07

19 1 0
                                    

Tatlong araw ko ng hindi nakikta si Monster mula nung pinuntahan namin si Nicole.Tatlong araw naring tahimik ang buhay ko.Pero nakakamiss din Pala siyang kasama.2 weeks ko rin kaya kasama yung lalaking yun halos araw- araw eh,pumupunta kami kila nicole pero wala naman lagi doon sa bahay nila.Feeling ko nga eh ayaw niya lang talaga makita si angel kaya sinasabi nalang ng Katulong nila na umalis kahit nandun siya.

Pumunta ako sa room nila Angel dahil nag-aalala ako sa kanya kahit papaano eh napalapit narin saakin yung monster na yun kahit ang panget ng ugali.

"Nandyan ba si Angel?" Huminto naman sa pag-uusap yung mga babae.Tumingin muna sila sa katawan ko bago magsalita.

"Ano naman kailangan mo sa baby Angel namin?" Baby? Huh! Wtf! Mga pabebe na naman."at tsaka wag ka ngang lumapit sa kany ,ang laki laki mong tao eh" so porket mataba bawal ng lumapit??

Magsasalita na sana ako ng biglang may tumawag sa pangalan ko.

"Amy!" Huh? Anong ginagawa niyan dito?Hindi ko alam na dito rin pala siya nag-aaral At ang lakas ng dating niya ngayon ah.

"Dito ka pala nag-aaral Mart" malamang kaya nga nakauniform siya katulad ng uniform ng mga kaklase mo kasi dito siya nag-aaral.

"Oo.Hehehe."

"Teka Babe Mart bakit mo siya kinakausap?" Naiinis na tanong nung isang mataray na babae kanina.

"Bakit bawal ba makipag-usap sa kaibigan ko?" Ay ang taray,kaibigan daw.

"Kaibigan mo Siya?!" Ang kulit din nitong mga babaeng ito eh noh.

Natawa nalang si mart sa mga itsura ng mga babae,pati rin ako natawa dahil nakakatawa naman talaga.

Bigla nalang ako hinila ni Mart sa kung saan.

"Wait,san ba tayo pupunta?"

"Usap tayo,namiss kita eh" Wooh! Grabe magpakilig toh si Mart. At ang galing niya mag joke Infairness..

"Ah,Hahahahaha" nagtaka naman siya Kung bakit ako tumatawa kaya napahinto kami.

"Oh? Bakit ka tumatawa?"

"Eh kasi nag-joke ka" napangiti lang siya at parang may binulong ang lolo niyo.
"Anong binubulong mo diyan?" Irita kong sabi.

"Wala.Siya nga pala.Sino hinahanap mo kanina?" Oo.nga pala nakuita niya ako sa tapat ng room nila Angel kanina.

"Si Angel" napatingin naman siya saakin ng seryoso.

"Wala siya,Absent.Tatlong araw na" boring niyang sabi.

"Huh? Bakit daw?"

"Malay ko ba.Tatay ba ako nun?" Ang sungit ah. Pero parang bigla akong nag-alala bigla kay Angel.Bumilis bigla ang tibok ng puso ko.

The Revenge Of One Fat GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon