Tula

74 5 3
                                    

Ang dating saya ay nagiging sakit. Ang mga labing nakangiti, ngayon ay nakasimangot. Mga alala na nilimot na ng pagibig. Parang may mahika ang syang bumabalot nito.

"Ginagawa mo?" Napasara ko kaagad ang notebook ko at kinunutan ko sya ng noo.

Bwiset na Arren!

"Why do you care? Mind your own business, Arren." Tinago ko na lang sa bag ko ang sinusulat kong tula.

"Sungit naman." Umupo sya sa kabilang side ng table. At kinain ang fries na binili ko.

Well, he's my bestfriend and sometimes my enemy. Malakas mang alaska 'yang si Arren kaya 'enemy' minsan. Siguro kaya kami nagclick ay dahil mahilig din ako sa music, metal nga lang ang bet nya. Like typecast, wilabaliw and other metal bands. Sumali na din kasi ako sa band noon, but di ko din natuloy-tuloy dahil sa pag aaral.

Cliché masyado kung sasabihin kong inlove ako sa kanya. And yes, totoo naman.

Why not?

Tall, dark and handsome. That's my kind of man. Goal directed at nagseseryoso sa buhay. Except the girls. Parang uhaw sa babae. You know, chickboy.

"Kilala mo ba yung babaeng varsity sa volleyball?" Tinignan ko sya at parang nagningning ng puso ang kanyang mga mata.

See?

"She's so pretty. Bagay na bagay sa kanya yung uniform nila sa volleyball." Napalip bite pa sya. Yuck!

"Pero syempre mas love naman kita, Van." Napatitig ako sa kanya. Parang huminto yung paligid at oras. Mas lalong bumilis ang pintig ng puso ko.

"JOKE." At humirit na ng tawa.

Abnormal ba sya?

Kinotongan ko na lang at tumayo na sa upuan. I checked my wrist watch. Next class ko na pala.

"Alis na ako, baka malate pa ako sa next subject ko." Nagwave naman sya ng kamay sa akin at umalis na ako ng tuluyan.

Ganyan kami noon, nagbago ang lahat ng iyon nang mabasa nya ang mga tula na gawa ko. Dapat pala hindi na lang ako nagpakamakata para lang mailabas ko ang nararamdaman ko para sa kanya. This is a wrong decision.

"M-may gusto ka sakin?" Hindi ko na napigilan ang mga luhang kanina pa gustong lumabas. Nahulog unti-unti ang mga papel sa kanyang kamay.

"Oo Arren! Gusto kita... mahal na kita." Umiwas ako ng tingin sa kanya. Halos pabulong kong sambit iyon pero alam ko na malinaw nyang narinig ang bawat salitang lumalabas sa aking bibig.

That time he has a girlfriend. Wrong timing, diba?

Mas lalong naging kumplikado ang lahat.

We didn't see each other. Natapos ang semester na ito na hindi kami nagkikibuan. Ni isang tingin nya, hindi dumapo sa akin.

Binuksan ko ang locker ko, may napansin akong isang kaprasong papel.

"#01

Ngiti ka lang. Magiging okay din ang lahat."

Tumingin ako sa paligid, wala namang tao.

Lumipas ang ilang araw, I decided to leave him a message. Para kay Arren.

"I miss you and I loved you..." clicks the send button.

Yes. Past tense.

Teka. Sure ba ako dun?

Nagpasya akong tumigil na sa pag sulat ng tula at tinuloy ang pagbabanda. This is my passion, music. Hindi siguro para sa akin ang mga malalalim na salita at gumawa ng tula na para sa kanya.

May nakita akong sticky note. Pang ilang beses ko na bang nakakatanggap ng ganito?

"#99

Kaya mo yan! Hindi ka na ba nagsusulat ng tula?"

Muli akong tumingin sa paligid. Wala nanamang tao. Bakit ba hindi ko naabutan yung taong naglalagay nito?

Tiniklop ko na lang yung papel at nilagay sa aking bulsa. Mukhang magpeperform na kami ng mga kabanda ko. Nagtono ng gitara at sinet up na yung ibang instruments.

I started to strum.

"Oo nga pala...

Hindi nga pala tayo...

Hanggang dito na lang ako...

Nangangarap na mapasayo..."

Madilim na paligid, puno ng tao ang bar na pinagkakantahan ko.

"Hindi sinasadya na hanapin pa ang lugar ko

Asan nga ba ako?

Andyan pa ba sa iyo..."

Pumikit ako. Dinadama ang bawat salita na aking kinakanta.

"Nahihilo...

Nalilito...

Asan ba 'ko sa'yo?

Aasa ba 'ko sa'yo..."

Tumingin ako sa mga tao. Halos matulak ko ang mic at hindi ko na natuloy ang mag strum sa aking gitara. Damn.

Yung singkit na mga mata, matangos na ilong, makisig na katawan at matangkad na lalaking 'yon...

Si Arren...

"Huh? Bakit sya huminto?"

"Di nya yata kabisado lyrics."

"Ano ba yan. Ang ganda na oh."

Nakatitig lang ako sa lalaking nakatingin sa direksyon ko. Mukhang hindi ko ito imahinasyon or guni-guni.

Natapos ang gabing iyon, ni hindi ko nalapitan ang taong mahal na mahal ko. Bakit? Dahil natatakot ako. Pero di ko alam ang dahilan.

"Dito na lang pasensya na kanina, Chan. Bawi ako sa next gig natin." Sabi ko sa kabanda ko. Kinuha ko sa likod ng passenger seat ang gitara ko at iba pang gamit.

"It's okay. Talagang bumawi ka ha? Baka wala nang manuod satin." And then he laughed. Bumaba na ako sa kanyang sasakyan at nagwave ng kamay.

"Nakakapagod!" Sigaw ko nang buksan ko ang gate namin. Pero napansin ko na may nahulog na papel.

Nanaman?!

"#100

I still love you. Sorry kanina, huminto ka sa pag kanta dahil nakita mo ako."

What the hell? Ibig sabihin ba nito... oh shit.

"Yes, ako ang nagbibigay sa'yo nyan. Sorry kung mukhang creepy." Boses galing sa likod ko ang boses na 'yun.

Boses ni Arren!

"Are you mad? Pasensya na." Humarap ako sa kanya.

"Sorry kung nilayuan kita. I know this is hard for you. Kasi siguro na fall out ka na. Am I right? Ang tanga ko talaga, dapat kasi sa una pa lang niligawan na kita diba?" Patuloy pa din ang paghikbi ko. Basang basa na din ang aking pisngi ng mga luha ko.

"Vanessa, look at me." Kinuha nya ang aking tingin. Pero hindi ako pumayag. Nilapit nya pa ng maiigi ang kanyang mukha sakin.

"Please?" Napapikit ako at tinignan syang muli.

Kailan ba ako na fall out, Arren? Parang hindi ko kayang mag move on sayo e.

"Naging komplikado lang ang lahat, that's why umiwas ako. Hindi ko alam ang gagawin ko. Naging duwag ako." He sighed. He's so frustated. Halata sa expression ng mukha nya.

"Shhh..." I place my two fingers on his mouth. Para tumahimik na sya.

"Mahal na mahal pa din kita, Arren. Thank you sa 100 na sulat na ginawa mo. Muli akong gagawa ng tula para sa'yo."

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jul 25, 2017 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Walang ForeverWhere stories live. Discover now