SINIPAT ni Bullet ang sarili sa full body mirror na nasa kwarto nila ni Jiggs. Isang plain black t-shirt at skinny jeans ang suot niya. Hindi na niya maalala kung kailan siya huling nagsuot ng pantalon. Lagi kasing palda o shorts ang suot niya. Tinernuhan niya ng itim na sneakers ang damit na suot-suot. Bukod pa do’n ay wala ring ka-make-up make-up ang mukha niya. At para kumpletuhin ang kanyang get-up, kinuha niya ang nakasabit niyang bullcap at isinuot ‘yon. Bago tuluyang lumabas ng kwarto, isinukbit muna niya sa kanyang balikat ang guitar case niya.
Makikipagkita siya ngayon kay Rose at sa mga kaklase nito. Tumawag kasi kagabi sa kanya ang dalagita at nahingi ng tulong. Meron kasing group project ang mga ito. Kinakailangan ng mga ito ng magtuturo sa kanila ng kanta, kaya siya ang tinawagan ni Rose. Agad naman siyang pumayag dahil wala naman siyang gagawin ngayong araw.
Paglabas niya sa may living room, nando’n ang tatlo niyang kaibigan at may kanya-kanyang ginagawa. Si Jiggs ay nagbabasa na naman ng kung anong weird na libro. Si ice ay nakain ng cake habang nanunood ng t.v. Si Gui naman ay nakaupo sa isang tabi at naglalaro ng PSP. Sabay-sabay na napatingin ang mga ito sa kanya.“Ano namang drama ‘yan Violet? Balak mo bang mag-hiking at ganyang ang suot mo?” may pagtatakang tanong ni Gui.
“Hoy Sampaguita, bawal na ba akong mag-suot ng jeans ngayon?” ganting wika niya. Alam niyang hindi sanay ang mga ito na makita siya na nakapantalon at walang make-up. Pero hindi naman siya pwedeng magpakita sa mga kaklase ni Rose na sobrang ikli ng suot at sobrang kapal ng make-up. Baka kasi hindi siya seryusohin ng mga ito.
“Saan ba ang punta mo?” Tanong ni Jiggs.
“D’yan lang, tutulungan ko si Rose at saka yung mga kaklase niya.”
“Sino si Rose?” – si Ice.Oo nga pala. Hindi nga pala niya naikwento sa mga ito yung nangyari sa kanya a week before the class resumed. “Little sister ni Sir Red.”
“Wow. Kailan pa kayo naging close ng little sister ni Sir Red?” manghang wika ni Ice.
“Recently lang.”
“At sa lagay pa lang ‘yan e hindi ka pa in love sa math prof mo.” nailing na wika ni Gui.
“Sige na, I’ll admit, in love ako sa kanya.” Aniya. Unfair naman sa mga ito kung hindi man lang niya i-she-share ang kanyang nararamdaman. After all, ang tatlong babaeng ‘to ang pinaka-matalik niyang kaibigan.
Muntik na siyang mapatawa dahil sa iba’t-ibang reaksyon ng mga kaibigan. Si Jiggs ay nabitiwan ang binabasang libro. Si Ice naman ay nabulunan. Samantalang si Gui ay sobrang lakas ng ginawang pagtawa.
“Sa wakas inamin mo rin.”“’Di ba sabi mo may gusto na ‘yon kay Ms. Dante? Okay lang sa ‘yo?” tanong ni Jiggs.
“Okay lang. I’ll just do my best para magustuhan niya ako at mahulog ang loob niya sa ‘kin.”
“At mukhang nagbalik na rin ang confidence ng Bullet na kilala namin.”Ibinaba ni Ice sa center table ang kinakain at niyapos siya. “Mabuti naman at na-realize mo na ang real feelings mo para kay Sir Red. Masaya kami para sa ‘yo.” Humiwalay ito sa kanya at tumingin sa dalawa pa nilang kaibigan. “Right guys?”
“Of course. Dahil sa wakas graduate na rin sa pakikipaglaro sa mga lalaki ang ating si Bullet. How about you Ms. Hinagiku, masaya ka ba for our friend here?”
“Hay naku. May magagawa pa ba ako? Basta if ever na ma-broken hearted ka, I’ll give you one of my books.” Sagot nito.
Napangiti na lang siya dahil sa sinabi na mga kaibigan. “Bahala na nga kayo. Aalis na ako at baka ma-late pa ako. Bye friends.”

BINABASA MO ANG
Gothic Chickz: Bullet
Historia CortaSa apat na miyembro ng kanilang bandang Gothic Chickz, ang lead guitarist na si Bullet o Violet ang maituturing na pinaka-game sa lahat ng bagay. Kaya sisiw sa kanya ang dare ng mga kaibigan na halikan niya ang isang lalaki sa bar. Bonus pa na guwap...