Chapter Three

1.5K 72 8
                                    

PASULYAP-SULYAP si Bullet kay Red habang nasa biyahe sila. Kung tutuusin malapt lang naman ang apartment nilang magkakaibigan sa campus. Kung minsan nga kapag wala silang magawa, nilalakad na lang nila 'yon. Ilang sandali na lang at makakarating na sila sa apartment, hindi naman sila pwedeng maghiwalay ng basta ganito na lang.

"Bakit... bakit ka nagalit kanina?" basag niya sa katahimikan.

Hindi ito sumagot.

"Dahil ba feeling mo, pinag-trip-an ka lang namin ng mga friends ko?" Hula lang naman niya 'yon pero malakas talaga ang pakiramdam niya na 'yon ang dahilan. Nasaktan siguro ang pride nito dahil sa sinabi niya.

"Bakit? Hindi ba?" sarkastikong tanong nito.

Sabi na nga ba. "Well, it might really looked that way. I don't know if this is any consolation, but when my friend asked me to kiss you, hindi niya sinabi sa 'kin na i-torrid ka. Sarili ko lang na kagustuhan 'yon."

Bigla itong napaubo. Nasamid ata. "Tama bang sabihin mo 'yan sa 'kin?"

"Why? Pinapagaan ko na nga ang loob mo e."

"Puwes hindi tama ang paraan na ginagamit mo."

"Ano'ng tamang paraan?"

Napailing ito at nagbuntong-hininga. "Just promise me you won't kiss another guy just for the heck of it. Kung gagawin mo 'yon, dapat sa taong mahal mo lang."

Napangiti naman siya. Napaka-old school kasi nito. Nowadays kasi hindi na gano'n ka-big deal ang isang halik. Pero lihim pa rin siyang natutuwa. Malimit na lang kasi ang kagaya nito na nagpapahalaga sa mga babae.
"Okay. So the next time I kiss you, ibig sabihin no'n mahal na kita." May halong birong wika niya. But jokes are half-meant right?

Napatawa naman ito. "You're really impossible."

Bigla na lang siyang kinilig nang makita ang nakangiti nitong mukha. Lalo pa itong gumwapo sa paningin niya. His laugh was like music to her ears. Walang panama ang Moonlight Sonata ni Beethoven sa ganda ng tawa nito.

Inihinto nito ang sasakyan. "We're here."

"Yeah." Tiningnan niya ito. "Thanks, Sir Red." Inipon niya ang lahat ng lakas ng loob at hinalikan ito sa pisngi. "Hindi 'to counted ha?" She made it sound na parang nagbibiro pa rin siya para lang maitago ang kaba sa sariling boses.

Hindi na niya hinintay ang magiging reaksyon nito, dali-dali na siyang bumaba sa kotse at pumasok sa loob ng gate ng apartment nila. Normal na para sa kanya na humalik sa pisngi ng ibang tao, but it took all of her willpower para lang mahalikan si Red. Ngayon pa ata siya tinablan ng hiya.

Narinig niya ang pag-andar ng kotse. Umalis na ito, pero nananatili pa ring malakas ang tibok ng kanyang puso.

"I saw that." Wika ni Gui na kanina pa pala nando'n sa labas. "That's your math prof right?"

"Yup."

"Bakit ka niya hinatid dito? Tapos may pa-kiss-kiss ka pang nalalaman. Are you seducing him?" nang-aasar na wika nito.

"Of course not!" tanggi niya dito. "But..." she smiled and continued, "I really want him to like me."

THURSDAY. Papunta si Bullet sa Sephiroth. 'Yon kasi ang araw ng pagtugtog ng banda nila sa nasabing bar. Nauna na siya do'n dahil maagang natapos ang klase niya. Kapag ganitong may pasok, once a week sila kung tumugtog do'n. Pero kapag bakasyon, halos araw-araw silang nando'n.

Pagpasok niya ay agad niyang nakita si Peeves sa may counter. Lumapit siya dito at ibinaba ang dala-dalang guitar case.

"Hi Peeves." Bati niya dito.

Gothic Chickz: BulletTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon