"Di mo lang alam naiisip kita
Baka sakali lang maisip mo ako..
Di mo lang hanggang sa gabi
Inaasam makita kang muli.."
Tinanggal ko ang earphone ko. Hinilot ko ang sintido ko dahil sumasakit na ang ulo ko. Mahaba-haba ang vacant namin, kaya naman dito ko muna naisipan na magpalipas ng oras.
"Alice." Napatingin ako sa likod ng puno na kinauupuan ko. Nakita ko sya. Nakangiti at may hawak na rosas. Palapit na sana sya ngunit umihip ang malakas na hangin... nawala sya.
"Nagtapos ang lahat sa di inaasahang
Panahon at ngayon ako'y iyong iniwang
Luhaan, sugatan, di mapakinabangan.."
Dahil sa katangahan ko noon, nawala sya. Si Erick. Ang pinakamamahal ko. Yung araw na sinabi ko sa kanya na...
"Erick!" Masaya nya akong hinarap. Naglakad sya papalapit sa akin. Bakas sa mukha nga ang saya. Pinagpawisan naman ako ng malamig.
"Bakit Alice?" Hindi ako makatingin sa kanya. Hindi ko alam kung sasabihin ko ba sa kanya o hindi.
"K-kasi.. Ano.." Tinaas nya ang kilay nya.
"Ano yun? Susunduin ko pa si Karen." Sa sinabi nyang yun, napatingin ako sa kanya.
"W-wag!" Pag aalinlangan kong sabi.
"Bakit naman?"
"Niloloko ka lang ni Karen, Erick." Kinunot nya ang kanyang noo. Nagtataka sya. Nagulat ako sa lumabas sa aking bibig.
Nakita ko kasi si Karen kanina, sa may comfort room ng girls. Nakikipaghalikan sa loob ng cubicle. Kahalikan nya si Joshua. Yung varsity dito sa school. Agad na lang akong tumakbo.
"Ano? Di magagawa sa akin ni Karen 'yun." Umiling sya at tumalikod sa akin. Hinawakan ko ang kamay nya.
"Erick, mahal kita. Ayoko lang na niloloko ka... o sinasaktan." Tumingin sya sa akin. Parang may bahid ng galit ang kanyang mga mata.
"Hindi ako naniniwala sa'yo. Mahal ako ni Karen. Ano ba kita para paniwalaan ko? Aalis na ako. Susunduin ko pa girlfriend ko." Halata sa boses ang pagkairita. Kinalas nya ang pagkakahawak ko sa kamay nya. Natulala ako.
Tama naman sya. Ano lang ba ako sa kanya? Kaibigan? Hindi naman sapat iyon para paniwalaan nya ako. Sa sandaling iyon, narealize ko na duon na nagtapos ang pagkakaibigan namin.
"Sana'y nagtanong ka lang kung di mo lang alam..
Ako'y iyong nasaktan
Baka sakali lang maisip mo naman
Hindi mo lang alam kay tagal na panahon
Ako'y nandirito pa rin hanggang ngayon para sa'yo..."
Sobrang sakit. Pagkatapos ng graduation, hindi man lang nagparamdam si Erick sa akin. Ni text o tawag. Tss. Asa pa ako. Pero nagbabakasali lang ako na baka may katiting pa na pag asa, yung chance na kahit kaibigan na lang ulit kami.
"Alam mo friend, 'wag ka na magpakatanga dyan sa Erick na yan." Napatingin ako kay Liz. Andito kami ngayon sa cafe malapit lang sa University na pinapasukan namin.
"Friend hindi naman sa ganun. Ewan ko, hanggang ngayon gusto ko pa din sya." Sabi ko sa kanya. Pinaglalaruan ko lang ang cheese cake na inorder ko.