Fierce Fate

15.2K 336 4
                                    

DANGEROUS PASSION

CHAPTER 2

PAGKALIPAS ng ilang oras ay naging maayos na rin ang kalagayan ni Jillian Belize. Kaya naman ay pinayagan na rin siyang makalabas ng pagamutan. Si Yaya Leny na ang tumayong guardian ng bata. Wala kasing kamag-anak sina Jillian dito sa Maynila. Karamihan kasi ay nasa Mindanao at yung iba ay nasa America.

Dinala ni yaya Leny sa pinasabog na tahanan ng mga Valderoza ang bata.

Kitang-kita ni Jillian na sobrang sunog na ang malaki nilang bahay.Wala ng ni isa mang alaalang buo ang kanyang mga magulang.Sunog ang lahat ng mga gamit nila at wala na ni bakas ng portrait na natira sa bahay. Umiiyak si Jillian. Sobrang lupit yata ng tadhana sa kanya. Wala na ang kanyang mga magulang.Wala na siyang bahay.

Niyakap ni yaya Leny nang buong higpit ang bata.Habag na habag siya rito.Kung dati ay isang prinsesa ang alaga niya,ngayon ay di na niya alam kung anong kapalaran nga ba ang sa kanya'y naghihintay.

"Yaya, paano na po ako?" tanong niyang kaawa-awa ang hitsura. Napaluha na si Yaya Leny dahil parang kinukurot ang puso niya. Di siya sanay na makitang ganito si Jillian.

"Narito pa ako, iuuwi kita sa aming probinsya. Aalagaan pa rin kita." Ani yaya Leny.

"Kahit po ba wala na akong maisahod sa inyo, yaya?" tanong nito.

"Sobrang buti ng iyong mga magulang, Jillian. Sobrang bait nila sa akin. Lagi silang handa upang tulungan ako, kaya ngayon, ako naman ang siyang bahala saiyo." Sabi niya.

"Salamat po, yaya." Sabi niya. Hinagkan ni Yaya Leny sa pisngi ang bata.

"Tayo na at mayroon tayong kailangan puntahan sa funeraria dahil ike-cremate na nila ang iyong mga magulang." Sabi ni Yaya Leny. Biglang nasaktan ang kalooban ni Jillian. Sobrang saklap ng kanyang pinagdaraanan ngayon. Mukhang sunud-sunod na kamalasan na yata.

"Yaya, di po ba kanina ko lang sila kasama? Bakit po ba gano'n? Di po ba ako mahal ng Diyos? Galit po ba sa akin ang Diyos?" humihikbing tanong niya.

"Mahal ka ng Diyos. At alam Niyang isa kang matatag at matapang na bata, kaya higit kanino man, ikaw ang binigyan Niya ng ganyang klaseng pagsubok. Dahil batid Niyang kaya mo." Marahang sabi ni Yaya Leny. Isinubsob ni Jillian ang mukha sa balikat ng yaya niya. Humihikbi siya ng palihim. Gusto niyang sumigaw. Gusto niyang magwala.
Ngunit kapag ginawa ba niya iyon ay maibabalik pa ang buhay ng kanyang mga nasirang mga magulang? Hindi na. Nangyari na ang pagkawala nila. Kailangan na lang niya iyong tanggapin nang maluwag sa kanyang puso. Nagpahid ng luha si Jillian at humawak na siya sa kamay ng yaya niya upang sumakay ng taxi.




Mabibigat na hakbang ang ginawa ni Jillian nang makarating na sila sa Morgue.Tinitiis niyang huwag umiyak.Pero di na niya kayang pigilan ang pagpatak ng mga luha.

Binuksan niya ang puting tela na nakatakip sa bangkay ng kanyang ina.

"Mommy.." tawag niyang halos ay pabulong na lang. "Mommy, di ko alam kung kakayanin kong mabuhay nang wala kayo ni daddy.Pero pipilitin ko po.Balang araw ay magbabayad sila ng mahal sa ginawang pagpaslang sa inyo.Maging akin din ang batas."
Aniyang halos ay di na makahinga sa sakit na nararamdaman. She kissed her mother in the forehead at buong higpit niya itong niyakap as if bidding farewell. She turns to her left side, kung saan ay naroon ang sunog na katawan ng kanyang ama. Di na nakapagpigil si Jillian kundi ang mapasigaw dahil sa sinapit ng daddy niya.

"Isinusumpa kong magbabayad sila sa ginawa sa inyo, daddy.Buong buhay nilang pagsisisihan ang nagawa nila." Ani Jillian at marahang binuksan ang puting tela na nakatakip sa sunog na katawan ng amang si Leonel Valderoza.

"Dangerous Passion"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon