MAAYOS ang naging pagtatapos ng graduation. Hindi makapaniwala si Bullet na matapos ang ilang taon niyang pakikipagbuno sa mga teacher at sa sandamakmak sa subjects, sa wakas ay tapos na rin siya. Natutuwa siya dahil sabay-sabay silang naka-graduate na magkakaibigan.
Pagkatapos ng ceremony ay agad silang dumiretso sa Sephiroth. Naghanda kasi si Peeves ng graduation party para sa kanila. Kasa-kasama nila ang mga kapamilya nila na dumalo sa graduation ceremony para bigyan sila ng suporta. Parehong dumating ang parents niya. Hindi kasama ng ama niya ang asawa nito. Civil naman ang mga ito sa isa’t-isa. Akala niya ay hindi na darating ang araw na makikita niyang magkasama ang mga ito at nag-uusap.
Dumating din ang mga magulang ni Ice. Nando’n din ang nanay ni Jiggs. Hindi nakapunta ang tatay nito dahil hindi agad ito nakabalik mula sa Japan. Doon kasi ito nagtatrabaho.
Hindi rin naman nawala ang ina ni Gui. Kasama nitong dumating ang stepfather at stepbrother ng kaibigan. Nagulat siya nang makita niya ang stepbrother ni Gui. At alam niyang maski sina Jiggs at Ice ay nagulat rin. Ngayon lang kasi siya nakakita ng lalaking mas maganda pa sa karaniwang babae. Ngayon napatunayan na niya na meron talagang mga lalaki na matatawag mong maganda. Gusto niyang matawa, sobrang magkabaligtad kasi ang features nito at ni Gui. Kung ito ay magandang lalaki, si Gui naman ay gwapong babae.
Halatang sobrang na-miss nito si Gui dahil simula pa kanina ay hindi na ito umalis sa tabi ng dalaga. Si Gui naman ay mukhang kanina pa naiirita dahil sa pagdikit dito ng stepbrother.
Sa kabila ng lahat ng nangyayari ay hindi siya makaramdam ng lubos na kasiyahan. Sariwa pa rin kasi sa kanya ang sakit na dulot ng sawing pag-ibig. Naalala pa niya ang ginawa niyang pagtatapat kay Red. Wala naman kasi siyang balak talaga na sabihin dito ang nararamdaman, masyado kasi itong makulit kaya hindi na rin niya napigilang magtapatat dito.
She remembered how speechless he looked pagkatapos niyang sabihin dito na mahal niya ito. Para itong na-engkanto, ni wala man lang itong nasabi. At higit sa lahat, hindi man lang siya sinundan nito. Hinayaan lang siya nitong umalis. Isang patunay lang talaga na hindi ito interesado sa kanya.
“Bullet, tinatanong ka ng Papa mo.” tawag pansin sa kanya ng ina na noon ay katabi lang niya. Magkakasama kasi silang tatlo sa isang table.
“Ah. Ano po ulit yung tanong niyo?”
“I’m asking kung ano nang plano mo ngayon na graduate ka na?” tanong ulit ng ama.
“May nag-offer sa banda namin na isang record company. They want to produce our very first album. So baka ituloy ko muna ang pagbabanda and see where it will get us.”
“Well, whatever you chose to do nandito lang kami ng Mama mo para suportahan ka. Hindi ba Annie?”
“Syempre naman.”
Napangiti naman siya dahil sa tinuran ng mga magulang. Kung meron man siyang isang bagay na gusto sa mga ito, ‘yon ay ang undying support na walang sawang binibigay ng mga ito sa kanya. “Thanks, Ma, Pa.”
Napatingin silang lahat sa stage dahil sa biglang pag-akyat do’n ni Peeves. Kinuha nito ang mic at nagsimula nang magsalita. “I’d like to propose a toast dahil graduate na ang apat kong anghel. Truthfully, I really consider the four of them as my lucky charms. Malaki kasi ang naitulong nila para sumikat ng ganito ang bar ko. Sana as you go to the next stage of your life, you continue on inspiring people with your music. At sana hindi niyo makalimutang dumalaw dito sa Sephiroth kapag sumikat na kayo.” Itinaas nito ang kopitang hawak. “Congratulations!”
Itinaas din ng mga tao ang hawak-hawak ng mga itong baso ng inumin at sabay-sabay na nagwika ng ‘congratulations’. Hindi naman niya inaasahan na sasabihin ‘yon ni Peeves. May tinatago din palang kadramahan sa katawan ang lalaki.

BINABASA MO ANG
Gothic Chickz: Bullet
KurzgeschichtenSa apat na miyembro ng kanilang bandang Gothic Chickz, ang lead guitarist na si Bullet o Violet ang maituturing na pinaka-game sa lahat ng bagay. Kaya sisiw sa kanya ang dare ng mga kaibigan na halikan niya ang isang lalaki sa bar. Bonus pa na guwap...