Hindi naman ako pansinin. Sakto lang. Naalala ko pa noon, hindi ako naniniwala na may magkakagusto sa aking lalaki. Sino ba naman ako di ba? Hindi naman ako maganda, hindi ako gaanong matalino, in short hindi ako yung katulad ng ibang babae na magugustuhan sa isang iglap.
Pero nagbago na lang ang pananaw ko nung dumating sya ng hindi ko inaasahan. Si Kristofer.
Nakaupo ako sa library. Nagbabasa ng paborito kong libro. Bigla syang nagsalita.
"Classmate may naka-pwesto ba? Pwedeng maki-share?" Aniya at nakangiti sa akin.
"Ah wala naman. Sige." Sabi ko at nagpatuloy na lang ako sa aking pagbabasa.
Umupo sya sa harapan ko. Ni isang tingin ay hindi ko sya tinapunan. Agad naman nag ring ang bell, hudyat na mag uumpisa na ang klase. Agad ko naman sinarado ang libro. Dun ko lang nakuhang tumingin sa kanya. Simple lang sya, may pagka moreno, malaki ang pangangatawan, hindi gaanong gwapo at matangos ang ilong. Di ko alam, pero ang lakas ng appeal nya.
Tumayo na ako. Baka kasi abutan na ako ng second bell. Agad na akong nagtungo sa classroom. Di ko alam pero nakangiti ako ng pumasok ako.
"Talaga? Gwapo ba?" Natawa naman ako sa sinabi ni Marjorie.
"Sira. Ikaw puro gwapo ang hinahanap mo." Napailing na lang ako sa kanya. Sabay buntong hininga.
Makikita ko pa kaya sya uli?
Yes! Finally, dumating din yung araw na nakita ko nanaman sya uli. Ang saya. Kaso wrong timing, bigla akong nagutom. Kinuha ko agad ang bag ko at aalis na. Muli akong tumingin sa kanya, nakatingin din sya sa akin. Teka? May mali ba sa mukha ko?
Tumalikod na lang ako at nagtungo sa hagdan. Napansin ko na lahat ng mga lamesa ay bakante.
"Aalis ka na agad?" Nagulat ako nang magsalita sya. Lumingon ako sa kanya. Sya nanaman. Gusto ko sana magtagal kaso nga lang ay kailangan ko ng umuwi.
"Napapansin na kita eh. Ayaw mo bang ka-share ako sa table?" Kung alam mo lang kung gaano ko kagustong magtagal dito at makasama ka!
"Ah nasasakto lang na pagdadating ka ay tsaka naman ako aalis." Sagot ko. Napatango sya. Nagtaas ako ng kaliwang kamay upang magpaalam sa kanya.
"Teka sandali. Anong pangalan mo?" Napahinto ako.
Tinatanong nya ba ang pangalan ko? Ngumiti na lang ako sa kanya at tumalikod.
Ilang beses pa kami nagkikita sa library, ang kaso nga lang ay nasasabay sa pag alis ko ang pagdating nya. Ilang beses nya na din tinatanong ang pangalan ko.
Pero this time, hindi nya na ako tinantanan.
"Classmate gusto ko lang malaman pangalan mo." Ngumiti ako at sinabi ang pangalan ko.
"I'm Maria." Nakita kong ngumiti sya. Nalaman ko na Kristofer ang pangalan nya.
Nagmadali na akong bumaba pero hindi ko napalampas ang sinabi nya. "Ang ganda mo." Sus. Bolero.
Naulit muli ang pangyayaring yun. Nagkakasalubong kami sa library, pero hindi naman agad ako nagtatagal. Pero hindi ko alam na tugma pala ang oras namin kapag uwian.
"Kahit 10 minutes lang. Okay lang ba sayo?" Pumayag naman ako.
Nakakabingi ang katahimikan. Sobrang tahimik ni Kristofer. Magsasalita na sana ako pero...
"Gusto kita." Napatingin ako sa kanyang mga mata.
Hindi ko alam ang sasabihin ko. First time ko kasi to.