NAPAKABILIS nang ginagawang pagpapatakbo ni Red sa kotse nito. Wala nang nagawa si Bullet kundi pagmasdan ang mukha nito na halatang puno ng pag-aalala. Nang matanggap kasi nito ang tawag mula kay Ms. Dante ay agad na siya nitong niyaya na bumalik na sa Manila. Hindi naman siya nakatanggi. Dadaan daw muna ito sa bahay ni Ms. Dante bago siya ihatid pauwi.
Hindi tuloy niya mapigilang mainggit. Ano kayang pwede niyang gawin para mag-alala din ito ng gano’n sa kanya? Napakaswerte naman talaga ni Ms. Dante.
Nang ihinto nito ang sasakyan ay nasa tapat na sila ng isang putting gate. Hindi gano’n kalaki ang bahay, simple lang ito at halata mong pang-isahan o dalawahang tao lamang. Pero malawak naman ang bakuran no’n at kagaya ng bahay nina Red ay napapalibutan rin ito ng madaming halaman.
“Stay here. Babalik ako kaagad.” Wika ni Red sa kanya. Bago pa siya makasagot, bumaba na ito sa kotse.
Nag-doorbell ito at makaraan ang ilang sandali ay pinagbuksan ito ng isang babae. Tinitigan niyang mabuti ito. Matagal bago niya na-realize na si Ms. Dante pala ang babae. Nakalugay kasi ang buhok nito at wala rin itong suot na salamin. Maganda naman pala ito kapag gano’n ang ayos.
Pagkakita nito kay Red ay agad na nalaglag ang masasaganang luha mula sa mga mata nito. Mabilis naman itong niyapos ng lalaki. Seeing him holding another woman with such care, only made her heart ached.
“Red… Red…” wika ni Ms. Dante habang patuloy pa rin sa pag-iyak.
“Sshh… nandito lang ako. Hindi kita iiwan.” At iginiya na nito papasok ang babae.
Parang pinipiga ang puso niya sa nakita. Mahal na mahal siguro talaga ni Red si Ms. Dante. Isang tawag lang nito ay nagkandarapa agad si Red para lang mapuntahan ito. Isang mapait na ngiti lang ang sumilay sa kanyang labi.
She decided na gagawin niya ang lahat para mahalin rin siya ni Red, but now parang napakaimposible nang mangyari pa ‘yon. Hindi na nga niya alam kung kaya pa niyang patuloy na manatili sa tabi nito.
Kaya ba niyang maging martir at palihim na lang itong mahalin? Kaya ba niyang makuntento na lang sa mga oras na nagkakasama sila? Kaya ba niyang hindi nito suklian ang pag-ibig na nadarama niya? No. She can’t. Hindi siya makukuntento ng gano’n lang. Because, above all, she wanted his love. Pero alam din niya na hindi nito kayang ibigay ‘yon.
So the only thing she can do now was to let go.
Lumabas siya ng kotse at nag-abang ng masasakyan. Hindi na niya alam kung paano siya nakabalik sa apartment. Laking pasasalamat lang niya na pagdating niya do’n ay gising pa ang mga kaibigan.
“O ba’t ganyan ang itsura mo? Mukha kang namatayan.” Tanong ni Jiggs na agad na lumapit sa kanya.
Niyapos niya ito. At hinayaan na niyang malaglag ang luhang kanina pa niya pinipigilan.
ILANG araw matapos ang gabing ‘yon, nasa isang kainan na malapit lang sa campus sina Bullet. Kasama niya ang tatlo pa niyang kaibigan. Hanggang ngayon hindi pa rin nawawala ang sakit na nadarama niya. Matagal pa siguro bago niya malampasan ang nadaramang sakit. Nagpapasalamat siya dahil hindi umaalis ang mga kaibigan niya sa kanyang tabi.
Kahit hindi nagsasalita ang mga ito ay nararamdaman naman niya ang suporta ng mga ito sa kanya. Pinipilit siyang pasayahin ng mga ito in their own little ways. Kung hindi siguro dahil sa mga ito ay baka nag-break down na siya at ilang gamit na rin siguro ang nasira niya.
“Guys, nakalimutan kong sabihin sa inyo. Nung isang araw tumawag sa ‘kin si Iris, tanda niyo pa siya ‘di ba?” tanong ni Gui.
Tanda pa niya kung sino ito, sa pagkakatanda niya ay ito yung kababata ni Gui na mas matanda sa kanila ng tatlong taon.
BINABASA MO ANG
Gothic Chickz: Bullet
Cerita PendekSa apat na miyembro ng kanilang bandang Gothic Chickz, ang lead guitarist na si Bullet o Violet ang maituturing na pinaka-game sa lahat ng bagay. Kaya sisiw sa kanya ang dare ng mga kaibigan na halikan niya ang isang lalaki sa bar. Bonus pa na guwap...