Hulog sa Sariling Bitag?

12.4K 270 3
                                    

DANGEROUS PASSION

by:Serendipity Yesha

{CHAPTER 9}

HINDI na rin nagtagal si Vernon sa silid na iyon, dahil baka di na siya makapagpigil pa.

Mas pinili na lang niyang iwan si Jillian sa loob, dahil talagang naaakit na siya dito.Pabagsak pa niyang isinara ang pinto bagay na nagpagulat sa dalaga.Ngunit nang tuluyang makaalis si Vernon doon ay napangiti nang maluwag si Jillian. Alam niyang nanalo siya at alam niyang naakit na niya ang binata.

"Sayang na sayang ka Vernon Torrefranca.Gagawin ko ang lahat upang umibig ka sa akin.Paiikutin kita sa aking mga palad,upang sirain din ang buhay mo!"Sabi niya sa kanyang isipan saka mabilis nang nagbihis.

Si Vernon naman ay mabilis nang pumasok sa sarili niyang silid at doon ay napapamura.Halos iuntog niya rin ang ulo sa dingding.

"Sino nga ba ang babaeng iyon? What the hell she want?I knew that she was trying to seduce me. Ang kapal ng mukha niyang gawin iyon,pagkatapos siyang tanggapin nina Mama dito. Ano'ng plano at motibo niya? Sino nga ba siya?"Sunud-sunod na tanong niya sa sarili at halos ay masabunutan na niya ang sariling buhok.

Ilang katok ang narinig ni Vernon sa labas ng silid niya.

"Kuya.."Marahang tawag ni Chloe. She's his adopted sister.

"Chloe,bakit?"Tanong ni Vernon imbes na pagbuksan na lang ito.

"Ipinapatawag ka ni Papa,kuya." Sabi nito.

"Sige,susunod ako.Magbibihis lang ako,saglit.Mauna ka na."Aniya dito.

"Sige,kuya."Tugon nito sa kanya.At dinig niya ang yapak nitong papaalis na.

Pumasok si Vernon sa loob ng kanyang bathroom at dahil sa init na nararamdaman sa ginawang pagningas sa kanya ni Jillian kanina ay tuluyan na niyang binuksan ang shower at tumapat na sa tubig saka ito hinayaang bumuhos sa kanyang katawan.Ngunit tila di niya yata agad-agad na maapula ang apoy na binuhay ng napakagandang katawan ni Jillian.Di na mawaglit sa utak niya ang kahubdang nakita niya dito.

"Ano nga ba ang motibo ng babaeng iyon?Ano'ng kailangan niya at naririto siya?Ah,kailangan kong alamin ang bagay na 'to!"Sabi niya sa sariling naguguluhan.

***

Si Jillian naman ay lumabas na ng kanyang silid.Suot ulit niya ang mahabang palda na binili pa niya sa boutique nang magpunta dito. At suot niyang muli ang long sleeves.Bagay na bagay pa rin iyon sa kanya.Hindi na siya naglagay ng make-up,upang di makahalata ang mga ito na sanay na sanay siya doon.

"Good morning,Belize."Masayang bati ni Señora Athena sa dalaga at mabilis itong humalik sa pisngi niya.

"Good morning,din ho."Tugon ni Jillian at gumanti ng halik sa ginang.

Nakita niyang nasa hapag na rin si Señor Abelardo.Nakangiti ito sa kanya na para bang matagal na rin silang magkakilala.Iyong klase ng ngiting di niya makakitaan ng anumang pagbabalat-kayo.

"Good morning,Belize!"Bati ni Señor Abelardo sa kanya.

"Magandang umaga din ho sa inyo,Señor Abelardo.Ikinagagalak ko ho kayong makita."Sabi niyang ngumiti pa sa paraang nahihiya sa mga tao.Kailangan niyang umarte ng ganito upang makagaanan ng loob ang bawat miyembro ng pamilya nito saka niya sabay-sabay na ihulog sa impyerno!

"Sige,paniwalaan niyo ang bawat arte ko.Sige lang.."Aniya sa kanyang loob-loob.

Señor Abelardo looks at her in such an adorable way.Nagigiliw siya sa hitsura ng dalaga.Yun bang alam niyang nakakagaanan niya agad ito ng loob.Yung para bang kilala niya ito noon pa man.Muli itong ngumiti sa paraang walang halong malisya,at si Jillian naman ay nakipaglaban dito ng isang matamis na pagkakangiti.Gusto niya rin itong akitin upang masira ang marriage nito kay Señora Athena at sisiguraduhin niyang mahuhulog din ito sa taglay niyang kagandahan.

"Dangerous Passion"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon