"Wait lang pa! Hinto muna tayo.Hah!" Hingal na hingal na ako kanina pa pero wala pa kami sa kalahati ng pagtakbo niyan ah.
"O sige anak,maglakad ka muna,Mauna na ako sayo ah! Sumunod ka nalang,bilisan mo" Sabi ni papa at sinimulan na ulit niya ang pagtakbo.Umupo muna ako sa isang Gater doon, hindi parin tumitigil ang paghingal ko.May mga dumadaan na Sexy na mga babae at tinitignan nila ang katawan ko sabay ngisi,na akala mo eh nang-aasar dahil sila sexy ako Tababoy!
"Miss oh,water" nabigla ako ng biglang lumitaw sa harapan ko ang isang lalaki.Gwapo rin ito katulad ni Monster,pero mas may dating parin si Angel.
"Ah,salamat kuya?.."
"Uhm..Mart" wow nice name.(sa totoong buhay pangalan ng crush ko yan hihihi)
"Thank you dito sa water,tamang tama dahil sobra yung pagod ko" Ininom ko naman yung isang bote ng Mineral water na wala pa namang bawas.
"And you are?" Ay nakalimutan ko palang magpakilala.
"Amy"
"First time mong mag jogging?" Umupo siya sa tabi ko at nakipag kwentuhan saakin,infairness ah,Cute siya hihihi,Kalandian ko talaga.
"Oo eh.Sa susunod hindi ko na toh uulitin" pabiro kong sabi.
"Sumuko ka na agad? Hahahaha" tawa tawa nito? Ang hirap katang tumakbo kapag ang bigat ng pwet!
"Hindi ko alam." Yun nalang ang nasabi ko.
"You know what?" Anong you know what?
"Ang cute mo" ay kinilig naman ako doon tagos hanggang buto.Ay wala nga pala akong buto taba lang.Kaya tagos hanggang taba..
"Alam mo bolero mo! Oo cute dahil mataba ang pisngi at pinkish ito tulad ng baboy" medyo pataray kong sabi.Medyo lang naman.
"Sus.Masyado mong pinipintasan ang sarili mo" masyado na ba talaga? Sorry kung masyado na,nasasabi ko lang naman yun dahil ayaw kong umasa na may magmamahal saakin sa kabila ng kabigatan o kalakihan ko.
"Sige,Susundan ko lang papa ko.Nice to meet you Mart" tumayo ako at nag-umpisa ng maglakad.
"PWDE BA KITANG MAGING KAIBIGAN!" Pahabol niyang sabi,nilingon ko siya at ngumiti lang ako.Napangiti rin naman siya.Aahh! Lalo siyang pumogi nung ngumiti siya.
Nasa cafeteria ako ngayon kasama si cess ng biglang may tumabi saakin na isang babae,Halata sa mukha niya na Mabait siya lalo na nung ngumiti siya.
"Hi I'm Mea,transferee ako dito sa school kaya Ito ako nakikipagkaibigan sainyo" haba ng sinabi ah,mukhang tahimik sa unang tingin pero ang ingay din pala.
BINABASA MO ANG
The Revenge Of One Fat Girl
FanfictionPaano kung magkita ulit kayo ng taong nanakit ng puso mo? kaya mo ba siyang mahalin muli? O talagang paghihiganti nalang ang nasa isip mo. lahat tayo nasasaktan.Lalo na pagdating sa pag-ibig.Napaka sarap mag-mahal,pero napakasakit masaktan. NEVER FO...