Nasa may coffee shop kami malapit sa University na pinapasukan ko. Vacant. Kaya naman napagpasyahan namin na dito muna magpalipas.
"Oo bro! Ang ganda ng katawan!" Sabay hulma ni Brandon ng sexyng katawan sa hangin. Mga babae nanaman topic ng mga hinayupak na 'to!
Tumawa ako sa ekspresyon nya.
"Pa goodboy naman ang isang 'to!" Pagtukoy naman sa akin ni Edward. Ngumisi ako sa kanila habang kinukuha ang DSLR sa aking bag. I want to take some pictures. Maganda ang ambiance ng shop at pwedeng kuhanan ng magagandang shots.
Tumayo ako at kumuha na ng pictures. Halaman, mini chandelier, frames at kung ano-ano pa. Nahagip ng camera ko ang isang babae.
"Ganda..." Zinoom ko ang picture. Ang ganda ng kuha ko, kahit stolen.
Nakaupo sya sa pangdalawahang table. I think she's waiting for someone. Nakatingin sya sa kanyang wrist watch at may nakalagay na coffee sa kanyang table.
"Paul pahiram naman ng cam mo!" Tumayo si Stephen at inakbayan ako. Kukunin nya na sana yung DSLR ko kaso napatingin sya sa picture.
"Wow pare! Nice shot!" Tuluyan nya ng nakuha ito. Umapila lang ako sa kanyang pagkuha nung nasa table na namin sya.
"Chix spotted." Sabay tawa nilang tatlo. Hinablot ko naman yung camera ko kay Stephen.
"Mga gago!" Hinanap ko yung babaeng nakuhanan ko ng picture. Andun pa rin sya, hawak nya naman ngayon ang kanyang phone.
Natapos na yung vacant namin, umalis na yung babae. Naglalaro ang dulo ng buhok nya habang naglalakad sya paalis ng shop. Shit! Ano ba 'tong nararamdaman ko? Agad naman kaming dumiretso sa building namin.
As usual ganun pa din ang ginawa namin, discussion then after nun quiz. Tapos pag may time pa, mag cocode lang. Hirap ng buhay IT. I sighed. Gusto ko ng umuwi o di kaya ay mag basketball.
"Okay, class dismiss." Sabi ng prof namin sa Computer Programming. Mabilis na naglabasan ang mga estudyante. Kasi uwian na.
"Reyes, tawag ka ni Ma'am Sacdalan. Sa faculty." Sabi ng isa sa mga kaklase ko. Tumango ako at iniayos ang gamit ko. Student assistant ako ni Ma'am Sacdalan. Wala lang, ayoko namang pag aksayahan ang oras ko sa walang katuturan na bagay.
Kumatok ako sa pinto at tsaka naman binuksan ito. "Good Afternoon po." Ngumisi ako kay Ma'am.
Nakaupo sya sa swivel chair nya. Nakasuot ng salamin, kulot ang mahaba nyang buhok, mataba at masasabi mong mukhang terror na professor.
"Aba! Napaka pogi talaga ng SA ko. Tara nga dito pogi!" Pero akala ko din terror at sobrang strict nya. Napaka harot at sobrang kalog.
Napakamot ako sa ulo ko.
"Ma'am naman eh..." Nahihiya kong sambit. Tumayo ako sa harapan ng table nya. May iba din syang co-teachers na kasama sa faculty.
"Surprise!" Sabay tambak nya ng makapal na mga papel. Halos malula ako sa kapal nito. Seriously?
"M-ma'am? A-ako lang po mag checheck neto?" I asked. Umiling sya.
"Teka antayin mo yung kasama mo. Dalawa kayong magchecheck netong mga test papers." Sabi nya at uminom ng kape nya sa pink nyang mug.
Umupo ako sa mahabang table at nag umpisa ng magcheck.
The heck. 15 minutes na pero wala pa yung kasama kong magchecheck netong mga papers na to.
"Sorry nahuli ako." Mahinhin ang boses na yon. Hindi ko pinansin. Hindi naman yata ako yung kinakausap.
"Excuse me?" Napaangat ako ng tingin. Naka maroon syang bistida. Mahaba at bagsak ang kanyang buhok.