging girlfriend na ni Nathan yung sinurprise nya. At ako? I congratulate him. But in a cold way. Then after nun wala na. Hindi ko sya pinansin kahit nung Graduation Day namin. I don't know what's wrong with me.

"Sure ka na ba talaga anak?" I nodded to my mom. Hinila ko ang maleta ko. I will do this for myself.

"I will miss you, mom. Si dad muna bahala sakin sa US. I love you."

Wala akong communication sa kahit na sino sa Pilipinas. Kahit si Nathan. I don't use social media, ginawa kong busy ang sarili ko sa pagtatrabaho. Ayokong masayang ang opportunity na to para sa akin. And then one day, inutusan ako ni Dad na kunin ang mga letters sa mail box namin.

Nakapukaw ng pansin sa akin ang maraming sobre, nakatali ito sa violet na tali. Damn. My favorite color.

"Lagay mo na lang doon yung galing sa mail box." Iniwan ko sa may taas ng drawer yung ibang sulat. Pero kinuha ko yung mga sama samang letters na nakatali.

Mabilis akong nagpunta sa aking kwarto.

Sa lahat ng sobre may nakasulat ng "Daniza" So, para sa akin pala to.

              I don't know how will I start this letter. Sobrang ganda mo nang ayusan ka ng tita mo para sa sagala. Sa bawat hakbang mo ay syang pagpaypay ko sayo. Para hindi ka mainitan habang naglalakad sa gitna ng arko. Nasulit ng mga mata ko kung gaano ka kaganda noong araw na iyon. Matalino na, maganda pa. Lahat ng qualities ng babae na gusto ko nasayo na. Damn. Sana nasasabi ko 'to sayo.

-Nathan

Sulat kamay ni Nathan.

Yung paghikbi ko sa bawat salita na nakasulat dito, sobrang nalungkot ako lalo. Sobrang daming chances ang binigay sakin pero, sinayang ko.

All this time, akala ko ako lang ang nagmamahal. Akala ko ako lang yung may nararamdaman na ganito. Nasa tamang panahon at oras na pala kami, pero wala kaming nagawa para sabihin ang nararamdaman namin para sa isa't isa.

I will treasure his love for me.

Forever.

Walang ForeverWhere stories live. Discover now